Nilapitan ko si Vaun na kanina pa nag hahanap at kulang na lamang ay tignan ang ilalim ng bawat sapatos at tsinelas ng mga taong dumadaan. "Huy, ano ka ba. Mukha ka ng ewan d'yan." Sambit ko ngunit hindi pa rin ito nag paawat. "I need to find it, Hera." "Hayaan mo na iyon, Vaun. Kung nagalit ako kanina, wala na iyon." "Hindi naman ang galit mo ang dahilan, it's because you bought it for me kaya't importante iyon. Hindi ko iyon hahayaan na lamang na tuluyang mawala." Saglit na sumulyap sa akin si Vaun. "P-pero, Vaun. Mumurahin lang naman ang bracelet na iyon, hindi katulad ng engagement ring na ibinigay mo sa akin na siyang nawala ko rin naman." "Hindi mahalaga ang presyo sa akin, Hera. Lahat ay naa-appreciate ko lalo na't galing sa mga taong mahalaga sa akin." Hindi ko maiwasan na