CHAPTER 3

2139 Words
 TYRONE BLEW a loud breath before entering the night club. Pagpasok niya sa loob ay agad niyang nakita ang mga co-agents niya at mga pulis na nakasibilyan at nag-oobserba sa paligid. May misyon sila ngayon sa night club na 'to. May tip sa kanila ng isang concerned citizen na may mangyayaring transaction ng drugs sa night club na kinaroroonan nila ngayon kaya agad silang kumilos para huliin ang mga sangkot. Nang mapansin siya ng isang agent at tinanguan siya nito. Tyrone also nod his head in response. Hinawakan niya ang earpiece na nasa kaniyang tenga. "We're all in position." He said. Narinig niya ang mabilis na pagkatipa ng keyboard sa kabilang linya at may nagsalita. "I can see. Okay, let's rock and roll this night, baby!" Nasa van ito na nakaparada sa labas ng night club. Natawa si Tyrone. "Agent Lex, hindi lang ako ang nakakarinig sa mga sinabi mo. Baka pagkamalan nilang may gusto ka sa akin." Nakangisi niyang saad. Gusto niya lang asarin ang kaibigan. "f**k you, Agent Tyrone!" Malutong na mura ni Agent Lex sa kaniya na ikinatawa lang niya. "Love you too, babe." Pang-aasar ni Tyrone. "Tyrone De Fazzio! Kung ayaw mong isumbong kita kay Tita Eden na nabaril ka sa huli mong misyon! Tumahimik ka diyan!" Inis nitong sabi. Narinig ni Tyrone ang pagtawa ng ibang agents mula sa kani-kanilang linya. Tumingin si Tyrone sa mga agents na nasa paligid at nakita niya ang pag-iling ng mga ito. Mukhang nasanay na ang mga ito sa kanila ni Agent Lex. Well, palagi kasi silang nagbabanyagan. Napailing si Tyrone. "Ikaw ang nagsimula tapos ngayon ikaw 'tong napikon. Pero huwag mong sasabihin kay mommy ang nangyari sa huli kong misyon, sinasabi ko sa 'yo, Agent Lex, kakatayin kita ng buhay." "Kung makakatay mo ako ng buhay." Magsasalita pa sana si Agent Tyrone pero may biglang sumabad sa usapan nila. "Kids, tama na 'yan. Focus on your mission." Sabad ng Director ng SPECIAL SECURITY AND INVESTIGATIVE AGENCY o SSIA, si Director David Macaraeg. Ang dating Boss rin ng kaniyang Mommy Eden. Napailing na lang si Tyrone at tumingin sa paligid. Napangiwi siya sa mga nakita. Inaasahan niya na ito. May mga babaeng sumasayaw sa stage, strippers. Napaubo si Tyrone ng malanghap niya ang usok ng sigarilyo ng taong dumaan sa harapan niya. Tinakpan niya ang ilong niya gamit ang panyo. "Damn!" Mahina niyang mura. "Kaya ayaw kong nagpupunta sa ganitong lugar. "Maghanda na kayo." Utos ng Director. When Tyrone's phone rang. Agad niyang tinignan kung sino ang tumatawag. Mom's calling... "Mom?" "Hi, anak. Nasaan ka?" Tanong ng kaniyang ina. Tumikhim si Tyrone. "Nasa misyon po ako, Mommy." "Ganoon ba? Makakauwi ka ba ngayon?" Tumingin si Tyrone sa wrist watch na suot. "Baka bukas na po ng umaga ako makakauwi, Mommy. Pasensiya na po." "Umuwi kang walang sugat, okay?" Malambing na saad ng kaniyang ina. Tyrone smiled. "Opo, Mommy." "Pero teka, anak, bakit parang ang ingay diyan?" Ani ng ina. Napatikhim si Tyrone. "Alam ko kung nasaan ka." Biglang sabad ng kaniyang Daddy Bryce. Napangiwi si Tyrone. Kilala niya ang ama, naikwento nito na palagi itong nagbabar hopping noon at mukhang alam na nito ang mga ingay na sinasabi ng ina. He cleared his throat. "Misyon po 'to, Dad." "Mabuti kung ganoon. Mag-ingat ka." "Yes, Dad." "Bye, 'nak." Paalam ng kaniyang ina. "Bye, Mom, Dad. Goodnight." Pinatay niya ang tawag at napailing. Kapag nalaman ng kaniyang ina na nasa isang night club siya. Naku! Paniguradong patay siya rito. Ayaw nitong nagpupunta siya sa mga ganitong klaseng lugar. Pero misyon naman 'to 'di ba? So exempted 'yon. "Agent Tyrone, mukhang nasa VIP room sila." Sabi ng chief of police ng makalapit ito sa kaniya. Tumango siya. "We will trap them, chief." "My men are all in position." Sabi nito. "Okay, chief. Let's finish this." Gusto na niyang umuwi. May dumaan na waiter sa harapan niya at nakilala niya kung sino 'yon, isa sa mga co-agents niya. Sinundan niya ito at tumigil ito sa tapat ng isang pinto na may nakasulat na 'VIP' sa labas. Pumasok ang waiter sa loob at nanatili naman siya sa labas. Sumandal siya sa gilid ng pinto at tinignan ang kaniyang wrist watch, pinalipas niya ang isang minuto bago niya sinenyasan ang mga kasamahan niya. Nagsitaguan naman ang mga ito. Tyrone knocked at door before he pushed to open. Pagpasok niya, napatingin sa kaniya ang lahat at tumutok ang baril ng mga ito sa kaniya. Pero nanatili siyang kalmado. Tinignan niya ang dalawang attache case na nasa mesa. "Who are you?!" Tanong sa kaniya ng lalaking nakaupo sa pangisahang sofa. Ngumisi siya. "Agent Ty. Nice to meet you all." Bago pa man makakilos ang mga ito, mabilis niyang binunot ang baril niya na nasa kaniyang likuran at tinutukan ang mga ito. Doon naman nagsipasukan ang mga kasamahan niya. "What the meaning of this?!" Galit na tanong ng isang banyaga. Tyrone shrugged his shoulder and answered, "this is a raid, idiot." Mabilis na kumilos ang daliri niya para kalabitin ang gatilyo ng baril niya. Binaril niya ang isang tauhan ng banyaga na tangkang babaril sa kaniya. Nagulat naman ang iba lalo na ang nga kasamahan niya. "Sorry." He said. "Inunahan ko lang." Napailing ang ibang agents. "This is a successful raid." Ani ng chief of police. "And we can't do this without the help of SSIA. Please send my regards to Director David." Tumango si Tyrone. "Yes, Chief." Tinapik siya sa balikat ng hepe bago nito inutusan ang mga kasamahan nito na dalhin na sa kulungan ang mga nahuli nila. Lumabas na rin siya ng night club at pumunta sa close van na nakaparada. "Here." Pagsalubong sa kaniya ni Agent Lex sabay abot ng soda. "Thanks." He said. "Let's go. Kailangan pa nating magreport kay Boss." Aya ni Agent Lex. Tyrone drink his soda and nodded. "Let's go." Sabay silang lumabas ng club na 'yon at pumunta sa kanilang sariling sasakyan. Agent Lex ride on his red ducati while him, the black ducati. He loves black. The ducati was a gift to him, it's from his dad. After puting his helmet, he mounted on his motorcycle. Pinaandar niya ito at pinaharurot, pabalik sa SSIA Headquarters. Pagkatapos magreport si Tyrone sa kaniyang Director. Umuwi na ito at pagdating niya sa kanilang bahay, mag-uumaga na. At nadatnan niya ang kaniyang mga magulang sa sala at nag-uusap. "Good morning, Mom, Dad." Bati niya sa mga ito. "Morning, anak. Magpahinga ka na." Ani ng ina. "Yes, Mom." Humalik siya sa pisngi nito. "You look tired." Tumingin siya sa ama. "Kinda, Dad." Napailing ang ama. "Mukhang kailangan kong kausapin si Director David para hindi ka niya bigyan ng misyon sa gabi. Nawawalan ka na ng maayos na pahinga." Ani ng ina. "It's okay, Mom." Tyrone said. "Parang hindi mo 'yan gawain noon, ah, Eden. Ganiyan ka rin naman noon." Sabad ng kaniyang ama. Tinignan ng ina ang kaniyang ama ng masama. "May problema ka ba?" "Wala naman, Hon. Sinasabi ko lang." Mabilis na sabi ng ama at hinalikan nito ang kaniyang ina. Napailing na lang si Tyrone sa nakikita. "Mom, where's my son?" "He's readying to go to school." His mom answered. "Okay. I'll wait him here. Ihahatid ko muna siya bago ako magpahinga. Nangako akong ihahatid ko siya ngayon." Aniya. "Ako ng maghahatid sa kaniya, anak. Magpahinga ka na lang." Prisinta ng ama. Umiling siya. "I promised to my son, Dad." "Daddy!" As if cue, his eight year old son, Edzel, descending at the staircase. "Hi there, kiddo." Bati niya sa anak. Pagkalapit nito, yumakap ito sa kaniya. "I miss you, Daddy." "I miss you too, kiddo." He chuckled. Ginulo niya ang buhok nito. "Daddy, don't mess my hair." Reklamo ni Edzel. Tumawa lang naman si Tyrone. "Let's go." "Bye po, Mama, Papa." Paalam ni Edzel sa Lola at Lolo nito. His son call them 'mama' and 'papa', ayaw kasi ng mga magulang niyang tinatawag ang mga itong 'lolo' at 'lola' dahil pakiramdam ng mga ito mas lalo silang tatanda. "Behave in school." Bilin ni Eden sa bata. "Yes, Mama." "You told me last night that you have exam today. Our deal, don't forget it." Sabi naman ni Bryce sa apo. Tumaas ang kilay ni Tyrone sa narinig habang si Eden, napailing. Edzel grinned. "Yes, Papa. I'm sure I will get high score in my exam today. We reviewed last night." Isa lang ang pumasok sa isipan ni Tyrone at naintindihan niya ang pinag-uusapan ng mag-Lolo, katulad rin sa kaniya noong bata pa siya. Kapag napeperfect niya ang exam, his dad always give him reward. At mukhang ganoon din ang ginagawa ng ama niya sa anak niya. But that's okay. Tyrone smiled. "Let's go, Edzel." "Yes, Daddy." "Alis na kami, Dad, Mom." Paalam niya sa mga magulang. "Be safe." Sabi naman ng mga ito. Nauna ng lumabas si Edzel at pumunta sa kotse. Nakasunod lang naman siya sa anak. Habang nakatingin siya kay Edzel, his son is growing up. Parang kailan lang na sanggol pa lang ito. He sighed. Pinagpasalamat niya na lang na mayroon ang kaniyang mga magulang para alalayan siya noon hanggang ngayon. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa kaniya lalo na sa anak niya kapag busy siya sa trabaho pero syempre first priority niya ang anak. Naalala niya ang ina ni Edzel. Napailing si Tyrone. It's been a long time. Ayaw na niyang alalahanin pa ang babaeng 'yon. It's her own choice at hindi niya ito tinulak para gawin ang bagay na 'yon. Hiwalay na sila ng ina ni Edzel kaya wala na siyang pakialam pa sa babaeng 'yon. At isa pa hindi naman sila kasal. Sumipot nga noong kasal nila pero iniwan naman siya sa ere. Edzel doesn't even ask his mom so he don't have any worry. His son knows about his mom. And Edzel know what was the reason why he didn't saw his mom while he's growing up. Ang kailangan niyang pagtuunan ngayon ng atensiyon ay ang anak niya. Lumalaki na ito at kailangan niya itong gabayan. At tinutulungan naman siya ng magulang niya. Tyrone opened the car's door and stepped inside. He started the engine and glanced at his son. "Goodluck in your exam today. I'll give you a reward once you will have a perfect scores in your exams." He said and slowly drive the car. "Pwede ko po bang hingin ang reward?" Edzel asked. "Anything." Edzel smile. "Let's have a bonding, Dad, together with Mama and Papa." Tyrone smiled to his son's request. "Sure, kiddo, this weekend." "Promise?" He smiled and messed his son's hair. "Promise." At pinaharurot niya ang kotse pagkalabas nila ng De Fazzio's compound. Hinatid niya sa school si Edzel. "I'll pick you up this afternoon." Aniya. "Yes, Dad." Nag-apir silang dalawa. Nang makapasok si Edzel sa gate. Tyrone started the engine and drove to go back home. He needs to rest. Wala siyang pahinga mula pa kahapon dahil sa misyon na ginawa nila kagabi. He cracked his neck and drive fast. Nang mabalik siya sa mansyon. Kaagad siyang nagtungo sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama. Kaagad na nakatulog si Tyrone at hindi na nakakain ng agahan. Napailing naman si Eden habang nakasilip sa pinto. Hinayaan na lang niya ang anak na magpahinga at hindi na ito inabala. Gigisingin na lang niya ito mamayang tanghali para kumain. Eden sighed. Tyrone work very hard and very dedicated to his work being a secret agent. Tama ang sinasabi ng asawa niya. Namana ni Tyrone ang pagiging dedikasyon niya noon sa trabaho bilang isa ring secret agent. Isinara ni Eden ang pinto ng kwarto ni Tyrone at bumaba sa sala. "Aalis ka na?" Tanong niya sa asawa ng makitang kinukuha nito ang susi sa fish bowl na nasa center table. Tumango si Bryce at hinalikan siya sa nuo. "Get some sleep. Napuyat ka kagabi kakahintay kay Tyrone." "Hmm..." Ngumiti si Bryce at umalis na. Umupo naman si Eden sa sofa at nangalumbaba. Since Cherry left Tyrone in the middle of their wedding. Tyrone cried and he always drink liquor. Thankfully, after few months, nakapag-isip rin ang anak niya. Ibinuhos ni Tyrone ang atensiyon nito sa trabaho at wala ng ibang inisip kung hindi ang trabaho. Then Edzel came, naging mabuti namang ama si Tyrone kay Edzel. Tyrone change when Edzel came into their life. Edzel was like a blessing for all of them. Napailing si Eden. Sana lang makatagpo si Tyrone ng babaeng tunay na magmamahal rito. Hindi katulad ni Cherry na iniwan ang anak niya sa kalagitnaan pa naman ng kasal ng mga ito. Wala na silang naging balita kay Cherry at hindi na nila alam kung nasaan ito. Hindi na rin binanggit pa ni Tyrone ang pangalan ni Cherry and they didn't dare to bring it up also. Sana lang huwag ng bumalik pa si Cherry dahil baka magulo lang ang buhay ni Tyrone at Edzel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD