CHAPTER TWO

2373 Words
"Hijo, ginabi ka na naman sa trabaho mo ah. Are you sure that you are doing fine, anak?" Salubong ni Donya Leticia sa kadarating na binata. "Si Mommy talaga oo. Tama lang naman po. Where's Daddy?" Nagbigay-galang ang binata sa inang sumalubong sa kaniya. Kaso hindi pa ito nakasagot ay sumabad na ang amang hinahanap. "I'm here, anak. Aba'y masyado mo na yatang pinapagod ang sarili mo ah. Huwag ganoon, anak. Kahit sabihin mong para rin sa kumpanya ang ginagawa mo. Ngunit huwag mong pabayaan ang kalusugan mo lalo at iyan ang puhunan mo sa iyong pagtratrabaho," anito kasabay nang pagtanggap sa palad niya. Tuloy ay napangiti siya, napaka-supportive ng mag-asawa sa kaniya. Hindi siya kadugo pero sa pag-aalaga at pagmamahal ay wala na siyang masabi. "Salamat po, Daddy. Huwag kayong mag-alala ni Mommy dahil kaya ko pa naman and besides it's just seven in the evening," aniya. "Iyon na nga, anak. Ika-pito na ng gabi ibig sabihin late ka na talagang umuwi. We regularly close the company at five in the afternoon. May balak ka bang magpakatandang-binata?" tugon nito. Sa tinurang iyon ng ama ay napangiwi siya, wala pa sa isipan niya ang love life. Pero ayon na naman ang pagpapahiwatig ng ama sa buhay pag-ibig. "Huwag mong sabihing wala ka talagang balak mag-asawa, Hijo? Aba'y sa susunod mong kaarawan ay mahuhulog ka na sa kalendaryo ah." Panggagatong pa ng Donya. In his mind, nakaalala na naman ang mga magulang niyang magpahiwatig sa pag-aasawa niya. Hindi naman sa wala siyang plano pero wala pa talaga siyang napupusuan. Hindi pa naman siya nahulog sa kalendaryo dahil may isang taon pa bago mangyari iyon at higit sa lahat hindi naman siya nagmamadali sa pag-aasawa. But... "Hello everyone, I'm here." Tinig mula sa main door. "Ronalyn, Hija," sabayang sambit ng mag-asawa pero napatahimik ang binata. Napaisip siya na kaya pala nagpapahiwatig na naman ang magulang tungkol sa pag-aasawa. Dahil parating ang babaeng wala na yatang ginawa kundi ang ipagsiksikan ang sarili sa kaniya. Ayaw na ayaw pa naman niya sa taong liberated. Hindi nga siya nagkamali dahil pagkatapos nitong magbigay-galang sa mga magulang niya ay dumiretso ito sa kaniya sabay yakap at halik! "Hey, what the hell you're doing?!" inis niyang tanong. Dahil harap-harapan itong nanghahalik samantalang wala naman silang relasyon. "I miss you, honey. It's been a while since the last time we go out together for our date." Kulang na lamang at ikiskis nito ang katawan sa kaniya bagay na mas ikinairita niya. Kung wala lang sana ang magulang sa harapan niya ay baka nasupalpal na niya ito. "Iyon naman pala, Hijo. Go on and refresh yourself. May lakad pala kayo ng nobya mo kaso kinalimutan mo yata. Ikaw din, anak, huwag mong hayaang magtampo ang kasintahan mo," nakangiting saad ni Don Agustin. Nais niyang sabihing wala silang relasyon ng babaeng liberated na nasa harapan nila pero ayaw din niyang saktan ang mga ito. Isinaisip na lamang niyang darating ang panahon siya mismo ang lalayo sa babaeng walang delikadesa. Wala siyang balak magpakatandang binata pero mas lalong wala siyang balak patulan ang taong walang respeto sa sarili. He wants to be the one to court a woman not a woman will court him. SA kabilang banda ng Los Angeles, California, sa tahanan ng mga magulang ni Whitney Pearl. Silang mag-anak na rin ang nakatira roon lalo at lahat sila ay doon nagtratrabaho. "Welcome back here in California, Mommy, Daddy. Aba'y kanino ako nagkautang upang mapasalamatan ko dahil naisipan n'yo kaming dalawin dito." Panunukso ni Whitney sa mga