CHAPTER 30 MABILIS DUMAAN ANG ARAW AT LINGGO. Natapos na rin ang semestral break at excited na ang kambal dahil magagamit na nila ang kanilang kotse na regalo ng kanilang ama. Si Gwen ang mag-drive papuntang school then pauwi ay si Garrie na naman ang siyang magda-drive Tunog ng alarm clock ang gumising sa kambal. alas-sais na ng umaga nang magising ang mga ito. Nine o’clock ng umaga ang klase ni Gwen samantala ten o’clock naman ang kay Garrie. Sabay na rin itong naligo. Nasa shower si Garrie at nasa tub naman si Gwen. syempre mas maarte ito sa kanya. Halos magkasunod lang ang dalawa na lumabas galing ng banyo nang biglang nagsalita si Garrie. “Sis, Ano bang nangyari sayo kanina? Umuungol ka kasi e,” curious na tanong ni Garrie sa kanya. “Huh? Kailan?” nakakunot niya din na tanong