Prologue

543 Words
KLARISSE “Couz!” narinig kong tawag sakin ni Maybelle. “Ow?” “Nabalitaan mo na ba?” “Ang alin?” “Si Monique at si Bernard ikakasal na!” Nanlaki naman bigla yung mata ko. “Seryoso ba yan?” Sino ba naman kasing maniniwala sa sinasabi nitong pinsan ko na to. Sobrang imposible kasi na pumayag si Bernard na magpakasal kay Monique. Classmates namin nung college yung dalawang yun. Isa sa pinakagwapo sa campus namin si Bernard. Kahit ako nga nagkacrush sa kanya noon. Kaya nakakapagtaka na magpapakasal sya kay Monique na ubod ng pangit! Sorry guys ha, hindi ako nagbibiro, ang pangit nya talaga. Bukod sa sobrang taba ni ate, punung-puno pa ng pimples yung feslak nya. At eto pa, ang hilig nyang magsuot ng eyeglass pero nahuhulog din naman kase wala syang ilong. Ay sorry, meron pala, pango lang. Tapos yung buhok nya, pinamumugaran na yata ng kung anu-anong insekto. Hindi lang kuto, lisa, pati ata garapata at anay meron don. So papanong ang isang hunk na tulad ni Bernard eh magkakagusto sa isang ugh nevermind na katulad ni Monique. Pinagloloko talaga ko ng pinsan kong to eh! “Promise couz. Totoo yung sinasabi ko. Eto nga o, iniinvite pa tayo sa kasal nila” sabay abot nito sakin nung wedding invitation. Literal na nanlaki yung mata ko! Totoo nga? Anyare? “Ang bali-balita ng mga classmates natin, ginayuma daw ni Monique si Bernard” sabi pa nito. Bigla ko namang naibuga sa kanya yung tubig na iniinom ko. “Gayuma?” natatawang sabi ko dito. Hello? Sa panahon ngayon, uso pa ba yang gayuma na yan? “Nakakainis ka naman eh! Bugahan daw ba ko ng tubig sa mukha!” galit na sabi nito. “Pano ba naman couz, kung anu-ano yang mga sinasabi mo dyan! Gayuma talaga? Heller! 2014 na! Wala ng mga gayu-gayumang ganyan!” “Promise couz, ginayuma talaga si Bernard, meron kasing girlfriend si Bernard tapos bigla na lang daw nakipaghiwalay si B sa kanya after inumin yung juice na iniabot ni Monique nung nagpaparty sya” “Weh? Baka naman may gusto na talaga si Bernard kay Monique” benefit of the doubt guys. Malay naman talaga natin diba? “Asa naman couz! Ang sabi pa nila, may lahi daw mangkukulam yung lola ni Monique.” “Isa pa Maybelle, ibubuhos ko na tong tubig sa mukha mo!” kung anu-ano kasing sinasabi. Kanina gayuma, ngayon naman mangkukulam. O tapos mamaya ano na? tikbalang? Duwende? Manananggal? Mabuti sana kung bampira eh, mas matutuwa siguro ako. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala” “Talagang hindi ako naniniwala sayo! Umalis ka na nga! Shooo!” pagtataboy ko dito. Iiling-iling ito na lumabas ng bahay. Gayuma? Pffft! Nakakatawa lang! Kahit kelan hinding-hindi ako maniniwala dyan! Mas naniniwala ako sa bisa ng tunay na pag-ibig. (oo na, ako na yung corny) Kung may magmamahal sakin, gusto ko yung totoo sa nararamdaman nya. Na minahal nya ko dahil tumibok talaga yung puso nya para sakin. Hindi yung gagamitan mo pa ng kung anu-anong spell para lang mahalin ka. Kaya kung totoo man o hindi yang gayuma na yan, hinding-hindi ako gagamit nyan…. As in NEVER….. Or so I thought…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD