Chapter 1

1519 Words
KLARISSE "Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh!" nagising ako dahil sa sigaw ni Maybelle. Ano na naman kayang problema ng babaeng to! Ang aga-aga sigaw ng sigaw. Feeling ko lang talaga nakalulon to ng megaphone nung bata! "COUZZZ!!!" sigaw pa nito. Nagtalukbong na lang ako at naglagay ng unan sa ibabaw ng ulo ko. Antok na antok pa ko. Pagod na pagod ako kahapon dahil maghapon akong pinagbantay ni mama dun sa bakeshop namin. "Couz, couz gising!" sabay yugyog nya sakin. Naknang! Papano nakapasok to sa kwarto ko? Aish, binigay na naman ni mama yung susi. "Ano ba naman Maybelle. Ang aga-aga!" inis na sabi ko dito. Gusto ko pang matulog. "Couz kailangan mo tong malaman!" yugyog pa nya sakin. Ayaw talaga kong tigilan ng babaeng to ha! Galit na bumangon ako ng kama. Hinambaan ko sya ng suntok. "Siguraduhin mong matutuwa ako sa sasabihin mo na yan dahil kung hinde, manghihiram ka talaga ng mukha sa aso namin!" Sukat don ay bigla itong tumawa. Aba bruha talaga! Tinawanan pa ko eh kita na nga nyang halos umusok na yung ilong ko sa galit! "Nakakatawa couz! Papano ako manghihiram ng mukha sa aso nyo, eh wala naman kayong aso! Duh! Hindi ka mahilig sa hayop diba?" Ay oo nga pala. Wala nga pala kaming kahit anong hayop dito sa bahay. Ay meron pala, etong babaeng kaharap ko ngayon. Para kasing may alaga akong parrot sa kadaldalan at kaingayan nya. "Fine! O ano na nga kasi yung sasabihin mo?" "Kilala ko na yung bago nyong kapitbahay!" excited na sabi nito. Nagniningning pa yung mga mata. What?! Yun lang yung ipinunta nya dito? Ginising nya ko para sabihin na kilala na nya yung bagong lipat dyan sa tapat ng bahay namin. Hindi ba nya alam kung gano nya ko naperwisyo? Lintek talaga tong babaeng to! Agad ko syang tiningnan ng masama. "Maybelita! Wala akong pakialam kung nakilala mo na yung bagong kapitbahay! Bwisit ka! Antok na antok pa ko, tapos gigisingin mo ko dahil dyan sa walang kakwenta-kwentang bagay na yan? Leche lang! Umalis ka na dito at wag ka munang magpapakita sakin dahil kahit wala kaming aso, manghihiram ka talaga ng mukha kahit dun sa askal sa may kanto!!!" sigaw ko dito. Pinaiinit nya yung ulo ko ha! Sabi nga nila magbiro ka na sa lasing, wag lang kay Klarisse na bagong gising! "So ayaw mong ituloy ko yung kwento ko?" aba't may balak pa syang ituloy yung kwento nya ha! "I'm not interested ok? I don't care kung sinong Poncio Pilato yang bagong kapibahay namin kaya pwede ba, umalis ka na at hayaan mo kong makatulog ulit" "Sigurado ka dyan?" Sukat don ay binato ko sya ng unan. Nakakainis na kase, kanina ko pa sya pinapaalis eh. Sinabi ng hindi ako interesado sa kahit anong sasabihin nya! Paulit-ulit lang, parrot talaga! "Umalis ka na please lang!" pakiusap ko sa kanya. "Ayaw mo talaga?" ang kulettttttttt! Napasabunot ako sa ulo ko! "Maybelle parrot ka ba? Kanina ko pa sinabi na hindi ako interesado. Umalis ka na lang muna. Makikilala ko din naman kung sino yung kapitbahay namin, pero wag muna ngayon" Nagkibit-balikat itong lumakad palabas sa pinto ng kwarto ko. Inis na nagtalukbong na lang ulit ako ng kumot. Sana lang, mabawi ko pa yung tulog ko na ginambala ng pinsan kong mahadera. Pero bago ito lumabas ay narinig ko pa itong nagsalita. "Ok, so hindi ko na lang sasabihin sayo na si Jordan and Justine Martinez yung bago nyong kapitbahay" sabi nito bago tuluyang isinara yung pinto. "Jusko, si Jordan and Justine lang pala eh" bulong ko. Bigla akong napabangon ng mapagtanto yung sinabi nya. Oh my gosh! Si Jordan Martinez! Yung lalaking mahal na mahal ko! Yung lalaking pakakasalan ko sa lahat ng simbahan. Yung lalaking magiging tatay ng mga anak ko. Agad kong hinabol ang parrot ko. "Maybelle!" tawag ko dito. Nakangiti naman itong humarap sakin. "O akala ko ba hindi ka interesado sa bago nyong kapitbahay?" nakakalokong tanong nito. "Totoo ba?" "Totoong ano?" Tingnan mo tong babaeng to, nagmamaang-maangan pa. Eh alam naman nya kung ano yung tinatanong ko. "Yung sinabi mo kanina?" "Alin don? Diba ayaw mo naman akong pakinggan? Diba pinapaalis mo na nga ako? kaya please padaanin mo na ko dahil uuwi na ko" Sabay tulak sakin para makadaan sya. Kainis lang! Umaarte pa tong babaeng to!! "Ahm, sorry na couz. Sige para mapatunayan ko sayo na sincere ako sa pagsosorry ko,ipagbabake na lang kita ng favorite mo na caramel bar mamaya" nakangiting sabi ko dito. "Promise?" "Promise couz" sabay smile ko sa kanya. (which is fake naman