magulang. "Tsk! Tsk! Hindi ikaw ang sadya namin ng Daddy mo rito anak kundi ang mga apo namin. Doon ka na lang kay Niel." Ganting-biro pa ni Grandma Yana na sinundan ng asawa. "Nami-miss kasi namin ang mga bata kaya't dumalaw kami rito. Aba'y wala na yata kayong balak umuwi ng bansa ah," anito. Dahil dito ay napahalakhak silang lahat. Tumanda man sila sa edad pero sa biruan at kalokohan ay hindi kumupas. Dahil sa ingay na nagmumula sa unang palapag ng kabahayan ay agad bumaba ang dalagang si Abigail Eunice. And it's only to found out the reason why they are all laughing. Her grandparents with her mother arrives. "Grandma, Grandpa, you're here finally." Masaya siyang pumanaog at patakbong lumapit sa mga ito saka yumakap isa-isa. "You look so beautiful, my dear. How are you, young lady?" salubong na tanong ni Grandma Yana sa bunsong apo. Biyente-singko na ito pero sa kilos at hitsurang panlabas ay parang teenager lamang ito. "Thank you, Grandma. Kailan pa po kayo dumating?" sagot ng dalaga. "We just arrived, darling. But I guess you are very busy again on your writing career," saad din ni Grandpa Terrence. Pero napangiti lamang ang dalaga sabay iling. Manager ito ng bangko pero sa tuwing nasa kabahayan ay ang computer ang kaharap. Ang pagsusulat ang libangan na mas nagpapadagdag pa sa pagiging tahimik nito. Kung hindi kinakausap ay mananatiling tahimik, para bang takot sa mundo samantalang sa banko ito nagtratrabaho at maraming tao araw-araw. "Gusto mo pong basahin, Grandpa? Hmmm... Pero saka na lamang po kapag tapos na." Kulang na lang ay maglambitin ang dalaga sa abuelo. At iyon naman ang eksenang nadatnan ng mga kapatid na barako na kadarating lang din. "BUNSO naman malapit ng magka-apo si Lolo sa atin pero nagpapakanlong ka pa rin? Baka naman iiyak si Lola niyan?" Pambubuska ni Terrence Niel na sinundan ng kambal nito. "Brother, huwag ka nang mangantiyaw. Aba'y imbes na si Lola ang iiyak ay si baby damulag na. Wala pa naman tayong nabiling toblerones," ani Patrick Cyrus na kay lapad nang ngiti. Alam naman ni Abigail Eunice na nagbibiro lamang ang mga kuya niya. Pero minsan ay hindi pa rin siya nasasanay sa kalokohan ng mga ito lalo na kung nandoon ang pinsan nila sa ama na mas makukulit pa kaysa mga lalaki. Siya na lang yata ang tahimik sa pamilya nila. "Huwag mong sabihing hindi ka pa nasasanay sa mga Kuya mo apo? Binibiro ka lang nila kaya't huwag ka ng malungkot baka sabihin pa ng Daddy mo na pinapaiyak ka namin." Tinig ng abuelong nasa tabi niya. Nakapagitna naman siya sa mga ito kaya't maski ang Lola nila ay nasa tabi din niya. "Inosente po ako riyan, Daddy." Mabilis ding sansala ni Patrick Niel saka humarap sa biyanang lalaki. Subalit dahil hindi nila mahintay na sumagot ang dalaga ay muling nagsalita si Grandma Yana. "Tama na ang buskahan ninyong mag-aama. Magsipaghanda na lang kayo at may pupuntahan tayo," nakailing niyang wika. Dahil totoo namang napatahimik ang bunsong apo. Ito ang bunso pero ito pa ang tahimik na para bang laging may nakahandang luha sa sulok ng mga mata. Kabaliktaran sa inang dinaig na yata siya sa tapang. Kaya nga Leona ang tawag ng mga pinsan lalong-lalo na ang mga kapwa mainitin ang ulo! Ganoon din ang mga pinsan sa ama lalo ang lady captain. Kaso ang kambal ay hindi natahimik bagkus ay nagpatuloy sila sa pang-aasar. "BUNSO, huwag ka nang umiyak. Pupunta kami kina insan Crystal Angela. Kapag may luha ang mata mo ay hindi ka namin isasama. Aba'y baka kami ang ibala ni pinsan sa aerial bombs ng eroplano niya. Aba'y babae iyon pero mas matapang kaysa sa aming mga