bc

Under My Spell

book_age0+
5.5K
FOLLOW
23.9K
READ
possessive
friends to lovers
comedy
sweet
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Ano nga ba yung gayuma?

Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay ginagamit upang makapang-akit at mapa-ibig ang isang tao, gayong hindi naman ito gusto ng taong ginagayuma. Ang panggayuma ay ay kadalasang inihahalo sa inumin ng gagayumahin. Ito ay mas mabisa kung lubos ang paniniwala ng nanggagayuma sa kapangyarihan nito.

Ah, uso pa ba ngayon ang gayuma?

- sa probinsya uso pa rin yan, pero dito sa Manila wala na. Saka sino ba naman kasing maniniwala sa gayu-gayuma na yan.

Kung saka-sakali ba na may mahal ka tapos hindi ka mahal gagamit ka ng gayuma?

-no way! Gusto ko mahalin nya ko dahil yun yung nararamdaman nya, hindi dahil lang sa pinainom sya or nagayuma sya.

Oo yan yung sagot ko dati. Pero hindi na ngayon, dahil gagawin ko lahat para mahalin ako ni Jordan. Maghahanap ako ng gayuma. Kailangan mahalin nya ko sa kahit anong paraan.

Pero papano kung biglang nagkaron ng maliit na problema?

Yung gayumang para kay Jordan, iba yung nakainom. Yung kakambal nya na si Justine. Ang masama pa nito, babae yung kakambal nya at malapit na ikasal.

Anong gagawin ko ngayon? Sabi nung matandang binilhan ko, pwede naman daw mawala yung bisa ng gayuma, kailangan lang i-mix yung"blue alum crystals" sa kumukulong tubig ulan ..tapos ipainom daw to dun sa taong nagayuma.

Ok na sana, nagawa ko na yung antidote. Pero bakit hindi ko magawang ipainom kay Justine?

Dahil ba minahal ko na rin sya?

Ano nga bang dapat kong gawin? Ang itama yung mali ko pero masasaktan ako? o magpakaselfish at itago kay Justine yung antidote?

Ako nga pala si Klarisse Lopez at ito ang magulong buhay-pagibig ko.

Normal lang sana, kung hindi ko lang ginamitan ng..

GAYUMA.

chap-preview
Free preview
Prologue
KLARISSE “Couz!” narinig kong tawag sakin ni Maybelle. “Ow?” “Nabalitaan mo na ba?” “Ang alin?” “Si Monique at si Bernard ikakasal na!” Nanlaki naman bigla yung mata ko. “Seryoso ba yan?” Sino ba naman kasing maniniwala sa sinasabi nitong pinsan ko na to. Sobrang imposible kasi na pumayag si Bernard na magpakasal kay Monique. Classmates namin nung college yung dalawang yun. Isa sa pinakagwapo sa campus namin si Bernard. Kahit ako nga nagkacrush sa kanya noon. Kaya nakakapagtaka na magpapakasal sya kay Monique na ubod ng pangit! Sorry guys ha, hindi ako nagbibiro, ang pangit nya talaga. Bukod sa sobrang taba ni ate, punung-puno pa ng pimples yung feslak nya. At eto pa, ang hilig nyang magsuot ng eyeglass pero nahuhulog din naman kase wala syang ilong. Ay sorry, meron pala, pango lang. Tapos yung buhok nya, pinamumugaran na yata ng kung anu-anong insekto. Hindi lang kuto, lisa, pati ata garapata at anay meron don. So papanong ang isang hunk na tulad ni Bernard eh magkakagusto sa isang ugh nevermind na katulad ni Monique. Pinagloloko talaga ko ng pinsan kong to eh! “Promise couz. Totoo yung sinasabi ko. Eto nga o, iniinvite pa tayo sa kasal nila” sabay abot nito sakin nung wedding invitation. Literal na nanlaki yung mata ko! Totoo nga? Anyare? “Ang bali-balita ng mga classmates natin, ginayuma daw ni Monique si Bernard” sabi pa nito. Bigla ko namang naibuga sa kanya yung tubig na iniinom ko. “Gayuma?” natatawang sabi ko dito. Hello? Sa panahon ngayon, uso pa ba yang gayuma na yan? “Nakakainis ka naman eh! Bugahan daw ba ko ng tubig sa mukha!” galit na sabi nito. “Pano ba naman couz, kung anu-ano yang mga sinasabi mo dyan! Gayuma talaga? Heller! 2014 na! Wala ng mga gayu-gayumang ganyan!” “Promise couz, ginayuma talaga si Bernard, meron kasing girlfriend si Bernard tapos bigla na lang daw nakipaghiwalay si B sa kanya after inumin yung juice na iniabot ni Monique nung nagpaparty sya” “Weh? Baka naman may gusto na talaga si Bernard kay Monique” benefit of the doubt guys. Malay naman talaga natin diba? “Asa naman couz! Ang sabi pa nila, may lahi daw mangkukulam yung lola ni Monique.” “Isa pa Maybelle, ibubuhos ko na tong tubig sa mukha mo!” kung anu-ano kasing sinasabi. Kanina gayuma, ngayon naman mangkukulam. O tapos mamaya ano na? tikbalang? Duwende? Manananggal? Mabuti sana kung bampira eh, mas matutuwa siguro ako. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala” “Talagang hindi ako naniniwala sayo! Umalis ka na nga! Shooo!” pagtataboy ko dito. Iiling-iling ito na lumabas ng bahay. Gayuma? Pffft! Nakakatawa lang! Kahit kelan hinding-hindi ako maniniwala dyan! Mas naniniwala ako sa bisa ng tunay na pag-ibig. (oo na, ako na yung corny) Kung may magmamahal sakin, gusto ko yung totoo sa nararamdaman nya. Na minahal nya ko dahil tumibok talaga yung puso nya para sakin. Hindi yung gagamitan mo pa ng kung anu-anong spell para lang mahalin ka. Kaya kung totoo man o hindi yang gayuma na yan, hinding-hindi ako gagamit nyan…. As in NEVER….. Or so I thought…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate

read
1.4M
bc

The Ivory Queen

read
1.9M
bc

An Omega's Confused Heart

read
23.4K
bc

Behind Classroom Doors

read
984.6K
bc

The rogue princess

read
238.0K
bc

Shameless (1*+) (Book 1)

read
193.3K
bc

My Stepbrother (Secret-Possession)

read
114.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook