"Bernard Frederick Castro, right?" Pangungumpirma ng prinsipal nang dumating ang binatilyong pinatawag sa kaklase nito.
"Yes, Sir, ako nga po. Bakit mo po ako pinatawag, Sir? May nagawa ba akong mali?" kabadong tanong ni Bernard.
"Take your sit first, Mr Castro." Itinuro ng punong-guro ang nakahelirang upuan.
Kaya naman a hinila ni Bernard ang mono block chair saka naupo. Muli siyang humarap sa principal at nagtanong.
"Salamat po, Sir. Ngunit kinakabahan po kasi ako kung bakit mo ako pinatawag samantalang wala naman po akong alam na kasalanan," aniyang muli.
This time napangiti ang prinsipal. Kaya nga niya pinatawag ang estudyante dahil nais niya itong kausapin ng maayos. Papalapit na naman ang pagtatapos ng mga mag-aaral kabilang ang nasa harapan niya. Noong una ay hinayaan lamang niya ito. Subalit habang tumatagal ay mas nakikita niyang wala itong kasama. Lagi itong mag-iisa, kung reces man nila ay aklat nito ang kaharap sa upuan. Ayon din sa mga naging guro nito ay matataas ang grado. Iyon nga lang ay hindi nagsasalita kapag hindi kinakausap.
"Huwag kang mag-isip ng ganyan, Iho. Tama, wala kang kasalanan at tama na namang pinatawag kita hindi dahil may kasalanan kang nagawa. Don't get me wrong, Iho. Simula noong nasa first year ka hanggang ngayon na fourth year ka na ay wala akong nakikita na kahalubilo mo. Lagi kang nag-iisa, tahimik bagay na ikinabahala naming lahat. May pinagdadaanan ka ba, Bernard? Sabihin mo sa akin baka matulungan kita," wika ng prinsipal.
Tuloy, hindi alam ng binatilyo kung ipagtatapat ba niya o hindi ang kasalukuyang pinagdadaanan. Ngunit sa bandang hulian ay mas pinili niya ang magpakatotoo. Kahit lagi siyang nag-iisa at walang gustong makipagkaibigan sa kaniya ay hindi pa naman siya sinungaling. Kaya naman ay nagpakawala siya ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Walang gustong makipagkaibigan sa salot na tulad ko, Sir. Malas sa lipunan, anak sa labas na hindi alam kung sino ang ama. Iyan ang sagot sa mga tanong mo, Sir. Simula pa noong bata ako ay ganyan na ang buhay ko. Walang magulang ang gustong mapahamak ang anak kaya't wala po kayong nakikita na lumalapit sa akin.
"Dahil malas ako sa mga tao kaya't ang mga magulang ng mga gustong makipaglapit sa akin ay pinagbabawalan sila. Kami lang po ng Lola ko ang magkasama sa buhay. Dahil siya ang tanging nakakaunawa sa akin. Siya ang nag-aruga sa anak ng maruming babae na hindi man lang nasilayan ang mukha ng mga magulang." Napayuko tuloy siya sa pagkakaalala sa pinagdaanan niya simula noong nagkaisip siya.
Akala niya ay hindi na siya masasaktan. Akala niya ay matatag siyang tao ngunit hindi pala. Dahil sa pagkakabigkas niya sa mga salitang ibinabato sa kaniya ng mga tao ay mas nadudurog ang puso niya. Mag-aapat na taon ng hindi niya nakikita ang taong tumanggap, ipinagmalasakit siya. Ngunit umaasa pa rin siyang makikita niya balang-araw ang kaibigan niya. Umalis ito kasama ang ama noong natapos ang graduation nila ngunit hindi niya ito nakita. At sa kasalukuyan ay malapit na naman ang graduation nila sa sekondarya.
"Sorry for asking, Bernard. Ngunit hindi naman yata makatarungan iyan. Paano mo nasabi ang mga iyan, Iho?" hindi makapaniwalang tanong ng prinsipal.
"Sorry for my answer too, Sir. Paano ko nasabi iyan? Hindi ko alam, Sir, kung nagbubulag-bulagan ka lamang po, Sir. Kaya nga po walang gustong makipagkaibigan sa akin kasi iyan ang naimulat sa isipan nila.
Hindi man kami galing sa iisang lugar subalit karamihan sa amin ay magkakakilala simula sa first year. Kaya't iyan din ang ipinamalita nila at pinaniwalaan naman ng karamihan. Sabi ko okay lang dahil totoo namang hindi ko nasilayan ang mga magulang ko.
"Ngunit anong magagawa ko kung mga magulang nila mismo ang nagpapaniwala sa kanila na malas ako. Mas mabuti pa ang taong may sakit dahil mas katanggap-tanggap pa na iiwasan ng tao.
Subalit ako, Sir? Sorry, Sir, pero tama ka po. Hindi makatarungan ang bagay na iyan. Subalit kagaya ng sinabi ko ay wala po sa akin ang problema kundi sila. Sorry po ulit sa pagsagot ko, Sir."
Nakayuko siya kaya't hindi niya napansin ang pagpunas ng prinsipal sa mata.
Pero hindi pa rin nito maitago dahil suminghot ito. Kaya't iniangat niya ang paningin. Kitang-kita niya ang pamumula ng mata nito.
"Huwag ka pong umiyak, Sir. Dahil sigurado akong sasabihin na naman ng mga kapwa ko mag-aaral na nagmamakaawa ako para makapasa ako lalo at malapit na po ang huling markahan. Kung wala ka na pong sasabihin ay babalik na lang po ako sa classroom namin baka mapagalitan ako ni Ma'am kapag mahuli po ako," magalang niyang sabi.
"Sorry kung nagtanong ako, Bernard. Gusto ko lang namang makatulong sa mga estudyanteng nasasakupan ko. Lahat ng titser mo ay iisa ang sinasabi, matataas ang grado mo lalo sa academic. Kaso lagi ka raw nag-iisa at hindi nagsasalita. Sorry kung wala man lang kaming nagawa sa mga naunang taon.
Simula ngayon, sa tuwing bakante mong oras puntahan mo ako rito upang may kausap ka. Kung gusto mong mag-extra income para matulungan mo ang Lola mo ay maari kang maglinis dito sa buong office but don't worry dahil may sahod ka.
"Huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo, Iho. Ang mga nararanasan mo ngayon ay gawin mong inspirasyon sa iyong pag-aaral. Darating din ang araw na makakapag-isip sila na mali ang ipinaparatang nila sa iyo. Sige na, anak, bumalik ka na sa classroom ninyo. Ngunit tandaan mo na open ang office natin sa tuwing gusto mong may kausap. May mga counselors tayo rito, ako at iba pang guro."
Pinilit pa ring ngumiti ng principal dahil ayaw niyang dagdagan ang awa ng estudyante niya sa sarili.
"Maraming salamat po, Sir." Tumayo na rin si Bernard Frederick ay magalang na nagpaalam sa punong-guro.
Sa unang pagkakataon ay pinatawag siya ng principal. Ngunit hindi niya akalaing iyon pala ang sasabihin nito. Buong akala niya ay may nagawa siyang mali pero laking pasasalamat niya dahil kahit papaano ay nabawasan din ang bigat sa kaniyang dibdib. Kahit papaano ay masasabi niyang nakahiga siya ng maluwag.
Marahil nga ay may mga nakarinig sa usapan nila ng punong-guro. Dahil sa unang pagkakataon ay hindi sila nakairap sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay hindi niya kakikitaan ng pandidiri sa kaniya ang mga kaklase niya. Pero hindi siya nagpahalata na napansin niya iyon dahil ayaw niyang masabihan na attention seeker. Tahimik pa rin siyang naupo sa upuan niya saka inilabas ang aklat.
As the days goes on...
"Ilang araw na lang ay magtatapos ka na sa pag-aaral mo. Saan mo gustong mag-aral, apo?" tanong ni Aling Wilma sa apo.
"Sa bayan na lang po, Lola. Maganda roon dahil malapit dito sa atin. Ngunit huwag na lang po pala lalo---"
"Bernard Frederick apo, huwag mong isipin ang gastusin dahil hanggat buhay si Lola Wilma mo ay magpapatuloy ka sa iyong pag-aaral. Matalino ka kaya't huwag mong sayangin ang panahon, apo ko. Igagapang kita para makamit mo ang iyong pangarap sa buhay dahil iyan lang ang maipapamana ko sa iyo.
Huwag kang mag-alala dahil kapag sa kolehiyo ka na ay hindi na kagaya ng high school life mo ang iyong buhay. Marami na ang makakasalamuha mo sa kolehiyo basta tandaan mo apo maging mapagpakumbaba ka dahil hindi ka pababayaan ng Diyos."
Pamumutol at pangaral ni Aling Wilma sa apo.
Kaya naman napangiti ang binatilyo. Ang Lola niya na bukod tanging nakakaunawa sa kaniya. Ang taong nakapagpapangiti sa kaniya. At higit sa lahat ay ito ang tunay niyang kayamanan.
"I love you po, Lola. Sana po kay Papa God ay pahabain pa sana niya ang buhay mo. Dahil gusto kong iparanas din sa iyo ang karangyaan kapag ako ang makapagtapos sa pag-aaral." Malambing siyang yumakap ng sa abuela.
"Love na love ka din ni Lola, apo ko. Siya nga pala tumawag ang Tita Maridel mo kanina kaso nasa eskuwelahan ka pa. Magpapadala raw siya para sa graduation mo," saad ng matanda.
Pinagkaitanan sila ng tadhana, maaga siyang naulila sa ina at ayon sa kuwento ng Lola niya a magkasabay silang pumanaw ng taong tumanggap sa kanilang mag-ina. Pero napakasuwerte nila sa mag-asawang tumulong sa ina niya sa Saudi at ang nag-alaga sa kaniya na si Tita Maridel. Dahil simula't sapol ay nakaalalay na sila sa kanilang mag-Lola.
"Sana po makilala ko ang mga taong tumulong kay Mama. Si Tita Maridel din po upang makapagpasalamat ako sa kanilang lahat," ani Bernard Frederick saka kumalas sa abuela at napatanaw sa labas ng store.
Maaga pa naman kasi kaya't hindi pa sila nagsasara. Ayon din sa Lola niya ay sila din ang nagpatayo sa kabuhayan nilang dalawa ng Lola niya. Sa maliit na kita ng store nanggagaling ang ikinabubuhay nilang dalawa.
"Huwag kang mag-alala apo darating din ang panahon na makikilala mo silang lahat, apo ko. Ngunit sa ngayon ay dito ka muna at magsasaing ako para sa panghapunan natin. Mamaya na lang tayo magsasarado lalo at malakas ang bentahan kapag ganitong oras."
Tumalikod na ang matanda dahil pumasok sa loob ng bahay.
Nang napag-isa so ang muli sa loob ng store nila ay muli siyang nagmuni-muni.
"Kung hindi si Tatay Ronald ang tunay kong ama, sino kaya? Makikilala ko pa kaya siya? Pero bakit ganoon may mga magulang na nagpapabaya sa kanilang anak? Ayon kay Lola hindi si Tatay Ronald ang ama ko. Ngunit bakit ganoon? Kung sino pa ang mabait na tao ay siya pa ang nauunang namamatay?
Diyos ko, kailanman ay hindi ako naghahangad ng yamang materyal basta bigyan mo po sana kami ni Lola ng lakas ng loob. Kalusugan upang makapagpatuloy kami sa araw-araw naming buhay. Sana rin po Ama ay gabayan mo ang mga taong walang sawang tumutulong sa amin ni Lola. Sana po ay magkaroon sila ng mas maraming magtulungan."
Mga bagay-bagay na nagsulputan sa kaniyang isipan. Dahil talaga namang gusto niyang humaba pa ang buhay ng mga taong nakakaunawa sa kaniya. Lalong-lalo na ang mag-asawang nag-uwi raw sa kaniya mula noon sa Saudi. At higit sa lahat ay ang kaniyang abuela, ang Lola Wilma niya.
Ang buhay ay weather-weather lang!
Sa araw mismo ng kanyang pagtatapos, maaga pa lang ay nakahanda na silang mag-Lola sa pagpunta sa paaralan kung saan gaganapin ang kanilang pagtatapos sa sekondarya. Masaya ang lahat. Nag-iingay dahil excited para sa gaganaping graduation.
Pero hindi niya maramdaman ang excitement dahil kaba ang lumulukob sa kaniya. Ayaw naman niyang ipahalata sa kaniyang Lola ang nararamdaman dahil ayaw niyang masira ang magandang araw nito. Lalong-lalo at siya ang tatanggap sa pinakamataas na parangal.
"Diyos ko, huwag mo sanang ipahintulot na may masamang ibig sabihin ang kaba kong ito," pipi niyang sambit.
Pero...
Ang mundo ay wala sa kaniyang panig. Dahil pagkatapos ng graduation rites ay dumaan silang mag-Lola sa kainan upang doon na bibili ng pagsasaluhan nilang dalawa sa kanilang munting tahanan. Ang rason nila ay wala rin namang dadalaw o makikikain sa kanila kaya't ang para sa kanilang dalawa na lamang din ang binili nila.
"Hi, Bernard. Puweding makisali sa inyo ni Lola?" tanong ng tinig na nagmula sa likuran nila kaya't bigla silang napalingon na mag-Lola. Doon nila napagtanto na ang ilang kaklase ni Bernard Frederick.
"Oo naman, Bro. Ngunit baka makarating sa mga magulang ninyo. Ayaw kong mapagalitan kayo nang dahil sa pakikipaglapit sa amin ng Lola ko."
Masaya siya dahil sa unang pagkakataon ay may kusang lumapit sa kanilang mag-Lola. Ngunit ayaw din niyang may napapagalitan dahil sa kaniya.
"Alam naming hindi kami naging makatarungan sa mga nakaraang taon natin sa sekondarya, Bernard. Kaya't kami na ang kusang lumapit upang kahit papaano ay magkakapatawaran din tayong lahat bago tayo sasabak sa kolehiyo. Panibagong buhay, panibagong yugto ng future natin. Sorry for everything, Bernard."
Isa-isang lumapit ang mga kaklase niya at nakipagkamay sa kaniya. Nagtapikan ng mga balikat.
Masaya siya dahil kahit papaano ay sila ang kusang lumapit sa kaniya at nakipag-ayos. Tao lang siya, ang Diyos ay nagpapatawad siya pa kayang tao lamang? Ibinigay niya ang kapatawaran na inaasam ng mga ito. Kaya't ang plano nilang mag-celebrate sa bahay nila ay doon na rin sa kainan.
Silang mag-Lola ang nagbayad sa lahat kahit na gustong makipag-share ng lima pero hindi pumayag ang lola Wilma niya lalo at bonding na rin daw nila. Halos hapon na ng magsiuwian silang lahat dahil sinulit nila ang bawat oras. Dahil sa tuwang idinulot ng paglapit ng mga ito'y pansamantala niyang nakalimutan ang kabang lumukob sa kaniya ng araw na iyon.
Kaso...
Nasa malapit na sila sa kanilang bahay ay may biglang dumaan na sasakyan na parang ibon sa bilis!
Sa isang iglap!
Gumuho ang mundo niya!
Hit and run ang kaniyang Lola!
Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabundol ni lola Wilma niya ay dead on the spot! Bago pa man ito maitakbo ng mga may pusong residente ay wala na itong buhay. Sa madaling salita ay sa araw mismo nang pagtatapos niya, nakipag-ayos ang ilan sa mga kamag-aral niya. Kaso masakit! Dahil ang Lola niya ang nawala! Wala na ang taong nagmamahal sa kanya!
Then...
He wailed out loud!
"Ano ba ang kasalanan namin sa inyo at ganyan na lamang ang galit ninyo sa amin ni Lola! Hindi pa ba kayo kuntento sa pandidiri ninyo sa amin kahit wala kaming sakit? Ano masaya na kayong walang-wala na ako? Bakit may ginagawa ba kaming masama sa inyo?
Ano ba ang ipinagpuputok ng ulo ninyo para sabihing salot kami sa lipunan? Para sabihang malas kami? Ano sumagot kayong lahat! Mga wala layong puso!
Nagsusumikap ang Lola ko upang maitaguyod ako pero anong ginawa ninyo? Mga wala kayong kaluluwa! Tandaan ninyo ang mukha ng salot na ito dahil oras na ako ang makaahon sa buhay lintik lang kayong lahat! Mga hayop kayo!"
Pagwawala ni Bernard Frederick.
Masakit!
Walang kasing sakit sa kalooban niya. Ang tanging kayamanan niyang nagsusumikap para sa kinabukasan niya ay wala na rin. Kung hindi siguro siya binalikan ng mga kaklase niya ay nagpatuloy siya sa kaniyang pagwawala. Gusto niyang ilabas ang lahat ng galit niya sa pamamagitan nang pagwawala niya. Subalit ginawa ng mga kaklase niyang nakipag-ayos sa kaniya ang lahat upang mapakalma siya.
Sa tulong din ng lima ay naiburol ng maayos ang Lola niya. Naipalibing ng maayos dahil na rin sa tulong nila. Sa madaling salita ay ang lima na rin ang nagtulong-tulong para maayos ang lahat ng dapat ayusin. Hindi na siya nagtanong pa kung galing ba sa mga magulang nila ang perang pinag-ambag-ambag.
Dahil ang nasa isipan niya sa oras na iyon ay ang paghihiganti. Kailangan niyang maging matatag para maabot niya ang pangarap. Gagawin niya ang lahat upang maipakita sa mga taong walang puso kung paano siya aangat. He will show them how far he can do it. And when the time will come, he will take his revenge to them. Ang paghihiganti ng taong nilalait-lait nila. Oras nila sa panahong iyon at kapag darating ang oras niya ay maniningil siya.