CHAPTER THIRTY-ONE NASA KANYANG PRIBADONG studio pa rin si Reid habang minamasdan ang mga pictures ng dalaga. Dahil sa pangyayari sa nakaraan ay mahirap para sa kanya na kumbinsihin ang sarili na muling bumalik sa dati. Ang dating masigla, masayahin at ang kulit side niya. Ilang ulit ng nagkrus ang kanilang landas ng dalaga saka may pagkakataong hindi mawala sa kanyang isipan ang nangyari noong isang araw. Nakabangga at muntik nitong mahalikan ang dalaga. Papunta siya ng library nang biglang merong papalapit na isang magandang binibini. Hindi ito tumitingin sa kanyang dinadaanan ng bigla itong na-out balance na dahilan nabangga niya si Reid. Hindi kumukurap ang binata habang nakatitig sa magandang mukha ni Gwen. Animo meron tumutulak sa kanya na ilapit ang kanyang mukha para mahalikan