“Naging kayo na after noon?”
Hindi ko alam kung kailan nag-iba ang posisyon namin ni Kyros. Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong yakap-yakap niya. Nakasandal ako sa dibdib niya habang yakap-yakap ko ang throw pillow. And it felt nice to be wrapped around his arms. Sa tagal naming magkakilala ay sobrang comfortable na namin sa isa’t-isa. Well, we are best of friends for nothing.
“Hindi naman agad-agad. Ilang buwan rin siyang nanligaw sa akin. Napakapursigido niyang tao at dahil sa kanya natapos na rin ang pangbu-bully sa akin. Wala nang nagtatangka. Kaya naman sobra ang pasasalamat ko sa kanya. At saka napalapit na rin ako at nahulog na rin ang loob ko. Kaya naman noong tinanong niya ako kung gusto ko siyang maging boyfriend ay umoo na ako agad.”
”Mahal na mahal mo siguro siya kaya nabuo ninyo si Sabri.”
Hindi ko alam kung imahinasyon lang ba ang narinig kong kalungkutan sa boses niya. Pero iniisip ko na guni-guni ko lang iyon kaya napatawa ako nang mahina.
“To tell you honesty, we both promised ourselves na hindi muna kami papasok sa ganoong bagay. Gusto namin na makapagtapos muna kami ng pag-aaral, makapagtrabaho at maging stable, but you know…accidents happen.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Well, my sister decided to put a drug in my drink. I was so naive. Akala ko tanggap na ako ni Jessica. Kasi lagi na niya akong binabati na para bang bukal sa loob niya ang pakikipagbati sa akin. I didn’t know she was plotting something evil. Inimbitahan niya ako sa party niya na ginanap sa isang bar. Our father rented the whole place. And even got us a hotel room which was just beside the bar. Dumalo ako. At gaya nang napapanood o nababasa mo, cliche as it gets, she put something in my drink and hook me up with one of her boy friends. At that time, akala ni Jessica hindi makakarating si Luca dahil may inasikaso siyang scholarship noon.”
“Hmmn…” tanging komento niya lang kaya napalingon ako sa kanya. Tinanguan niya lang ako na para bang sinasabi na ipagpatuloy ko ang kwento.
At parang pelikula na nagbalik sa akin ang lahat…
“Ang swerte mo naman, Jeff! Ikaw pa talaga ang nanalo sa pustahan,” narinig kong sabi ng isa sa mga lalaking umalalay sa akin.
Pamilyar ang boses niya pero hindi ko na maaninag ang kanyang mukha. Sobrang hilo ko na talaga. Umiikot na ang paningin ko at iba na rin ang pakiramdam ko. Para akong sinisilaban. Ang init ng pakiramdam ko. ‘Yong parang may gusto akong gawin sa katawan ko na hindi ko alam kung ano. Feeling ko mas lalo pang lumala ang init ng katawan ko dahil sa mahigpit na pagkakayakap ng lalaki sa aking bewang.
“Of course! Ang tagal ko ng pinagnanasahan ‘tong bastardang kapatid ni Jessica. ‘Di lang ako makabuwelo. Good thing she made that bet!”
“‘Di ka na rin lugi, Bro. Ang kinis nitong kapatid ni Jessica at mas maganda pa!” anitong tumawa pa nang malakas.
Hindi ko na alam kung ano pa ang sinasabi nila. Narinig ko na lang na may pintuan silang binuksan. Ipinikit ko ang mga mata ko at kumapit sa balikat ng lalaking nakayakap sa aking bewang. Mas lalo pa silang natawa dahil sa ginawa ko. Pero ang tawang iyon ay biglang natigil. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, bigla na lang nila akong nabitawan. Muntikan pa akong mapasubsob kung hindi lang ako nakahawak sa pader.
Doon ko lang rin napansin na nasa isang silid na pala kami. Sumandal ako sa gilid ng pinto at mahinang napadausdos. Gusto ko nang maiyak sa nararamdaman ko. Sobrang init at gustong-gusto ko nang tanggalin ang mga damit ko.
May narinig akong mga lagabog sa paligid ko kasama ang mahinang mga daing, pero hindi ko na iyon pinansin. Ang gusto ko lang ay mawala ang init ng katawan ko. Niyakap ko ang sarili ko at pilit na siniksik ang katawan sa malamig na sulok na iyon.
“Rina, Babe, okay ka lang?”
Tumingala ako at bahagya kong namukhaan si Luca. Hawak-hawak ng dalawang kamay niya ang pisngi ko.
“Ang init ng katawan ko, Luca,” naiiyak kong sumbong sa kanya.
