Chapter 3

1243 Words
Nagbigay ng labis na curiosity sa'kin ang mga litratong nakapatong sa isang cabinet. Ilang metro lamang ang layo nito mula sa kwarto ni Alfred. Kuha ito noong mga bata pa lamang sila at kung hindi ako nagkakamali, ang batang lalaking nakatayo sa gitna ay ang aking asawa. Sinubukan kong hawakan ito upang makita ng malapitan at masiguradong tama ang aking hula. "Why are you staring at those pictures?" sambit ng boses na nagmula sa aking likuran. Nanginginig ang mga kamay kong binitiwan ang larawan at napalingon na lamang dito. Malalim akong bumuntong-hininga at kabadong tumitig sa kanyang mga mata. I tried to smile at him. "Sorry, natuwa lang ako sa pictures niyong magkakapatid. Napaka-inosente ng ngiti mo dito at ang baby face pa talaga!" sambit ko sabay turo sa kanyang picture. Sinubukan kong patawanin ito gamit ang simpleng papuri. Kumunot ang noo ni Alfred. Sa isang iglap lamang ay nagbago ng tuluyan ang timpla nito. Muntik na akong mapa-atras sa aking kinatatayuan ngunit pinigilan niya ang galaw ko sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa aking braso. May nasabi ba akong masama? "We're not brothers, we're rivals." Madiin nitong sambit. Napalunok na lamang ako nang dumako ang aking paningin sa malamlam niyang mga mata. Kahit malakas ang boses nito, hindi pa rin nawawala ang kanyang kagwapuhan bagkus mas nakakadagdag pa ito ng angas sa kanyang mukha. Humugot ako ng malalim na hininga. "Do you hate them? Sila ba ang dahilan kung bakit kailangan mong magpakasal sa'kin?" Umiling ito. Hindi niya sinagot ang aking tanong at ibinagsak ng malakas ang picture frame sa cabinet. Nagulat ako sa ginawang iyon ni Alfred. "Wala kang karapatang tanungin ako. I am your boss, remember?" umangat ng bahagya ang labi nito. Muntik ko nang makalimutan ang totoong papel ko sa kanyang buhay- isa lamang akong alipin nito. "Sorry, masyado lang yata akong natuwa. Nakalimutan kong bawal akong manghimasok sa mga pribado mong isyu at ang kailangan kong gawin ay maghintay lamang ng instructions," mahina kong sambit. Mala-demonyo naman itong ngumiti. "Good. The next time you'll ask me, I'll give you a punishment." "Ahmm," tumikhim ako at nakagat ang pang-ilalim na labi. "Thanks, I'll keep that in mind." Tumalikod na lamang ako dito. I don't know why my eyes watered. Dahil ba sa kanya at sa kalagayang mayroon ako ngayon o baka namiss ko lang ang kalayaang nalalasap ko noon? Kumawala ang singhap sa aking labi nang bigla nitong hinawakan ang aking kamay. Pinakatitigan niya ako ng mata sa mata kaya kusa ng sumunod ang katawan ko dito. Dinala ako ni Alfred sa malawak na sala ng mansyon at pinaupo sa kulay itim na sofa. Pinanood ko kung paano siya umupo sa aking harapan at binasa ang kanyang labi. Kinuha nito sa tabi ang isang brown envelope na may nakasulat na pangalan ko. "This is your first task," aniya. Hindi ako maaring magkamali. Ang mga papeles na 'yon ang pinasa ko noong pumasok ako bilang finance staff sa kompanya nito. "I need you to work as a Finance Manager in Rave's company. Kailangan ko ang tulong mo upang mas mapadali ang pagpapabagsak ko sa kanya." Inilapag nito ang envelope sa mesa at kinuha ang isang bagong resume, application letter at ang iba pang mga requirements na kakailanganin ko upang makuha ang posisyong sinabi nito. Pinagmasdan ko naman kung paano niya binasa ang nilalaman ng resume ko. "You're a smart woman, alam kong magagawa mo ng maayos ang iyong trabaho." Ngumisi ito sa'kin. "Kailangan ko bang pumunta ng Raven's para ipasa ang application ko?" tanong ko rito at sinubukang kunin ang mga papeles na hawak niya. Tipid na ngumiti sakin si Alfred. "No need. Magkakilala na kayo ni Rave, alam kong tatanggapin ka nito agad dahil umuwi na sa probinsya ang dati niyang Finance Manager para magpakasal." Ngayon ay kailangan ko palang magtrabaho sa bunso nitong kapatid. Hindi ko maitatanging, gwapo, matalino at mabait si Rave. Pilyo man ito kung magsalita at prangka minsan, ngunit matinding kalungkutan ang sumasalamin sa mga mata nito. It feels like he's looking for a long lost lover. At hindi ito napapagod na umasang magkikita silang muli. Ang pinagka-iba lamang nila ng nakakatandang kapatid ay nagagawa nitong pagsabayin ang pagiging bilyonaryo at huwarang pulis. Tahimik akong bumalik sa aking silid at isinubsob agad ang mukha sa unan. Gusto kong magtanong kay Alfred kanina pero tinuldukan agad nito ang usapan namin. Hindi ko rin nagawang makita ng malapitan ang laman ng profile ko kaya naman mas lalo akong kinabahan na baka mayron pang kakaiba sa plano niya. Pagkatapos naming kumain hanggang makapasok ako ng kwarto, walang ibang laman ang isipan ko kung hindi ang sinabi nito. Ngunit hindi ako pwedeng sumuway sa mga kagustuhan ni Alfred kaya kailangan kong gawin ang lahat ng aking makakaya upang magawa ng mabuti ang aking misyon. How I wish, kahit papaano medyo maging sweet at thoughtful naman ito minsan para hindi boring ang buhay ko sa mansyon at sipagin ako sa aking misyon. "Sorry, Rave. I wasn't able to submit it on time because of the discrepancies. Ayoko namang makakita ng butas ang Board of Directors sa report na isusumite natin." Yumuko ako sa harapan nito at inabot ang isang flashdrive na naglalaman ng mga report na pinagpuyatan kong gawin. Lumiwanag naman ang mga mata ni Rave at ngumiti sa'kin. "No problem, nagawan ko na ng solusyon. Ang mahalaga, tama ang report na matatanggap nila on Friday. Thanks for your hard work, Ms. Bless." Ilang araw palang akong nagtratrabaho kay Rave pero napapa-isip na ako kung bakit kinamumuhian ito ni Alfred. He's a caring, understanding and grateful person. Malayong-malayo sa mga sinabi nito sa'kin. Malaki din ang tiwala nito kay Alfred to the point na handa itong magpahiram ng malaking pondo para lamang sa mga malalaking projects ng Affinity. Honestly, hindi ako nagsising pumasok ako sa Raven's dahil natanggap ko ang mga benipisyong ipinangako sa'kin ni Rave. Nagawa pa nga akong bigyan ng kompanya ng sariling laptop na magagamit ko sa mga tuwing may meeting at kapag kailangan nito ang aking expertise. "Alfred is a lucky man, nagawa niyang pakasalanan ang isang maganda at masipag na babaeng tulad mo, Ms. Bless. How I wish I can do that with her too." Malalim itong bumuntong-hininga at inikot na lamang ang kanyang swivel chair patalikod sa'kin. Hindi man magsalita si Rave ngunit ramdam ko ang lungkot sa tono ng pananalita nito. Alam kong nagdala ng kirot sa kanyang puso ang mga katagang sinabi. Ngumiti ako. "Kung sinuman ang hinahanap ng puso mo, Rave. Alam kong balang-araw magkikita rin kayong muli." Halos buong araw akong natutok sa laptop ko at inayos ang budget ng buong kompanya. Ayokong madisappoint sa'kin si Rave kahit pa sabihing mayroong ibang dahilan kung bakit ako pinapasok ni Alfred sa kompanyang ito. "Overtime na naman, Bless?" tanong ni Maxine. Hinawakan niya ang aking balikat na para bang hinihilot ang naninigas na parte nito. Tumango lamang ako sa kanya at tiningnan ang orasan. Hindi ko namalayang alas-cinco na pala ng hapon. Kung kailan konting-konti nalang at matatapos ko na ang ginagawa ko, mapipilitan pa yata akong mag-uwi ng trabaho. Kunsabagay, mas mabuti nang magpuyat sa mga numero kesa maramdaman ang lungkot nang nag-iisa at walang makausap sa sarili mong tahanan. Pauwi na ako sa mansyon sakay ng sasakyan pinahiram sa'kin ni Alfred nang bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Rave. Alfred is lucky to have me. Napakasarap umasang nararamdaman niya ito ngunit mahirap ding masaktan dahil sa maling akala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD