CHAPTER THREE

2639 Words
"Lola, ayaw ko man sanang umalis dito sa Leyte, ayaw ko kayong iwan nila Mama at papa. Pero kailngan kong magpatuloy sa buhay. Subalit kung dito ako maninirahan ay baka bukas makalawa ay ako ang isunod nilang patayin. Gagamitin ko ang kaunting halaga galing sa store ay aalis ako upang makipagsapalaran sa siyudad ng Manila. "Pero huwag po kayong mag-alala nina Mama at Papa, Lola, dahil gagawin ko ang lahat upang makaahon sa kahirapan at babalikan ko kayo. Hindi ko man maibalik ang buhay ninyo ay mabibigyan ko naman kayo ng hustisiya. Please watch over." Nakatunghay ang labing-pitong taong gulang na si Bernard Frederick sa mga nitsong magkakatabi. Isa sa abuela, ina at nakagisnang ama. Mula sa pag-aayos ng bangkay ng lola niya, pagkakaburol at pagkakalibing ay walang ibang tumulong sa kaniya kundi ang limang kaklase niyang lumapit noong araw nang kanilang pagtatapos. "Bakit, kapitan? Maibabalik n'yo ba ang buhay ng Lola ko sa halagang iyan? Kahit pa sabihing tulong n'yo iyan pasensiyahan tayo kapitan dahil hindi ko matatanggap ang abuloy na iyan. Dahil kung hindi n'yo sana kami pinandidirihan na parang may malubhang sakit ay hindi kami malayo sa mga tao. Hindi ko kayo kailangan kaya't makakaalis na kayong lahat!" mahina man pero mapanganib na saad ni Bernard. "Ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa ang mataas ang pride! Kung ayaw mo eh 'di huwag! Tsk! Tsk!" Ismid ng isang kagawad na kasama ng kapitan. Kaya naman ito ang binalingan ng binatilyo. "Sa akala mo ba ay pride ang pinag-uusapan dito? Bakit sinabi ko bang tulungan ninyo ako? Talagang hindi ko tatanggapin iyan dahil alam kong suhol iyan nang nakabundol sa Lola ko! Idinaan lamang sa mga mukhang perang tulad ninyo! Marahil ay hindi ko nakamulatan ang Mama at Papa ko pero ano ang pakialam ninyo kung ibat-ibang lalaki ang nakasiping niya? Ano ba ang ipinagpuputok ng ulo ninyo kung puta man siya, nakulong sa ibang bansa? "Bakit, kawagad? Ikaw, kayong lahat ba ang naparusahan? Siya din naman ang binalikan ng karma niya hindi ba? Sabi ko kakalimutan ko ang bagay na iyon dahil hindi ko sila matandaan ni Papa pero sa nangyaring ito kay Lola in a broad day light ay isinusumpa kong babalik ang lahat ng ito sa inyo! Tandaan ninyo ang mukhang ito, ang anak ng tinatawag ninyong malas, pokpok, puta, salot! Dahil aalis ako sa bayang ito! "Pero babalik ako at iparanas din sa inyo ang kahirapan at pighating idinulot ninyo sa aming pamilya! Kaya't kung may natitira pa kayong hiya sa katawan including you barangay captain, magsilayas kayo dahil hindi ko kayo kailangan. Layas!" Mula malumanay ay naging mabangis ang boses ng labing-pitong taong gulang na si Bernard. Kulang na lamang ay ipagtulakan niya ang mga barangay officials na mag-aabot sana ng suhol. Dahil dito ay umalis ang mga itong bubulong-bulong. Pero hindi na iyon pinatulan ni Bernard. Bagkus ay bumalik siya sa kinaroroonan ng mga kaibigan. Ang naging karamay niya simula naiburol, nailibing ang Lola niya hanggang sa kasalukuyang naghahanda siya para sa pag-alis niya ng Bicol. "Paano ang bahay ninyo, 'Tol?" tanong ng isa. "Hindi ko alam, 'Tol. Wala namang magkakainterest dito dahil tahanan ng mga salot at malas. Kaya't hindi ko na ipagkakatiwala kung kanino man. Kahit walang kasiguraduhang makakabalik pa ako dito sa Bicol," tugon niya. "Alam naming hindi kami makatarungan sa mga naunang taon ng buhay natin, 'Tol subalit pinagsisihan na namin iyon. Kaya't hayaan mo akong sabihin na huwag kang magsalita ng ganyan. Dahil taga-Bicol ka kaya't natural lamang na babalik ka rito. Oo, maaring matatagalan lalo at sabi mo ay aalis ka upang makipagsapalaran sa Manila pero tandaan mo, bro, this is your home town and you will be back here in due period of time," pahayag ng isa. "Kung gusto mo, 'Tol, kami na lang ang sisilip-silip dito para kahit paano ay may mauuwian ka pagdating ng panahon at gusto mong bumalik dito sa Bicol. Hindi man namin mababantayan ng husto ay atleast madalaw namin ng isang beses sa isang linggo ay okay na lalo at sa bayan kami mag-aaral sa pasukan. Hindi problema ngayong bakasyon dahil taga-rito naman tayong lahat kaya't hayaan mo kaming makabawi kahit sa ganitong paraan man lang." Hindi rin nagpatalo ang isa. "Ang paglapit, pakikipagkaibigan ninyo sa akin bago man nangyari ang lahat mga ay malaking bagay na mga, 'Tol. Sobrang saya ko dahil kasabay nang pagtatapos natin sa sekondarya ay kasabay ng pagkakaroon ko ng mga kaibigan kahit na sumabay pa ang pagkawala ni lola. Hindi ko kayo uubligahing bantayan ang bahay pero tatanawin kong utang na loob ang pagdalaw ninyo dito anumang oras n'yo gusto. "May isa lang akong ipapakiusap sa inyo mga 'Tol. Ang libingan ng mga magulang at Lola ko kahit once a year lang sana kung maaari. Para hindi mawala ang sulat at pagkakakilanlan ko kung saan ko sila dadalawin kapag okay na ang lahat. Kahit ang sulat lang ang yearly ninyong ayusin mga 'Tol. Gagawin ko ang lahat upang maabot ko ang aking pangarap ko at ganoon din sana kayo mga 'tol mag-araw kayong mabuti dahil iyan lang ang maipapamana sa inyo ng mga magulang ninyo na hindi maaagaw ng kahit sino," mahaba-haba niyang pahayag sa mga kaibigan. Iyon na nga ang ginawa nila. Nang natapos maayos ang lahat ng dapat ay lumuwas siya ng Maynila na walang kasiguraduhan kung saan pupunta. Dahil unang beses pa lamang niyang lalayo sa lugar kung saan lumaki at kinutya ng mga tao. Sa nangyari sa Lola niya ay hindi na sumagi sa isipan niya ang mag-asawang tumutulong sa kanilang mag-Lola. Maari sana niyang hanapin ang mga ito kung nasa bansa sila pero nasa disyerto naman ng Saudi Arabia. "Aalis ako upang abutin ang mga pangarap ko sa buhay, upang makaahon sa kahirapan. Itatayo ko ang dignidad ng mga magulang at Lola kong inapak-apakan ng mga taong mapanghusha. Ngunit babalik ako ng Bicol balang-araw. At sa oras nang pagbabalik ko ay ipaparanas ko rin sa inyo ang kahirapang idinulot ninyo sa aming mag-anak!" mariin at mahina niyang bulong bago tuluyang pumanhik sa pampasaherong barko. HINDI naging madali sa kaniya ang buhay sa Maynila lalo at baguhan siya sa siyudad. Pero hindi iyon naging sagabal sa kaniya. Tiniis niya ang hirap, ng nag-iisa. Sa murang edad niya ay pinasok niya ang halos lahat ng maaaring trabaho upang mabuhay. Isinantabi niya ang ang planong pag-aaral sana sa pasukang iyon upang makapag-ipon ng mas malaking halaga upang may magagamit siya sa susunod na pasukan. Kung saan-saan siya natutulog, minsan kung saan siya inaabutan ng gabi ay doon siya umiidlip. Tama nakakapasok siya ng trabaho pero sa dinami-dami ng mga taong nangangailang ng trabaho sa siyudad ay marami silang pagpipilian. "Tol, kung gusto mong umasenso ang buhay mo ay sumama ka sa amin mamayang gabi," wika ng isang kapwa niya palaboy. "Saan tayo pupunta, 'Tol?" tanong niya lalo at may duda siyang hindi maganda ang ipinapahiwatig nito. "Nakikita mo ang mag-asawang iyan? Matagal ng ipinapatumba sa amin ng Boss namin. Pero dahil hindi kami makalapit-lapit sa kanila ay ngayon lang ulit namin maisasakatuparan ang plano saka ngayon lamg ulit kami inabisuhan ni boss," paliwanag nito. Sa isip ni Bernard ay palaboy siyang maituturing dahil wala siyang permanenting tahanan sa siyudad pero hindi siya kriminal. Ninais niyang makaganti sa mga nang-api sa kaniya sa bayan nila pero wala siyang balak maging mamatay tao. Ganoon pa man idinaan pa rin niya sa maayos na paraan upang makaiwas sa mga ito. "Ah, sorry 'Tol may trabaho ako mamayang gabi kaya't hindi ako makakasama sa inyo. Sinabihan ako ng may-ari ng club na babalik daw ako upang may magsilbi sa mga kostumer bilang waiter. Kaya't sorry 'Tol kung hindi muna ako makakasama sa inyo. Huwag kayong mag-alala dahil nasa panig n'yo ako basta mag-ingat kayo," aniya na lamang. "Hindi ka namin pipilitin, 'Tol. Dahil alam naming may trabaho ka. Pero panindigan mong nasa panig ka namin. Dahil oras na malaman ng mga tao na kami ang salarin sa pagtumba sa kanila ay ikaw ang unang babalikan namin." Pananakot ng isa. "Asahan ninyo ang suporta ko mga 'Tol basta mag-ingat kayo. Sige na mauna na ako sa inyo lalo at malapit ng magbukas ang club alam naman ninyo ang club dito sa Maynila mag-aagaw dilim pa lamang ay nag-iingay na." Tumango-tango na lamang siya pero paraan niya iyon upang makalayo sa mga ito. ILANG buwan na rin siya sa Maynila kaya't unti-unti na rin niyang na-adopt ang kultura sa naturang siyudad. Wala naman siyang trabaho ng gabing iyon pero wala talaga siyang balak maging kriminal. Blessing in disguise dahil may makakita siya ng bukas na tindahan, may nakita siyang plakard na nangangailangan sila ng kasama. Stay in kaya't agad siyang pumasok at kinausap ang may-ari. At first, pinagdudahan siya ng mag-asawa dahil laganap na daw ang krimen pero hindi siya nagpaapekto dahil gusto niyang magkaroon ng trabaho. Sa madaling salita, naging boy siya sa tindahang iyon at naging katulong pa siya ng mag-asawa. Pero tiniis niya ang lahat dahil tumupad naman din sila sa napag-usapan nilang sahod. Pero... Kung ang mundo nga naman ay wala sa panig niya. Kung kailan naka-adjust na siya sa paligid at kultura sa siyudad ng Manila. Nakulong siya sa kasalanang hindi niya nagawa kaya't pinalayas siya ng mag-asawang naging amo niya rin ng ilang buwan. Pinahirapan ng mga pulis na nasa headquarters ng araw na iyon. Pero hindi pa roon nagtatapos ang kamalasan niya dahil matapos siyang nakulong, napalayas at napahirapan ay siya ang binalikan ng dati niyang kasamahan sa lansangan. Dahil siya ang pinagbintangang nagsuplong sa mga ito kaya't pumalpak daw umano ang plano. Binugbog siya hanggang sa nawalan ng malay-tao. Pero laking pasaaalamat niya dahil ang bag niyang naglalaman ng mga mahalagang papeles niya galing Bicol ay hindi nila ginalaw. Nawala man ang ilang pera nila pero sa isipan niya ay hindi na bale dahil kikitain pa rin niya ang halagang iyon. Muli, naging palaboy-laboy na naman siya upang mabuhay. Pero dahil sa wala siyang maayos na tulog, pagkain kahit pa sabihing nakakakain siya minsan lalo kapag nakaka-extra siya sa paghuhugas sa mga kainan, idagdag pa ang pabago-bagong klima sa siyudad ay hindi kinaya ng katawan niya. Sa hirap na pinagdaanan niya simula ng umalis siya sa Bicol, sa paglalakad niya upang makatawid sa kabilang bahagi ng kalsada upang makasilong siya sa kubo kung kubo nga ba iyon o waiting shed para sa mga pasaheros ay hindi na niya napansin ang paparating na sasakyan. Ang nanlalabo niyang paningin ay tuluyang nagdilim. Nang muli siyang nagmulat ay nasa isang pribadong pagamutan na siya kasama ang hindi kilalang tao. Sa tantiya niya ay mag-asawa. "Kumusta na siya, doctor? Wala bang damage sa katawan niya? Wala ba siyang pinsala? Ayaw kong makulong, Doc. Kaya't please gawin mo ang lahat upang gumaling siya sa lalong madaling panahon," dinig niyang sabi ng babae. "Huwag kang mag-alala, Misis Montefalcon. Dahil ayon sa aking pagsusuri ay hindi mo naman siya nabundol. Oo sa mismong harapan ng sasakyan n'yo siya natumba pero hindi siya nabangga. Maaring nawalan lang siya ng malay tao dahil sa panghihina ng katawan niya. Maaring may karamdaman siya dahil mataas ang kaniyang lagnat at kung hindi ninyo siya dinala rito sa pagamutan ay baka nagdeliryo siya sa gitna ng kalsada. Kaya't ipanatag n'yo na sng kalooban ninyong mag-asawa," dagdag pahayag pa ng doctor. Gusto niyang bumangon pero hindi niya kaya dahil talagang nanghihina siya. Kaya't ipinaalam na lamang niyang gising na siya. Iginalaw niya ang palad. "Hijo, kumusta ka na? I'm so sorry kung halos nabundol ka na ng asawa ko kahapon ha. Nagmamadali kasi kami tapos bigla kang tumawid. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka lalabas ng pagamutang ito na hindi magaling. May gusto ka bang kainin at inumin?" agad na tanong nang tinawag na Mrs Montefalcon. "Okay lang po ako, Ma'am. Huwag ka na pong mag-alala dahil hindi ka po makukulong. Kasalan ko din naman po dahil bigla akong tumawid. Salamat po at dinala n'yo ako rito sa pagamutan pero maari na po akong lalabas dahil wala po akong pambayad sa kahit sentimo," nanghihina niyang sagot. "Don't think it that way, Hijo. Tawagin mo akong Tita Leticia at siya ang Tito Agustin mo. Huwag kang mag-alala dahil wala kang babayaran kahit kusing. Dahil kami ng Tito mo ang magbabayad basta magpagaling ka upang maihatid ka namin sa pupuntahan mo," pahayag ng Ginang. Sa pagkakabanggit nito ng pupuntahan niya ay agad siyang nanlumo. Dahil napaisip siya, pagkalabas niya sa pagamutan ay saan siya pupunta? Babalik na naman sa lansangan? Saan na naman siya dadalhin ng agos ng buhay? Yayakapin na rin ba niya ang buhay ng mga kapwa niya nasa lansangan? 'Diyos ko, ituro mo po sa akin kung ano ang nararapat kong gawin. Napakarami ko na pong pinagdaanan sa buhay ngunit kailanman ay hindi ko inisip na maging kriminal. Tama po, Ama, pinangarap kong maghiganti ngunit sa maayos na paraan. I promised to myself to avenge all my suffering in Bicol as well as here in Manila but by crushing them by achieving my dream in life. Huwag mo po akong pabayaan, PANGINOON ko.' Taimtim niyang panalangin. "May masakit ba, Hijo? Sabihin mo kung may masakit sa iyo upang masabi natin sa doctor," tinig ng lalaki at ipinakilapang Agustin na asawa ng Ginang. Sa isipan niya ay kailangan niyang kapalan ang mukha. Dahil nadisturbo na rin niya ang mga ito kaya't lubos-lubusin na lamang niya. "Nadisturbo ko na po kayo, Ma'am Leticia, Sir Agustin kaya't maari ko po bang lubos-lubusin? Halos isang taon na po akong palaboy-laboy dito sa Manila at ako ay galing pa sa Bicol. Kung ano-anong trabaho ang pinasok ko para lang mabuhay pero malupit ang tadhana sa akin. Nakapasok nga ako bilang house boy pero napakulong naman sa salang hindi ko kasalanan. Pinahirapan pa ng mga police, hindi lang po iyon pinagbintangan pa ako ng isang grupo na sinuplong ko sila. Kaya't binugbog nila ako saka kinuha ang kaunting pera na naitabi ko. "Kaya po n'yo ako nadatnan sa gitna ng kalsada dahil marahil ay hindi kinaya ng aking katawan ang sakit at lagnat ko dala na rin nang pahirap mula sa mga police at grupo ng mga nakasalamuha ko sa lansangan. Kung itatanong po ninyo kung saan n'yo ako ihahatid ay wala dahil palaboy-laboy po ako na makikipagsapalaran sana rito pero walang suwerte. "Opo galing po akong Bicol pero ganoon din, ulilang lubos na rin po. Hindi ko nakagisnan ang aking mga magulang dahil si Lola lang ang nakamulatan ko sa buhay. Pero dahil na rin sa karahasan ng mga tao ay pumanaw siya sa araw mismo ng aking pagtatapos sa high school. Kaya po kao lumuwas dito at nagbakasakaling may suwerte pero parehas lang po na may mga mapanghusgang tao. Please, bigyan n'yo po ako ng trabaho kahit kasambahay po marunong po ako kahit walang sahod basta may matirhan po ako." Mahaba-haba at pakiusap niya sa mag-asawa. Sa pahayag niya ay hindi nagdalawang-isip ang mag-asawa. Marahil sa awa sa kaniya ay iniuwi siya sa kanilang tahanan pero hindi katulong kundi isang anak. Itinuring siyang tunay na kadugo. Doon din niya napag-alamang matagal ng kasal ang dalawa pero hindi biniyayaan ng anak. Binihisan, pinag-aral ng nais niyang kurso. And afterwards, isinama sa California kung saan naroon ang kabuhayan nila. Pero taunan ding nagbabakasyon sa Maynila. In return, ginawa niya ang lahat upang makabayad ng utang na loob. Sinunod niya ang bawat salita ng mga ito. Dahil para sa kaniya ay sila ang taong dapat hawakan sa puso ng panghahabang-buhay. And here he is, he's handling one of the biggest company in Los Angeles, California with the name Erick Montefalcon. His real identity was not shown to everyone, they're just the one who knows about him. Ang dating palaboy-laboy, pinandidirian, ay isa nang tanyag na negosyante sa edad na biyente-nuebe. At lahat ng iyon ay utang na loob niya sa mag-asawang kumalinga sa kanya twelve years ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD