NAKAYUKO lang si Tyrone habang pinapakinggan ang sermon ng mga magulang sa kaniya. Hindi naman masisisi ni Tyrone ang mga magulang kung bakit nagagalit ang mg ito sa kaniya.
"Tyrone, I know you're already in the right age but you shouldn't do that." Sabi ng kaniyang ina.
"Sorry, Mom."
"Anak naman. Dapat pinakasalan mo muna si Cherry bago niyo ginawa 'yon." Sabi pa ng kaniyang ina.
"Eden, tama na 'yan. Ako na ang kakausap kay Tyrone." Ani ng kaniyang ama.
Napailing si Eden habang nakatingin sa nag-iisa nilang anak ni Bryce. Nag-iisa na nga, may balak pa yatang magloko. "Kausapin mo ang batang 'yan." Aniya sa asawa at lumabas ng mansyon.
Napabuntong-hininga naman si Bryce at umupo sa tabi ng anak. "Son, what's your plan?"
Nag-angat ng tingin si Tyrone. "I'm going to marry her."
"Na dapat mo talagang gawin." Sabi ni Bryce at tinapik ang balikat ng anak. "Dalhin mo siya dito sa bahay para makilala namin ng mommy mo ang sinasabi mong Cherry."
Ngumiti si Tyrone. "Yes, Dad."
"And marry her bago pa lumaki ang tiyan niya." Sabi pa ni Bryce.
"Yes, Dad."
"Ako ng kakausap sa Mommy mo. Nabigla lang 'yon. Pero lalamig rin ang ulo no'n."
Natawa si Tyrone.
"Thank you, Dad. Hindi kayo nagalit sa akin." Ani Tyrone.
Ngumiti si Bryce. "You're my only son. And I'm your father. Of course, sino pa ang iintindi sa 'yo kung hindi kami ng mommy mo."
Tyrone smiled.
DINALA ni Tyrone si Cherry sa bahay nila katulad ng sinabi ng kaniyang ama para makilala ng kaniyang mga magulang ang kasintahan.
"Tyrone, kinakabahan ako. Paano kung hindi nila ako magustuhan?" Sabi ni Cherry.
"Huwag kang kabahan, Che. Mabait si Mommy at Daddy." Ani Tyrone at masuyong hinila ang kasintahan patungo sa kusina kung nasaan ang mga magulang.
Hindi pa nakikilala ng kaniyang mga magulang si Cherry at ngayon pa lang. Sana naman magustuhan ng kaniyang magulang ang kasintahan.
"Mom, Dad, we're here." Tyrone announced.
Kaagad na tumingin si Bryce at Eden sa dalawang dumating.
"Kumusta po?" Pagbati ni Cherry sa mga magulang ni Tyrone.
Ngumiti ang mga magulang ni Tyrone.
"Have a seat, Cherry. I'm Tyrone's mother, by the way, I'm Eden."
Ngumiti si Cherry.
"I'm Bryce. Tyrone's father."
Tinanguan ni Cherry ang ama ni Tyrone. Pinaghugot naman ni Tyrone ng upuan si Cherry. "Upo ka na."
"So kumain na tayo bago lumamig ang pagkain." Sabi ni Eden at tumingin kay Tyrone at Cherry. "Kailan ang kasal niyong dalawa?"
Tumango si Bryce. "Kaya nga para mapagplanuhan na natin. Cherry, gusto naming makausap ang mga magulang mo."
"Opo."
"Mom, Dad, balak naming magpakasal sa susunod na buwan." Sabi ni Tyrone.
"Pero alam na ba ito ng mga magulang mo, Cherry?" Tanong ni Eden.
Tumango si Cherry. "Opo. Alam na po nila at gusto po nilang magpakasal na kami ni Tyrone."
"Then that's good. We'll going to announce your engagement soon. So get ready. After that we will plan about your wedding. We're sorry kung makikialam kami pero bilang mga magulang niyo kailangan namin kayong gabayan." Sabi ni Bryce.
Tumango si Cherry at Tyrone. "Opo. We understand."
WEDDING DAY. Panay ang tingin ni Tyrone sa pintuan ng simbahan. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Tinapik naman ng ama ang balikat niya.
"You're nervous. Ganiyan din ang naramdaman ko nang magpakasal ulit kami ng Mommy mo." Sabi ng kaniyang ama.
Tyrone smiled. He knows the love story of his parents. Alam niya kung paano nagsimula ang mga ito. They started into an arrange marriage and they fall inlove with each other.
Huminga ng malalim si Tyrone at muling tumingin sa pinto ng simbahan.
Hindi pa rin dumadating si Cherry. Malapit na ang oras ng kasal nila. Ilang minuto na lang. Oras na ng kasal nila.
Mabilis ang t***k ng puso ni Tyrone habang inaabangan ang pagdating ni Cherry. Panay ang tingin Tyrone sa suot na relo.
Lumagpas na ang oras ng kasal nila at wala pa rin si Cherry.
"Cherry, where are you?" Tanong ni Tyrone habang panay ang tingin sa pinto ng simbahan.
"Anak, darating pa ba si Cherry?" Tanong ng ina.
Hindi sumagot si Tyrone at tinignan ang cellphone. He dialed Cherry's number but he couldn'ct contact her. Hindi na talaga alam ni Tyrone ang gagawin. Naghahalo na ang kaba at takot na nararamdaman niya.
"Tuloy pa ba?"
"Darating pa ba ang bride?"
"She's already late."
Ang mga naririnig ni Tyrone na usapan ng mga bisita nila.
"Anak, mukhang hindi na darating si Cherry." Anang ama niya.
"No, Dad. Darating si Cherry." Sabi ni Tyrone.
"But she's already thirty minutes late." Ani Bryce.
Umiling si Tyrone.
"The bride is here!"
Nakahinga ng maluwang si Tyrone ng marinig ang sinabi ng wedding organizer.
Kaagad na nagsimula ang pagmartsa ng wedding entourage. And when it's Cherry's turn, the music change. Nginitian ni Tyrone ang kasintahan. But the he can clearly see behind in her veil that Cherry wasn't happy. Kumunot ang nuo ni Tyrone.
Ang ama at ina ni Cherry ang kasama nitong naglalakad sa aisle.
Nginitian ni Tyrone ang kasintahan ng makalapit ang mga ito sa kaniya at ibinigay ng ama ni Cherry ang kamay ng dalaga sa kaniya.
"Take care of my daugther."
"I will, Sir."
Ngumiti ang ama ni Cherry at tinapik siya sa balikat.
Habang si Eden ay may napansin kay Cherry. Hindi niya lang sigurado kung ano pero may nararamdaman siyang kakaiba. Pinili na lang niyang huwag na itong pansinin dahil baka guni-guni niya lang 'yon.
The wedding ceremony starts. Until that priest say that it's time to say I do.
Cherry and Tyrone joined their right hand together.
" Do you, Tyrone De Fazzio, take , Cherry Sudalga, to be your wife, to cherish in friendship and love today, tomorrow, and for as long as the two of you live, to trust and honor her, to love her faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with her this day?" The priest said.
Pinisil ni Tyrone ang kamay ni Cherry. "I do, Father."
" Do you, Cherry Sudalga, take, Tyrone De Fazzio, to be your husband, to cherish in friendship and love today, tomorrow and for as long as the two of you live, to trust and honor him, to love him faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with him this day?"
Hindi sumagot si Cherry at nagbaba ng tingin.
"I repeat, Do you, Cherry Sudalga, take, Tyrone De Fazzio, to be your husband, to cherish in friendship and love today, tomorrow and for as long as the two of you live, to trust and honor him, to love him faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with him this day?" The priest repeat.
"I...I...I.."
Nanginginig ang kamay ni Cherry. Pinisil ni Tyrone ang kamay ni Cherry. "It's okay."
"I...I...I...Tyrone, I..." Tumulo ang luha ni Cherry.
Nagkatinginan naman ang mga bisita.
"I repeat, Do you, Cherry Sudalga, take, Tyrone De Fazzio, to be your husband, to cherish in friendship and love today, tomorrow and for as long as the two of you live, to trust and honor him, to love him faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with him this day?" The priest repeat for the second time.
"I...I...I d-don't..." Sabi ni Cherry. Napasinghap naman ang mga bisita. "I'm sorry, Tyrone."
"B-bakit?" Halos pabulong na lang na lumabas ang boses ni Tyrone.
Humikbi si Cherry. "I'm sorry pero ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko mahal."
Nabitawan ni Tyrone ang kamay ni Cherry na hawak niya.
"I'm so sorry." Sabi ni Cherry bago siya nito tinalikuran at naglakad palabas ng simbahan.
Kaagad naman na lumapit si Bryce at Eden kay Tyrone.
"Tyrone..."
Hindi makapaniwalang napailing si Tyrone.
"BRYCE, anong gagawin natin? Ganito na lang lagi ang ginagawa ni Tyrone. Palagi na lang siyang naglalasing." Sabi ni Eden habang nakatingin kay Tyrone na umiinom.
Napabuntong-hininga naman si Bryce. "Hayaan mo na lang siya. Titigil din 'yan. We need to understand him. Iniwan siya ni Cherry sa mismong araw ng kasal nila."
Napabuga ng hangin si Eden. "Masyado niyang minahal ang babaeng 'yon."
"Hindi mo siya masisisi. Hindi naman niya alam na iiwan siya ni Cherry sa ere." Sabi ni Bryce at nilapitan ang anak. "Tyrone, tama na ang paglalasing mo."
"Dad, ang s-sakit...s-sakit..."
Bryce sighed. "Lilipas din 'yan, anak. Ganun lang talaga sa una."
"M-mahal ko siya, Dad. Pero bakit niya ako iniwan?"
Hindi na nagtaka si Bryce ng makitang tumulo ang luha ni Tyrone. Tinapik ni Bryce ang balikat ni Tyrone. "Tama na ang pag-inom mo. Masama 'yan sa kalusugan. Magpahinga ka na."
Umiling si Tyrone. "No, Dad."
Lumapit naman si Eden at niyakap si Tyrone. "Anak, tama na ang paglalasing mo. Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit niyan. You can cry, that's okay. We understand you but bear in mind, she doesn't deserve it. Hindi mo dapat siya iniiyakan."
"Mahal ko siya, Mom."
Eden sighed and she looked at her husband. Umiling lang naman si Bryce. "Hayaan muna natin siya. Makakapag-isip din 'yan."
Tumango si Eden at hinayaan si Tyrone na umiyak hanggang sa makatulog ito. Matinding magmahal si Tyrone, namana nito ang katangian na 'yon kay Bryce.
AFTER ONE YEAR. Tyrone finally moved on. He kept himself busy in his work at the Special Security and Investigative Agency. Itinutok niya doon ang buo niyang atensiyon hanggang sa makalimutan niya si Cherry. Hindi nga rin niya alam kung bakit mabilis siyang nakapag-move on. Pero mabuti na rin 'yon.
Paguwi niya sa kanilang mansyon pagkagaling niya sa trabaho. Nadatnan niya ang mga magulang na nasa living room at nag-uusap. His mom is not an agent anymore. Hindi na kasi pumayag ang ama na pumasok pa sa agency ang kaniyang ina.
"Mom. Dad." Bati niya sa mga ito.
"You're finally here, son." Ani ng ama.
Tumango si Tyrone. "Mukhang seryoso po ang usapan ninyo." Aniya at umupo sa sofa.
"We're just talking about the company. Anyway, how's your work?" Tanong ng ama.
Nagkibit ng balikat si Tyrone. "I'm good. Enjoy actually."
"Your enjoying catching criminals." Naiiling na sabi ng ama.
Natawa si Tyrone at sumandal sa sofa. "Bakit, Dad? Hindi niyo po ba nasubukan?"
"Never."
Tumawa si Eden. "Takot ka lang."
Tyrone chuckled. "Aminin, Dad."
Bryce tsked. "Huwag niyo nga akong pag-isahan."
He and his mother both chuckled.
"Sir Bryce, may kailangan po kayong makita." Nagmamadaling sabi ng security guard na pumasok sa mansyon.
Kumunot ang nuo ni Bryce. "Ano ang kailangan kong makita?"
"Eh, nasa labas po."
Napailing si Tyrone. "Ako na lang, Dad." Aniya at sumunod sa guard.
Lumabas silang dalawa ng gate at natigilan ng makita ang isang basket na nasa gilid gate.
"Ano 'yan?" Tanong ni Tyrone at nilapitan ang basket.
"Tignan niyo po, Sir." Sabi ng guard na mukhang natataranta.
"Ano ba kasing---" napatigil sa pagsasalita si Tyrone ng makita kung ano ang laman ng basket.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita ang sanggol na mahimbing na natutulog.
Napalubok si Tyrone at nanginginig ang kamay na kinuha ang papel na nasa gilid ng basket.
'He will be safe in your care. Please take care of him. I can't be a mother to him. I'm sorry.'
-Cherry
Malakas na kumabog ang dibdib ni Tyrone habang paulit-ulit na binasa ang sulat. Palipat-lipat ang tingin niya sa sulat at sa sanggol. Hindi makapaniwalang natawa si Tyrone.
"Is this some kind of joke?" Napailing siya.
Tinignan niya ang sanggol. Kusang gumalaw ang katawan ni Tyrone para kunin ang sanggol sa kinalalagyan nito at kinarga. Tyrone felt an unexplainable emotion that he felt that time. Napatitig si Tyrone sa sanggol. The baby smiled.
"My son..."