lalaki," nakangiting saad ni TN. "Hmmm... Kahit hindi mo ako isasama, Kuya. Dahil nandiyan sina Grandpa at Grandma." Ingos ng dalaga. "Kahit nandiyan si Lola at Lolo kung iiyak ka ay pipigilan namin siya ni kambal na huwag kang isama. Mahirap na ang maibala sa kanyon," sabi pa ni PC as in Patrick Cyrus. Pero hindi maipagtatangging nandoon ang panunukso sa bunsong kapatid. Dahil alam naman nilang may pagka-sensetive ang bunso nila ay agad pumagitna ang kanilang ama. "Tama na iyan mga anak. Magsipalit na kayo ng panlakad. Aba'y ikaw Terrence Niel anak baka buskahin ka na naman ng pinsan mong may aapulahin kang apoy dahil nakauniporme ka pa. As you are Patrick Cyrus, dahil baka sasabihin ni Crystal Angela sa iyong may pasyente ka roon kapag ganyan ang suot mong pupunta roon. Kilala n'yo naman ang pinsan ninyong iyon daig kayo sa pananalita," nakailing niyang pahayag bago muling hinarap ang bunsong anak. "Never mind your brothers, Hija. Go ahead and change your clothes too. Dahil nandito ang piloto mong pinsan. Nasa condo niya kasama ang mag-ama kaya't sabi niya ay mayroong celebration daw doon kasama ng Lola at Lolo mong dumating dito sa LA," masuyo niyang saad. Hindi nga sila nagkamali. Dahil ang malungkot na mukha ni Abigail Eunice ay binalot ng kasiyahan. Patakbo pa nga itong umakyat upang makapagpalit ng sariling kasuutan. "Ikaw, Terrence Niel, alam mo namang sensitive ang kapatid ninyo. Aba'y gustong-gusto mo pang tinutukso. Kapag hindi iyon sasama ay lagot ka kay Mrs Albayalde. Kabilin-bilinan pa naman niyang isama natin," wika ni Grandma Yana. "Lola, gusto ko lang namang ma-expose siya sa totoong mundo natin. Aba'y laging nagmumokmok sa kuwarto niya. Hindi pa naman tayo naghihirap ah." Angal ng binata kaso mahinang sapak ang napala sa abuela. "Anak, alam mo namang ang pagsusulat na lamang ang tangi niyang libangan. Kaya't hayaan n'yo na lamang siya total nakikihalubilo naman sa atin. Unawain n'yo na lang nag kapatid ninyong mailap sa tao," paliwanag naman ni Whitney Pearl sa anak kaso si Patrick Cyrus ang sumalungat. "Mommy, wala naman kaming pakialam sa pagsusulat niya o kahit anong ginagawa niya sa loob ng kuwarto niya. Dahil personal life niya iyan. Ang sa amin lamang eh pukawin ang takot sa puso niya. Hindi n'yo po ba napapansin na kahit nakikihalubilo siya sa atun eh halatang aloof? Hindi maaring ganyan na lamang siya habang-buhay, paano na lang kung wala tayo? Paano kung darating ang panahon na mag-aasawa siya? Mommy, ako ang nababahala sa kaniya dahil sa aloofness sa tao. Kagaya ngayon ay pupuntahan natin si CA at sigurado akong kantiyaw na naman nag aabutin niya sa tao. Kilala n'yo naman sng taong iyon na kabaliktaran ng pangalan ang ugali." Mahaba-haba nitong pahayag. Kaso! "Patrick Cyrus, may ipinaglalaban ka ba? O baka naman basted ka ng nililigawan mo?" pabirong saad ni Grandpa Terrence kaya't muli silang napahalakhak. Pero agad ding tumahimik at kunwa'y nag-uusap-usap lamang dahil narinig nila ang pagbukas ng kuwarto ni Abigail Eunice. DAHIL sa pagpanaog ng dalaga ay nagsitungo rin ang kambal sa kani-kanilang silid-tulugan upang nagsipagbihis din para makalipat sa condominium ng pinsan nilang isa pang mainitin ang ulo. SAMANTALA, kahit labag sa kalooban ni Erick ang paglabas kasama ang babaeng walang delikadesa ay laking pasasalamat pa rin niya dahil kahit papaano ay natapos ang oras nila. "See you again tomorrow, honey," saad nito saka siya na wala man lang psrsmiso sa kaniya bago tuluyang bumaba sa sasakyan. Sa inis at pagkadismaya niya ay hindi na niya ito hinintay na