Kung hindi ko pa narinig ang tawag ni Inay kanina sa ilog baka tumugon na rin ako sa halik na yun. Mabuti na lang at naitulak ko agad siya kanina bago pa kami makita ni Inay. Pero hindi nakaligtas sa kanya na makita niya kaming basang-basa. Mabuti na lang din at mabilis akong nakapag-isip ng dahilan. Ngunit hindi ko alam kung bumenta ba yun kay Nanay. Sana nga lang talaga dahil kung hindi at alam niyang si Lawrence ang boyfriend ko ngayon ay baka makatikim ako ng kurot sa singit sa unang pagkakataon. Pagkatapos ng nangyari kanina ay umalis na rin siya at tinuloy ko ang maghapong paglalaba. Tinulungan ako ni Inay kaya madali kaming natapos. Andito ako ngayon sa kwarto at nagpapahinga. Sobrang sakit kasi ng likod ko sa kaka-kuskos ng damit. Bigla ko tuloy naalala si Pookie. Kumusta na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books