bc

The Husband's Last Will

book_age18+
8.4K
FOLLOW
32.1K
READ
family
aloof
drama
tragedy
bxg
female lead
office/work place
weak to strong
lonely
wife
like
intro-logo
Blurb

#This is the SECOND GENERATION of My Wife is the Secret Agent.

We know that after dark there is light that will shine upon us and fade the dark away.

In an accident, that was the beginning.

He came into your life , you didn't expect.

He was always there to protect you and doing everything for you.

You fell inlove with him and so as he to you.

You two got married and have a happy family after that.

But in a marriage life there are always challenges.

Unexpected things will happen.

You wish that you can pull back the time but you know you can't do that and never will.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
                MULA SA BINTANA ng kwarto, sumilip ang kinse anyos na dalagita. Nakita niya ang pagdating ng ama kasama ang mga tauhan nito at may kaakbay pa itong babae. Hindi maiwasan ni Honey ang makaramdam ng awa para sa kaniyang ina. Alam niyang iiyak na naman ito dahil may inuwi na naman ang kaniyang ama na babae. And that woman look's slutty in her dress. Napabuntong-hininga si Honey at isinara ang kurtina. Umupo siya sa study table. Mag-aaral na lang siya kaysa ang lumabas ng kwarto at makarinig na naman ng hindi kaaya-ayang ingay. A noise that will came from her father and his woman and the noise came from his men. Simula ng magka-isip siya, ganito ang nangyayari sa bahay nila. Marami sa kaniyang mga kaklase ang naiingit sa kaniya dahil mayaman sila at nabibili niya ang lahat ng gusto niya pero hindi alam ng mga ito ang totoong dahilan at kung saan nagmumula ang mga perang ibinibigay ng ama sa kanila. Alam niyang isang masamang tao ang kaniyang ama. May mga illegal itong negosyo at paiba-iba ang nga babaeng iniuuwi nito sa kanilang bahay. Minsan ay hindi maiwasan ni Honey ang makaramdam ng inis sa sariling ina. Nagpapaka-martir ito para sa kaniyang ama sa hindi niya alam na dahilan kahit pa sinasaktan na ito ng huli. Napalingon si Honey sa pinto ng kwarto ng may kumatok doon. "Come in. Bukas po 'yan." Bumukas ang pinto. "Anak, hindi ba ako nakaistorbo sa 'yo?" Tanong ng kaniyang ina. Umiling si Honey. "Hindi po, mommy. Pasok po kayo." Her mom smiled and gently closed the door behind her. "Pwede bang dito na muna ako, anak?" Tanong ng kaniyang ina at umupo ito sa kama. "Pwede po. Okay lang po ba kayo?" Tanong ni Honey. Ngumiti ang kaniyang ina. "Oo naman, anak. Huwag mo akong alalahanin." Honey stared to her mom. Kahit nakangiti hindi naman abot hanggang mata ang ngiti nito. "Mommy, huwag na po kayong ngumiti kung hindi rin lang kayo masaya." Sabi ni Honey at hinarap ang aklat na binuklat niya kanina. "Pasensiya na, anak. Nasanay kasi ako." Napailing si Honey. "Kung bakit naman kasi kayo nagpapaka-martir kay daddy? Sinasaktan niya lang kayo, hindi lang ang damdamin niyo kundi pati pisikal na rin." Isinara ni Honey ang aklat ng malakas at itinapon ito sa kama. Wala siyang gana para mag-aral. She couldn't focus. "Sometimes, Honey, we need to smile even if we didn't meant it. At anak, mahal na mahal ko ang daddy mo." "Kahit sinasaktan niya kayo?" "Oo, anak. Mahal ko ang daddy mo at hindi ko siya iiwan. Malay mo makapag-isip siya at magbago. Balang araw maiintindihan mo rin ako. Maiintindihan mo rin ang mga ginagawa ko kapag