19

1359 Words
Nagising ako nang maramdamang medyo kakaiba ang aking kama, ginising din ako ng haring araw na nakatapat sa aking mukha. Pagkamulat ng aking mata ay agad akong napabalikwas. I sighed, I remember what happened earlier pero masakit ang aking ulo. Hindi naman ako uminom ng ganoong karaming alak, napasabunot ako ng aking buhok. Hinanap ng aking mata si Lorenzo, ngunit sa kahit saan sulok man ng silid ay hindi ko siya nakita. Halos mapabalikwas din ako sa kama ng makita ang oras. It is almost ten in the morning, dapat ay nasa opisina na ako ngayong araw! “Sh-it!” mura ko. Mabuti na lang talaga at may suot na akong damit dahil kung wala ay baka mas lalo pa akong natataranta ngayon. Dala ang bag na dala ko kagabi ay lumabas ako ng silid. Isang mura pa ang pinakawala ko nang may nakitang hagdan. Nasa ikalawang palapag pala iyong kwarto kaya bumababa pa ako. Tamang tama pagkababa ko ay nakita ko si Lorenzo na busy sa kanyang kitchen. I wanted to sneak out, ayaw kong istorbuhin siya sa kung ano man ang ginagawa niya kaya dahan dahan ang galaw ko papunta sana sa pintuan nang bigla na lang siyang lumingon at nakita ako malapit sa pintuan. Pipihitin ko na sana ang door knob. “What are you doing?” matigas niyang wika, nakataas pa ang kilay, at may hawak na sandok. Tumayo ako ng tuwid at nilagay ang dalawang kamay sa aking likuran. Tipid akong ngumiti para ipakita na ayos lang ang lahat. “Leaving, I have a work.” “We are not yet done, Cassia.” “But I need to leave, wala ng taong makakita sa atin dito. And, I have a work, Lorenzo.” Pinagdiinan ko talaga ang pangalan niya gaya nang pagbigkas niya ng akin. Hindi ko alam kung bakit pa kami nagtatalo para sa bagay na ‘to. Sinabi ko naman sa kanya na kapag maraming tao doon lang namin ipapakita na may relasyon kami. I need to distance myself from them. He is the vain of my existence. He is like a rose full of thorns. “Can you wait until I’m done cooking this? Ihahatid kita sa condo mo,” aniya. Tumaas ang kilay ko. Basi nga sa dala niyang sandok ay talagang nagluluto siya. He is not wearing apron or something, iyong sandok lang talaga ang nagpapahiwatig sa akin na nagluluto siya. “What are you cooking ba?” kuryoso ko na ring tanong at wala nang nagawa kung ‘di ang lumapit sa kanya. Wala na rin naman akong magagawa, hindi rin naman niya ako papaalisin. Pagkalapit ko ay naamoy ko kaagad ang pamilyar na amoy. Nilapag ko ang bag sa may sofa at pumunta sa kitchen area. “Oh my god!” react ko nang makita ang niluluto niya. “That’s natola!” sabay turo ko pa sa niluluto niya. Dinig ko ang pagtawa ni Lorenzo, hindi ko na siya pinansin dahil ang mata ko ay nasa pagkain na. Hindi ko talaga makalimutan ang ulam na ‘yan. Kaagad ko naalala si Kia na palagi akong dinadalhan ng pagkain kapag galing siya sa bahay nila. “Can I taste it?” I was so excited. My eyes were sparkling. Tumango si Lorenzo at siya na rin iyong nagsandok. Kaunting sabaw ang kinuha niya, hihigupin ko na sana iyon ngunit kaagad niyang nilayo para ihipan dahil nag-uusok pa. “I can’t wait,” wika ko habang nakatingin sa sandok. “Mainit pa, Cassia. Wait please, baka mapaso ka,” malambing niyang bitiw. Tumango ako at hinintay iyon hanggang sa tinutok niya na iyon sa akin. Walang dalawang isip kong sinuggaban iyon pero hindi siguro sapat ang pag-ihip ni Lorenzo dahil medyo mainit pa dahilan para madaing ako sa init. Dinig ko ang paglapag ng sandok sa counter at mabilis niyang pagkuha ng tubig. Pagkabigay ay ininom ko iyon. Hinawakan pa niya ang baba ko at tinaas iyon para tignan ang dila ko. “Are you okay?” concern na tanong niya. “Ayos lang nabigla lang ako.” “Hinipan ko sana nang maigi.” Ngumiti ako. “It’s okay, hindi naman ako napaso ng sobra.” I gave him a huge smile to comfort him. I let him finish what he was doing. Naghintay ako sa may table habang nakatingin sa kanya. Habang naghihintay ay kinuha ko ang phone ko. It has a lot of notifications but I didn’t bother to check any. Pinindot ko ang camera app bago tinutok kay Lorenzo na busy sa ginagawa. I zoomed it in and took a few snap before I visit my inst-gram. What a nice morning! Iyon ang caption na nilagay ko sa aking myday bago ko tinignan ang mga news tungkol sa aming dalawa ni Lorenzo. Hindi nga ako nagkamali. Our photos during that event was all over social media. Tinignan ko ang isang page na kung saan halos kaming dalawa ni Lorenzo iyong post. Iyong post niya na kasama kami kagabi ni Lorenzo at sa loob iyon ng hotel! Lorenzo’s hand was on my legs during that time pero hindi kita dahil sa ibang angle. Damn, bakit sila nakapasok sa loob at nakuhanan pa talaga kami habang gumagawa ng milagro?! I visit the comment section. Kita ko kung paano nag-away ayaw ang mga tao roon. Samo’t saring mga opinyon tungkol sa amin. Jaaannee: Ang ganda ni girl pero parang hindi sila bagay. Masyadong mayaman si Lorenzo para sa kanya. Ayacint: They look so cute! Kimtot: Parang gold digger dating ng babae. I rolled my eyes and clicked the replies. Ayacint replied to Kimtot: She owns a Jewelry brand, and the girl doesn’t need Lorenzo’s gold. She can produce her own. Halos matawa ako sa reply ng babae. Talaga, hindi ko kailangan ng gold ni Lorenzo para sa sarili ko dahil ako mismo ay maraming gold. Baka kailangan ko iyon sa negosyo ko at hindi para sa sarili ko. Isa pa, bibilhin ko iyon hindi hihingiin sa kanya! Itong mga taong ‘to! Sana makarating talaga ‘to kay Mommy. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Maging ang kapatid ko ay hindi ako tinanong tungkol kay Lorenzo. “Anong ginagawa mo?” si Lorenzo habang nilalapag na ang mga pagkain na niluto. Ngumiti ako at umiling sa kanya. Sapat na iyon sa kanya kaya siya tumango. Nang tuluyan nang nailapag sa hapag ang pagkain ay sabay kaming kumain. Samo’t sari ang niluto ni Lorenzo. I don’t usually eat heavy on mornings pero ngayon mukhang mapapalaban ako sa pagkain dahil sa sarap ng pagkaluto niya. I still couldn’t believe that he knew how to c**k. Sa appearance pa lang niya ay mukhang maraming kasambahay pero mukhang wala siyang ganoon. “Is this your home?” I ask while we are eating. “This is my house,” he confirmed. “Akala ko nagcocondo ka rin, bahay pala talaga ang inuuwian mo.” Napabuntong hininga ako. Now, I miss our house. “You can stay here.” Sa gulat ko sa sinabi niya ay muntik ko nang mabuga ang kinakain ko. Kinuha naman niya ang tubig at binigay iyon sa akin. Nang makaahon ay agad akong nagsalita. “Baliw ka ba?” “I mean, I could feel that you miss this kind of place. You miss the big house, not the condo.” Hindi ko alam, parang naririnig niya kung ano man ang nasa isipan ko ngayon dahil totoo ang sianbi niya. “I could visit here, kapag hindi busy.” Iyon na lang ang nasabi ko. “Sure, call me anytime.” Ngumiti ako sa kanya at muli kaming kumaing dalawa. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga kaibigan niyang dumalo kagabi. Palagi niyang nilalait mga kaibigan niya kaya hindi ako nakakapigil tumawa. Pagkatapos niya akong pa-ungolin ngayon naman ay pinapatawa niya ako! “This is my favorite, thank you for cooking this!” I thanked him after eating. Busog na busog ako, mabuti na lang at komportable itong damit na suot ko. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napalingon ni Lorenzo roon. “My mom…” Yes!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD