THEY arrived at the location at exactly six in the evening. Nasa isang liblib silang lugar na walang masyadong nakakapansin. Nakaparada ang van nila hindi kalayuan sa compound. Walang masyadkng sasakyan ang dumadaan sa lugar at wala ring kabahayan sa malapit. Halatang sinadya na ipinatayo ang compound sa isang liblib na lugar para walang makapasin. They put their earpiece. Naunang lumabas ng van si Tyrone. Bababa na sana ang mga kasama niya nang pinigilan niya ang mga ito. "Stay here." Sabi niya sa apat. "Of course." Sabi ni Agent Lex at bumalik sa loob ng van. "I will be your guide." Anito habang nakaharap at abala sa pagtipa ng keyboard ng laptop nito. Nagkatinginan naman sina Agent Ash, Agent Aid at Agent Dan. "Ako na lang ang papasok sa loob." Sabi ni Tyrone. "Pero..." "I promis