“Where are you?” bungad ni Mommy sa akin sa matigas na tono.
Nakarating na ba sa kanya ang balita tungkol sa amin ni Lorenzo? It spread all over social media. Alam kong hindi mahilig si Mommy sa gano’n but then she has her secretary para sabihin sa kanya ang mga nangyayari sa social media.
Napakagat ako ng labi habang nakatingin kay Lorenzo. He was looking at me too.
Should I put it on a loudspeaker or not?
I pointed my phone to signal him about my plan but he shakes his head. Tumango na lamang ako at sinunod ang gusto niya na h’wag na iyong i-loud speaker para siguro ay mabigyan kami ng privacy ni Mommy.
“I-I’m… at my condo… of course…” utal utal kong saad dahil sa kaba.
Sa sobrang kaba ko ay parang maiiyak na ako. This is what I felt everytime I am talking to her. I’m scared that I might trigger her. Pero kung buhay ko na ang nakasalalay, I won’t think twice. Kung magagalit man siya sa akin ay magalit na siya.
“I’m outside the country today. I told you Sister to visit you, you two should talk.”
Umuwang ang labi ko. Alam na ba niya o hindi?
Atat na atat na akong malaman iyon!
Parang ako na lang ang sasabi sa kanya ngayon para matigil na siya sa kung ano mang plano ang nasa isip niya ngayon. Pero ayaw ko rin namang ipahalata sa kanya dahil baka maramdaman niya na hindi totoo ang lahat ng ito. She could sense that all of these are just an act.
No, ayaw kong isipin niya iyon at masira ang lahat ng plano ko.
“Bakit Mommy? May nangyari ba?” I asks.
I heard her sigh. “I heard about your controversies there and I want you to clear your mind. This is not you, I want you to fully recover from all of these. I want you to leave him.”
“But Mom–”
She stopped me. “Mag uusap tayo kapag nakabalik na ako, Cassia. For now, I want you to clear your mind.”
Akmang magsasalita pa sana ako nang binaba na ni Mommy ang tawag. That is not what I expected. Ang akala ko ay magagalit siya ng sobra, sisigawan ako, o ‘di kaya ay mumurahin pero sa sobrang calming ng boses niya habang sinasabi iyon ay parang walang bahid iyon ng galit pero may otoridad lamang.
Napabuntong hininga na rin ako at nilapag ang cellphone sa lamesa. Tumingin ako kay Lorenzo na mukhang kuryoso na sa pinag-usapan namin.
“What did she says? Naniwala ba?”
Kibit balikat ako. “I guess so… but she’s calm. Wanted me to clear my mind na obvious namang wala akong kailangan ayosin. She’s out of the country too, but she knows everything…”
“That’s a great start though, kapag nalaman niya hindi ka na niya pipilit sa mga lalaking ayaw mo.”
Sumang ayon na lamang ako at hindi na nagsalita pa dahil sa lalim ng iniisip. She’s out of the country, she’s been always out. Halos ata buwan buwan ay lumalabas siya at hindi ko alam kung bakit. Gusto ko talagang malaman kung ano man ang ginagawa niya sa labas ng bansa at kung bakit doon palagi. Ayaw ko ring sumama sa kanya at baka kung kanino pa ako ipares.
But at least, I have progress. Alam na niya ang tungkol sa amin ni Lorenzo, ang poproblemahin ko lang ay kung paano siya mapapaniwala sa lahat ng kinikilos namin. Pero papano ko rin magagawa iyon kung nasa labas siya ng bansa? At talagang ngayon pa!
E ‘di mas lalong hahaba ang lahat ng ito. Mas lalong hahaba ang panahon na magkasama kaming dalawa ni Lorenzo. Kung pwede lang talaga na h’wag siyang kitain araw araw ay gagawin ko dahil baka sa huli ay kaming dalawa pa ang magkasakitan.
“I will leave now,” tipid kong ani.
“Liligpitin ko lang at ihahatid kita.”
Umiling ako. “H’wag na baka nandoon kasi si Ate sa condo ko—”
“Then let’s go now,” putol niya sa sinasabi ko.
Umiling ako. Wala nang nagawa pa at hinintay siyang matapos na ligpitin ang kinain namin. Ayaw kong maiwan iyon doon at pagbalik niya ay may gagawin pa siya. Gustong gusto niya talaga akong ihatid sa condo ko at hindi talaga siya mapipigilan kaya ayaw ko nang kumuntra pa sa kanya.
“Where are my clothes last night?” tanong ko nang matapos na siya sa pagliligpit at nag-ayos na.
“Nasa dryer, kanina ko lang nalabhan. Bakit dadalhin mo ba?”
Napaisip ako. Ayos naman ang suot ko at may sasakyan naman siya. Iniisip ko lang ang iisipin ni Ate kung naroon na siya sa condo ko.
“Babalikan ko na lang siguro o baka pwede mong dalhin sa opisina ko.”
Ngumiti siya at tumango sa sinabi ko. Sabay kaming lumabas ng bahay niya. I just realize how huge this is and how classy it is. Simple lang siya na parang gawa talaga para sa kanya. Napapalibutan iyon ng glass kaya kitang kita ang ganda sa labas at ang sinag ng araw habang kumakain kami kanina. I want to tour around but I don’t want to waste my time there, I have my priorities pa.
Sa isang mamahaling sasakyan niya kami pumasok. Pinagbuksan niya pa ako bago umikot at binuhay ang sasakyan. Habang nasa daan papunta sa condo ay muling tumunog ang cellphone ko at sa pagkakataong iyon ay si Ate Cassidy na.
Agad ko namang sinagot iyon at dinig ko ang mabibigat niyang hininga sa kabilang linya.
“Where are you?!” matigas nitong tanong at may bahid ng pag-alala. “Mom told me that you are here, mukhang manganganak ako ng maaga sa ‘yo, Cassia.”
Napa-iling ako at natawa. She was the joker of the family. The real Gem. The one who will inherit everything, is the reason why I choose to build my own. Hindi naman ibig sabihin no’n ay naiingit ako sa Ate ko, I just want my own name in business. That was my dream after all.
“I’m on my way.”
“Nasaan ka ba?! Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?! Don’t tell me are you with that man?!” mataas ang boses niya na parang galit na galit talaga.
“Yes, I—”
“We really need to talk, make him faster. Nandito rin ang Kuya mo at sinamahan ako.”
I bid my goodbye and end the call. Muling napatanong si Lorenzo tungkol doon at sinagot ko naman ang lahat. We talk about our plan, pero hindi naman namin iyon magagawa ng maayos dahil wala si Mommy rito. Our purpose was our mom and everyone.
Ilang minuto ang nakalipas ay nasa labas na kami ng condo. Hindi pa talaga nagpa-awat itong si Lorenzo at gustong sumama sa akin sa taas.
“It will be more realistic kung ipapakilala mo ‘ko,” aniya pa.
I sighed at ginawa nga namin iyon. Sabay kaming dalawa papunta sa elevator. Nang makalapag sa tamang floor ay tinungo namin ang unit ko. My sister’s finger print was register in my door kaya alam kong nakapasok na ang babaeng iyon.
I paused for a while and faced Lorenzo.
“I told you we should act in front of my Mom and not on my sis–”
“We should act in front of everyone, that was written in the contract.”
Inirapan ko siya at wala na talagang masabi sa lahat ng banat niya. I press my thumb on the sensor at binuksan ko iyon. Pagkabukas na pagkabukas ay nakita ko si Ate na hinihimas ang tyan niya habang si Kuya Lucas naman ay nakadapa sa sofa habang nakahawak din sa t’yan ni Ate. Pareho silang nanonood ng TV.
Nang makita nila kami ay agad na napabangon si Kuya Lucas at si Ate naman ay natutulang nakatingin sa akin… o sa taong nasa likuran ko.
“Lucas?” I heard Lorenzo mutter behind me.
Wait—what? Magkakakilala ba sila? Is this chaos?