PUMASOK si Yellah sa room niya nang matapos silang kumain at agad siyang humiga sa kama. Muli na naman siyang napaiyak nang maalala ang nakina niya kani-kanilang. Hindi niya maiiwasan na hindi nakakaramdam ng galit para kay Narren. "Cheater—Liar—Cheater—Liar—Cheater!" Paulit-ulit na salitang lumalabas sa bibig ni Yellah. Halos masisira na ang unan sa kakahampas niya at buti na lamang naaalala niya na wala pala siya sa kanilang bahay. Isang oras ding walang tigil ang iyak ni Yellah hanggang sa napagod ito at nakatulog. Alas-dose na ngunit nanatiling tulog pa siya kaya nag-aalala nang husto ang kapatid at pinsan niya. Kaya pinuntahan siya sa kabilang room upang kumustahin kung okay na ba ito. Nasa tapat na sila ng pinto ng room ni Yellah at nag-doorbell si Clyde. Dahil sa paulit-uli