NAGISING si Honey na masakit ang ulo niya. Sapo niya ang ulo habang bumabangon siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Ang tanging naaalala niya lang ay pumasok siya sa mini bar ng mansyon at uminom then wala na siyang maalala. Nagtataka siya kung paano siya nakarating sa kwarto niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan niya at uminom siya. Basta ang gusto niya lang ay makalimutan ang iniisip niya. Si Tyrone ba ang nagdala sa kaniya sa kwarto niya? Sino pa nga ba? Ito lang naman ang malapit sa kaniya na narito sa mansyon. Nakangiwi si Honey habang sumasandal sa headboard ng kama. Sana lang wala siyang ginawang nakakahiya kagabi. Nang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Tyrone. "Gising ka na pala." Anito. "Good morning." Bati nito. Napabuga ng hangin si Honey