Hindi siya sumagot at sa halip ay mariin siyang napamura. Niyakap niya ako. Maya-maya pa at itinayo niya ako at iginiya sa may kama at pinaupo. Umalis siya sa tabi ko at hindi ko na alam kung saan siya pumunta. Ang pukos ko na lang ay mawala ‘yung init ng katawan ko.
Hindi ko na makayanan ang nararamdaman ko kaya hinubad ko na ang aking mga damit at walang itinira kung hindi ang bra at panty ko. Inabot ko ang hook ng bra ko para sana tanggalin ang mga iyon nang may marinig akong malakas na mura mula sa likuran ko.
“Anak ng—ano’ng ginagawa mo, Rina?!” Patakbo niya akong pinuntahan. Hinawakan niya ang mga kamay ko pero hindi ko na talaga kaya. Sobrang init na talaga ng pakiramdam ko. ‘Di ko mapigilang maiyak sa sobrang frustration.
“Ang init-init, Luca… Please…” pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi ko alam kung anon’ng masamang ispiritu ang sumapi sa akin. Bigla ko na lang hinawakan ang mukha ni Luca at hinalikan siya.
Hindi ako marunong humalik pero nakaramdam ako ng ginhawa nang maglapat ang mga labi namin. Sa una ay pinipigilan ako ni Luca. Pilit niya akong nilalayo pero katagalan ay siya na rin mismo ang humalik sa akin at umabot pa iyon nang sobra pa kaysa sa halik.
“Hmmn… Hindi ko alam na aggressive ka pala,” tudyo sa akin ni Kyros. I can hear the smile from his statement.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin at bahagyang inirapan. Hindi pa ako nakontento kaya siniko ko siya sa tiyan. Pero imbes na umaray ay tumawa lang si Kyros.
Noong hindi ako sumagot ay nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. “Hindi na ba nasundan ang mga pagkakataong iyon?” aniya sa seryosong boses.
“Nope,” popping the p. Napatingin ako sa mga bulaklak na naroroon. Ang ganda talaga ng pagkaka-lay-out ng lugar na ito na naging tambayan na namin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang. Nang sinilip ko ang mukha ni Kyros ay nakangiti siya na para bang ang sayang-saya niya. Pero nong mapansin niya akong nakatingin sa kanya ay pilyo siyang ngumisi at pinisil nang mahina ang ilong ko. I shrugged. Baka guni-guni ko nga lang.
“Naging busy na kami sa paghahabol ng mga projects dahil graduating na kami noon. Masaya pa kami habang nagpaplano ng mga gagawin namin sa college, kung saan kami papasok. Kaso after graduation, bigla na lang siyang nawala. Doon ko rin nalaman na buntis na pala ako,” pagpapatuloy ko. I fake a laugh. “Just imagine kung gaano na-disappoint si Mommy sa akin dahil sa nangyari. Though Dad didn’t really say anything pero alam mo ‘yong wala nga siyang sinasabi pero I could feel how disappointed he was. At the age of 18, I’m already a mother.”
“But you turned out to be a great mother. Itinaguyod mo si Sabri nang mag-isa–”
“And that’s all because of you.” Nilingon ko siya ulit at nginitian. “Kung hindi mo ako tinulungan nang mga panahong iyon, I don’t even know what will be the end of me.” I placed my face on his chest. Niyakap naman niya ako nang mahigpit.
“Paano na lang kaya ako, ano kung makahanap ka na ng makakasama sa habang buhay?”
“Hindi mangyayari ‘yon.”
“Paano ka naman makakasiguro? Wala ka naman sigurong balak maging single habambuhay?” Tiningala ko siya at tinaasan ng kilay.
“Of course, wala namang taong ayaw magkaroon ng sariling pamilya. And to tell you honestly, I’ve been in love for so long. Manhid ka lang talaga at ‘di mo napansin iyon.”
Kinunutan ko siya ng noo. Si Kyros, inlove?! Who’s the lucky woman? Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman kong may kirot akong naramdaman. I cough. “Sorry, naman kasi. Paano ‘yan? Palagi tayong magkasama, paano ka pa makakadiskarte sa kanya?”
“Hay nako… Naturingan kang matalino pero ang dense mo,” aniyang parang naiinis na sa akin. Napakamot pa siya sa noo niya at umiling-iling. “‘Wag na nating pag-usapan. Sa susunod sisiguraduhin ko nang hindi na siya magiging manhid,” aniyang matiim na nakatingin sa akin na para bang nanggigil.
Teka ba’t parang sa akin siya napipikon? Ako ba ang tinutukoy niya?