nagkaroon ka na ng asawa at magkapamilya." Nahilot ni Honey ang sentido at napailing. Magbabago daw ang ama niya. She doubt that. Puno ng frustrasyon na napabuga siya ng hangin. Sa nakikita niyang pinagdadaanan ng kaniyang ina sa kaniyang ama, natatakot si Honey. Other's says, not all men are the same. Pero ewan ba niya. She's scared. "Mommy, wala ng pag-asa pang magbabago si daddy. Nakikita niyo naman ang mga ginagawa niya ngayon. Wala na siyang kasingsama. Marami na ang mga kabataang nasira ang buhay dahil sa droga at nagpapasalamat ako na hindi ako isa sa kanila. Iniisip ko pa rin kung ano ang mas makakabuti sa akin at ayaw kong dagdagan pa ang mga alalahin ninyo." "Maraming salamat kung ganun, anak. Napalaki kita ng maayos. At sana huwag kang tutulad sa 'yong  daddy na gumagawa ng mga masasama para lang sa pera. Tandaan mo, hindi pera ang mahalaga sa mundo. Walang halaga ang pera kung hindi mo ito pinaghirapan." Sabi ng kaniyang ina. Honey just nod her head. Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang mag-ina. Pinaikot ni Honey ang upuan para harapin ang ina na ngayon ay nakahiga sa kama at nakaharap sa kaniya. Nakapikit ang mga mata nito. "Mommy?" Tawag niya. "Mommy?" Napabuntong-hininga si Honey at hinayaan na lang ang ina na makapagpahinga. Napagdesisyunan niyang lumabas ng kwarto para magtimpla ng gatas sa kusina. Pero hindi pa man siya nakakababa ng hagdan, rinig na niya ang tawanan ng mga tauhan ng ama sa sala at nag-iinuman mga ito. Lagi naman, eh. "Teka, Manny, nasaan si boss?" Tanong ng tauhan ng ama sa kasama nito. "Malamang nagpapaligaya 'yon ngayon. Hayaan niyo na si Boss, mag-inuman na lang tayo!" Hindi na itinuloy ni Honey ang pagpunta sa kusina. Isa pa ang mga tauhan ng kaniyang ama. Pera lang ang mahalaga sa mga ito. Bumalik na lang siya sa kwarto at tumabi ng higa sa kaniyang ina. Napatitig si Honey sa kisame. Umaasa ang ina na magbabago pa ang kaniyang ama pero para sa kaniya ay hindi na ito magbabago pa.                     KAGAGALING lamang ni Honey sa paaralan nang madatnan niyang nagtatalo ang kaniyang mga magulang sa kanilang bahay. "Bakit mo ba kasi ako pinakikialaman? Pera ko ang mga ginagamit ko sa mga babae ko kaya wala kang karapatan na magsalita! Tumahimik ka na lang, Harlene, bago pa kita masaktan!" Itinaas ni Arnold ng kamay para sampalin ang asawa. "Sige! Sampalin mo ako! Diyan ka naman magaling di'ba?! Ang saktan ako!" Sigaw ni Harlene. Malakas na dumapo ang kamay ni Arnold sa pisngi ni Harlene at napaupo ito sa sofa sa lakas ng sampal ng asawa. Mabilis na dinaluhan ni Honey ang ina. "Mommy, okay lang po kayo?" Tumingin si Honey sa ama. "Tama na po, Daddy. Maawa naman po kayo kay mommy." Dinuro sila ng ama. "Sinasabi ko sa inyong dalawa, huwag niyo akong pakialaman. Magsama kayong mag-ina!" Umalis si Arnold at lumabas ng mansyon. Kumuyom ang mga kamay ni Honey. Kinalma niya ang sarili at niyakap naman ni Honey ang ina na tahimik na umiiyak. "Mommy ... tahan na po." "Anak, h-hindi ko alam kung kaya ko pa 'to." Hinagod niya ang likod ng ina at hinayaan itong umiyak para mailabas nito ang sama ng loob na matagal na nitong kinikimkim. Nang tumahan ito sa pag-iyak. "Anak, halika, may ibibigay at sasabihin ako sa 'yo." Hinawakan ni Harlene ang kamay ng anak at hinila ito patungo sa pangalawang palapag ng bahay. "Ano pong sasabihin niyo sa akin?" Tanong ni Honey ng makapasok