dahil kanina pa ko binubwisit ng babaeng to! pasalamat sya may kailangan akong malaman sa kanya) "Yey! Thanks!" "So?" "Ah oo nga pala. Kanina kase pinabili ako ng pandesal ni mama. Tapos napadaan ako dun sa tapat ng bahay nyo. Ayun nga nakita kong may mga naghahakot na ng gamit papasok dun sa bahay. Tapos lumapit ako dun sa isang manong na nagbubuhat, tinanong ko kung sino yung lilipat dyan. Sabi nga nya artista daw. Syempre ako naman nagtanong ulit, curious ako eh" nako, wag po kayong maniwala dyan, hindi sya curious, tsismosa lang talaga yan. "Ayun nga, sabi nung isang kuya, yung bida daw sa palabas ngayon na 'ang bestfriend kong baduy', eh diba si Jordan Martinez yon?" "So hindi sinabi ni manong na napagtanungan mo kung si Jordan nga yung lilipat dyan? Inassume mo lang kase sinabi nya na yung bida dun sa teleserye yung lilipat?" Tumango naman ito. Agad ko naman itong sinabunutan. Eh siraulo pala to eh! Hindi naman pala sigurado pinaasa pa ko! "Aray ko naman!" "Eh gaga ka palang babae ka! Papano kung yung ka-love team nya or yung ka-love triangle nya pala yung lilipat dyan?" inis na sabi ko sa kanya. "Chillax pinsan. Masyado ka namang highblood eh. Sigurado na ko na si Jordan nga yung lilipat dyan" "Papano mo nga nasigurado?" "Eh kasi nakita ko yung kakambal nyang si Justine sa may labas" Sinabunutan ko ulit sya. "Eh gaga ka pala talaga no! Diba fiancé ni Justine si Carlo Arevalo? Yung ka-love triangle ni Jordan dun sa teleserye! Aish! wala talaga kong maasahan sayong babae ka!" "Ay oo nga no! eh teka, diba ikakasal pa lang naman sila? Ano yun, magka-live in na sila?" "Malay naman natin diba? Ganun naman talaga sa showbiz" "Sabagay. Pero couz promise malakas yung kutob ko. Si Jordan talaga yung kasama ni Justine dyan sa bahay na yan. Maniwala ka sakin." "Hay nako, babalik na lang ako sa pagtulog ko. Nakakawalang-gana kang kausap." Magsasalita pa sana ito ng makarinig kami ng malakas na busina ng sasakyan. Agad akong hinila ng pinsan ko palabas ng pinto namin. "In fairness ang ganda ng tsekot pinsan" komento ni Maybelle. Ako naman, hindi ko inaalis yung mata ko taong pababa ng sasakyan. Kinakabahan ako. Sana nga si Jordan yung bumaba. Sana si Jordan yung kasama nung kakambal nya. Kahit nakatalikod yung lalaki samin, kilalang-kilala ko sya. Biglang nagrambulan yung kung anuman yung nasa tyan ko ngayon at bumilis yung t***k ng puso. "Couz, yung caramel bar ko ha" bulong sakin ni Maybelle. Syempre hindi ko sya pinansin. Nakatuon lang sa magiging kabiyak ng puso ko yung mga mata ko. Shet lang! Wag na wag kang lilingon dito please dahil baka bigla akong himatayin. Pero syempre, kahit cliché, bigla syang lumingon samin. Naramdaman nya yata yung presensya namin ng parrot ko, este ng pinsan ko pala. Parang biglang nagslow motion lahat ng lumingon sya samin ni Maybelle. Nanigas ako bigla at hindi makahinga. Parang nabingi na rin ako dahil wala akong ibang ingay na naririnig kundi yung t***k ng puso ko. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Maybelle. Oh my gosh, konting-konti na lang hihimatayin na talaga ko. Lord marami pong salamat sa lahat ng biyayang pinagkaloob nyo sakin. Marami pong salamat dahil dininig nyo po yung panalangin ko na mapalapit sa lalaking pinakamamahal ko. Lalo akong napakapit kay Maybelle ng ngumiti si Jordan sakin. Shet, alam nyo yung feeling na parang kinakapos ka ng hininga? Yung feeling mo aatakihin ka sa puso sa sobrang bilis ng t***k nito? Napahawak ako sa dibdib ko. Okay seryoso ko, hindi talaga ko makahinga. Unti-unti kong nararamdaman na bumabagsak na ko, nanghihina na yung tuhod ko. Lord, naalala ko po na sinabi ko sa inyo noon na pag nakita ko ng malapitan si Jordan, pwede na po akong mamatay. Binabawi ko na po yon. Promise po magiging mabait na ako wag nyo lang po muna akong kunin ngayon. Nakitang papalapit samin si Jordan pero bago pa man sya makalapit, unti-unti ng nagdilim ang paningin ko. Eto na yata yung katapusan ko. Sana man lang, nabigyan pa kami ng time na maging close ni Jordan. Sana man lang, ikinasal muna kaming dalawa. Eto na, nagfflashback na sakin lahat ng nangyari mula ng bata ako hanggang ngayon. At least kung mamamatay man ako ngayon, mukha ni Jordan yung huli kong makikita. Goodbye Philippines. Goodbye World. Mahal ko kayo. Unti-unti ng nagkukulay itim ang paligid ko. "Klang!!" narinig kong tawag sakin ni Maybelle bago ko tuluyang panawan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD