“Tanya sandali!” Tawag ko sa kanya. Hindi pa rin niya ako nilingon kaya hinablot ko na ang braso niya. “Pwede bang mag-usap muna tayo? Kukutusan kita diyan eh!” Inis na singhal ko sa kanya. Kung makapag walk-out kasi akala mo ikinaganda niya! “Hindi ako galit gusto ko lang umuwi na marami pa kasi akong gagawin bukas.” Paliwanag niya sa akin. “Hindi ka galit, eh bakit umiiyak ka?” “Napuwing lang ako.” Pagdadahilan niya na hindi nakalusot sa akin. Pinagsingkitan ko siya ng mata. “Okay, nasasaktan ako kaya ako umalis. Pero hindi ako galit sayo. Galit ako sa sarili ko dahil mahal ko ang lalaking minamahal ang kaibigan ko.” Pag-amin niya. Hindi ko tuloy maiwasan masaktan dahil sa sinabi niya. Kahit hindi ko pa naman talaga alam kung paano magmahal at masaktan kagaya ng nararamdaman niya.