sila sa kwarto. Inilapag ni Honey ang bag nito sa study table at nakatingin lang sa ina na tinatanggal ang isang  painting na nasa dingding. Nagtaka naman si Honey. "Bakit po 'yan, mommy?" Sumulyap si Harlene kay Honey bago nito tuluyang tinanggal ang painting. Napatayo si Honey nang makita kung ano ang tinakpan ng painting. "P-pera? Mommy, bakit po may pera diyan?" Nagtatakang tanong niya. "Kakailaganin mo 'to balang araw, anak. Gamitin mo ang perang 'to para lumayo sa ama mo. Huwag kang mag-alala, hindi ito galing sa masama. Pinaghirapan ko ang mga perang 'to, mula ito sa mga negosyo ng mga magulang ko na ipinamana nila sa akin pero ang ama mo na ang namamahala at mukhang nakalimutan na niya kung sino siya noon bago pa kami magkakilala." Sabi ng Harlene kay Honey at napabuntong-hininga. "At ito," may kinuha siyang isang blue book na katabi ng pera. "Kapag nawala na ako, lumayo ka at ibigay mo ito sa alam mong makakatulong sa 'yo." "Ano po ang laman ng blue book na 'yan?" Tanong ni Honey. "Ito ang blue book na pag-aari ng daddy mo. Dito lahat nakalagay ang pangalan ng mga kasapi ng sindikatong kinabibilangan niya. Ang black dragon syndicate. Napabagsak na ito dati ng isang ahensiya pero muli itong itinayo ng ama mo. Siya ang leader ngayon ng sindikatong 'yan. Dati siyang tauhan pero ngayon ay siya na ang big boss." Napailing si Honey sa narinig. "Hindi ko akalain na ganoon na pala kasama si daddy. Ngayon hindi na po ako magtataka kung bakit marami siyang kalaban at tayo ang napagbubuntutan ng kanilang galit sa kaniya." Napabuntong-hininga si Harlene. "Hindi alam ng daddy mo na nasa akin ang blue book. Honey, anak, kapag nawala na ako, tumakas ka na dahil kahit ama mo siya hindi ka niya sasantuhin kapag nalaman niyang na sa 'yo ang blue book." Totoo ang sinabi ng kaniyang ina. Masama kung magalit ang kaniyang Daddy Arnold at talagang wala itong sasantuhin kapag ito ang nagalit. Actually, lagi nga itong galit, eh. "Ano pong mawawala? Mommy, huwag po kayong magsalita ng ganiyan." "Anak." Sinapo ni Harlene ang mukha ng anak at hinalikan ito sa nuo. "I love you, anak." "I love you too, mommy." Mahigpit na niyakap siya ng ina at mahigpit din siyang gumanti dito ng yakap.                     AKALA ni Honey ay hanggang pananakit lang ang kayang gawin ng ama sa kanilang ng kaniyang ina pero nagkamali siya. "Mommy?" Tawag ni Honey. Nagtaka siya ng hindi niya ito nadatnan sa sala pagdating niya sa kanilang bahay. "Mommy?!" Nilakasan niya ang kaniyang boses para marinig ng ina kung nasaan man ito sa sulok ng kanilang bahay. Sobrang tahimik ang kanilang bahay. Wala ang tauhan ng kaniyang ama at wala ring mga kasambahay ang naglilinis. Nasaan sila? "Mommy?!" Napabuga ng hangin si Honey at umakyat sa hagdan patungong second floor. Dumeretso siya sa kwarto ng kaniyang mga magulang. Ngunit napatigil siya ng makita ang mga pulang bakas ng sapatos. Kumabog ang dibdib ni Honey at sinundan ang bakas ng sapatos. Hindi alam ni Honey kung ano ang kaniyang gagawin ng makitang papasok sa kwarto ng kaniyang mga magulang bakas ng dugo at doon niya nakita sa pinto na may dugo rin. "Mommy?" "Mommy, nandiyan po ba kayo?" Walang sumagot sa kaniya kaya pinihit ni Honey ang doorknob at dahan-dahang itinulak pabukas ang pinto. Lumaki ang kaniyang mga mata ng makita ang kaniyang ina na naliligo sa sariling dugo. "Mommy?!" Agad na tumakbo si Honey palapit sa ina at kinanlong ang ulo nito. "Mommy, a-ano pong nangyari sa inyo? Gumising po kayo. Mommy ..." Pinulsuhan ni Honey ang ina ngunit hindi na ito pumipintig pa. Nag-uunahang tumulo ang luha ni Honey habang yakap nito ang wala ng buhay na katawan ng ina. "Mommy ..." Sinong gumawa ng ganito sa 'yo, mommy? "Magbabayad kayo!" Tumakbo palabas ng silid si Honey at bumaba ng hagdan. Nagtungo ito sa kusina at napaatras siya dahil sa nakita. Nanginig si Honey dahil sa takot at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Ang mga kasambahay, patay na ang mga ito at naliligo sa sariling dugo. "Nandito ka na pala, anak." Lumaki ang mata ni Honey at dahan-dahang pumihit paharap sa taong nagsalita. "Daddy?" Napatingin siya sa hawak nitong katana. Nababalot ito ng dugo at may pumapatak pa sa dulo ng talim nito. "Tatanungin kita, anak, isusuplong mo ba ako o mananahimik ka?" Hindi makapagsalita si Honey. "Sagot!" Biglang nanghina si Honey at nawalan ng malay pero bago tuluyang magdilim ang paningin niya. Nakita niya ang ama na nakangisi habang nakatingin sa kaniya.                     AGAD na inilibing ang ina ni Honey ngunit walang Arnold na dumating para man lang sana tignan ang bangkay ng taong pinatay nito. Pinahid ni Honey ang luha na tumulo mula sa kaniyang mata habang nakamasid sa libingan na nasa kaniyang harapan. kasalukuyan itong tinatabunan ng lupa ng mga naupahang lalaki. Tahimik na nakatingin si Honey sa libingan. Pangako, Mommy, hinding-hindi ako gagaya kay Daddy pero mula ngayon hindi ko na siya ituturing na ama kundi isang kaaway na dapat magbayad dahil sa pagpatay niya sa inyo. Pero patawarin niyo ako kung hindi ko magawa ang palagi niyong sinasabi sa akin na huwag akong magtanim ng sama ng loob. Mahal na mahal kita, Mommy. Pangako ko po sa inyo. Makukuha niyo ang hustisya sa pagkamatay niyo. Hintayin niyo po ako, Mommy. Tumalikod na si Honey at lumabas ng sementeryo. Pagkauwi niya wala ang ama at ang mga tauhan nito. This is a good timing. Sabi ni Honey sa kaniyang sarili. Dumeretso siya sa kaniyang kwarto at kinuha ang back pack niya sa closet. Tinanggal niya ang painting na nakasabit sa dingding at kinuha ang blue book na naroon at inilagay sa kaniyang bag. Kinuha rin niya ang perang naroon at ang isang bank account na may lamang malaking halaga at nakapangalan sa kaniya. Isinukbit niya ang bag sa kaniyang balikat at lumabas ng kwarto. She was praying na nasa hindi pa darating ang ama at ang mga tauhan nito dahil kapag nangyari 'yon ay siguradong patay siya. At mukhang pinakinggan ng diyos ang panalangin niya dahil nakalabas siya ng compound nila at nakasakay na siya ngayon sa taxi. Isa lang ang pumasok sa isipan niya. Ang lumayo at magtago dahil alam niyang hahanapin siya ng ama oras na malaman nito na tumakas siya. But where will she go? Honey went to a far place, far away from his father. But since then, she don't have trust to the people around her. Nagsimula na rin siya matakot sa mga taong nasa paligid niya at natatakot siyang makisalamuha. And she's hoping that someone will help her.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
65.0K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
329.0K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
60.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
173.8K
bc

His Cheating Heart

read
45.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook