Tori's POV "In fairness, masarap iyong tiramisu ha." Sambit ni Mommy after we finished our dessert. "Of course, Mommy. Iyong chef ng favorite mo po na restaurant ang gumawa po no'n." Sagot ko naman. Favorite ni Mommy ang tiramisu at isang restaurant lang talaga ang kinakainan niya noon. As in hindi siya kumakain ng tiramisu kahit saang restaurant na kinainan na namin. Bukod tanging doon lang. "Wait, hindi ba sa hotel na ito ang mga food?" "Hindi po, iba't ibang chef po ang kinuha ko Mom na gagawa sa kada pagkain na inihain for tonight." "Well, lahat naman ng food na isinerve for tonight ay masarap. Right, Honey?" Sumang ayon naman sa kaniya si Dad. We all finished our meals at nag sisimula na rin na uminom ng mga alcoholic drinks ang mga bisita. Kaya't busy na ang mga waiters at