Hera's POV "Usod nga! paharang harang ka naman!" Sambit ng lalaki sa likuran ko at itinulak ako. Mabuti na lamang ay nag malasakit ang isang babae at naalalayan ako. "Okay ka lang ba, Miss?" "Opo, ayos lang po ako. Maraming salamat po." Sambit ko. "Napaka bastos naman ng lalaki na iyon para manulak pa. Sigurado ka bang okay ka lang talaga?" "Opo, hindi naman po ako gaanong nasaktan." "Eh saan ka ba pupunta, Miss? sumabay ka na kaya sa akin? Delikado pa naman at napakaraming tao rito." "May kasama naman po ako. Nahiwalay lang po ako sa kanila. Panigurado naman pong babalikan rin po nila ako rito." "Sigurado ka? kung ganoon ay gumilid ka na lang muna. Marami talagang tao rito na walang pakialam sa mga nababangga nila." "Sige po, salamat po ulit." "Walang anuman. Mag iingat ka." N