DAHIL sa iyak ni Princess Yellah ay nagising si Narren, nang dumilat ang mga mata niya ay ang tatlo agad ang tumambad sa harapan nito. "Y-Yellah..." sambit nito, at akmang babangon. Subalit natigilan siya nang hindi agad makabangon dahil may mabigat na bagay ang nakapatong sa dibdib niya. "Zeth..." tanging sambit niya sa mahinang boses at naitulak niya ang babae na wala sa oras. "Oh my God!" pipi niyang bulalas at hindi kumurap ang mga mata nang makita niya ang hubo't hubad na babaeng nakayakap sa kanya. Hindi kinaya ni Yellah ang nasaksihan niya at tumakbo ito palabas ng kuwarto. "Yellah…" tawag ni Narren, at tinulak niya ang babae na tulog pa rin. Kuyom ang kamao ni Clyde sa galit, dahil hindi niya matanggap na nasasaktan ang nag-iisa niyang kapatid na babae. Hinintay muna