makapasok ito sa loob ng tahanan nila bagkus ay paharuthot niya palayo ang kanyang sasakyan. "Kung hindi lang dahil kina Mommy at Daddy ay nungka kitang sasamahan. Ibinababa mo lang ang dignidad mong babae ka! Kahit siguro maghubad ka sa harapan ko ay hindi titindig ang junior ko sa pagkawalang delikadesa-mo!" ngitngit niyang sambit . Pararang may mikrobyong dumapo sa labi niya dahil nakailang punas na kulang na lang ay maubos ang isang pack ng tissue na laging nasa loob ng sasakyan niya. Dahil nasira na rin ang gabi niya ay hindi na siya dumiretso nang pag-uwi sa kanilang tahanan bagkus ay dumaan siya sa pub house na paborito niyang tambayan. "Pare, may magandang hangin ang humaplos sa iyo. Akala ko ay nakalimutan mo na ang pub house ko. Halika pasok ka, Pare." Masayang salubong sa kaniya ng may-ari. "Tsk! Tsk! Mukha mo, Parekoy. Aba'y wala naman akong ibang pinupuntahan kundi---" Pero hindi niya natapos ang sinasabi dahil ito na ang tumapos sa kaniyang linya. "Alam ko ang kasunod niyan, Pare. Alam kong dito ka lang napapadpad sa tuwing dinadapuan ka ng mikrobyo ng walang delikadesang babae," nakatawa nitong wika. Pero agad ding tumigil dahil napatingin sa kanila ang ibang costumer na nandoon. Iginaya na lamang siya nito sa paborito rin niyang upuan sa tuwing nandoon siya. "Salamat." Pasasalamat niya saka tinanggap ang iniabot nitong wine glass kaso nasamid ito dahil inisang lagok lamang niya ang laman. "Maaga pa upang maglasing, Parekoy," dinig niyang sambit nito. "Lintik kasi ang babaeng iyon walang-hiya eh. Tsk! Kahit naman sana nandito tayo sa America ay isipin niyang babae pa rin siya at isang Pinay!" Ngitngit niya na para bang kaharap ang taong tinutukoy. Hindi lang naman kasi may-ari/ costumer ang namamagitan sa kanila dahil matalik din silang magkaibigan kaya't alam nito kung sino ang tinutukoy niya. "Parekoy, ayan ka na naman. Kung ayaw mo sa kanya ay tapatin mo na lang kaysa ganyan palagi, para kang hindi lalaki. Kung ibang tao iyan ay matagal nang nawasak ang arenola niya," mapang-asar nitong tugon. "Heh! Kung gusto mo ikaw na, Manny! Kahit siguro maghubad iyon sa harapan ko ay hindi titindig si manoy." Ismid niya kaso pinagtawanan lamang siya. But at the end nagseryoso din sabay sabi, "Kagaya nang lagi kong sinasabi sa iyo ay tapatin mo siya. Dahil kahit ano mang himutok mo kung hanggang himutok ka lang ay walang mangyayari sa buhay mo. Kausapin mo ito ng maayos upang walang problema. Kung kinakailangang ang mga magulang mo ang kausapin mo para sila ang kakausap sa babaeng iyon ay gawin mo. Kaya malakas ang loob niya dahil may sandalan siya." Hindi na siya sumagot pero tumino sa isipan niya ang mga salitang binitawan nito. In his mind, tama ang kaibigan niya. Kaya't napagdesisyunan niyang sundin ang payo nito. "Salamat, Pare. Heto na ang bayad ko... No, dapat tanggapin mo iyan. Dahil negosyo ito hindi libre ang mga gamit at wine kaya't heto na ang bayad ko." Ipinahawak niya rito ang pambayad sa iniinum dahil ayaw sana nitong tanggapin. Hindi siya ang taong mapagsamantala, alam niyang halos ayaw nitong tanggapin ang bayad niya dahil malaki ang nautang nito sa kaniya lalo nang ipinagawa ang pub house. Pero utang naman iyon at binabayaran sa takdang panahon. Ayaw niyang nanlalamang sa kapwa kaya't bawat punta niya roon ay may cash siyang dala. Dahil ayaw din niyang isipin nitong nagmamataas siya. Then... Once again, he drove off to their dwelling place. He need to have some rest. For him to regain his strength for the following day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD