"Ano?! kayo na ni Sir Pogi?!" Mabilis na tinakpan ko ang bibig ni Maureen. Napaka lakas ng boses n'ya at baka mamaya ay narinig na siya nila Mama at ng mga Kuya ko sa baba. "Ano ba? ang ingay mo!" Saway ko sa kaniya. "Sorry, nabigla lang. Pero teka, tama ba ang narinig ko? kayo na nga ba talaga?" Di makapaniwalang tanong nitong muli. Tumango ako at umiwas ng tingin. Nandito kami ngayon ni Maureen sa kwarto ko at halos kakagising lang namin pareho. Hindi kasi ako mapakali at tila kailangan ko ng may masasabihan sa nangyari kagabi, kaya't ikinuwento ko na ito kay Maureen. Dito na siya nakitulog pagtapos ng party. Gusto ko man na sana sabihin sa kaniya kagabi ngunit medyo naparami kasi ang inom niya at hindi ko siya makakausap ng maayos. Ni hindi na nga niya kinaya pa na umuwi sa sobr