CHAPTER 29 SA PAGLIPAS NG PANAHON ay naging maayos din ang lahat sapagkat sa huli pinatunayan nila ang tunay na pag-ibig ang siyang mananaig. Lumipas ang buwan at taon ay naging maayos at muli silang magkasamang buo. Binigyan ng second chance ang isa’t-isa at hindi naman yun sinayang ni Ethan Sa katunayan naging daan yun upang mabuo nila si Maxie. Naiyak sila ni Garrie nung may sinabi si Margaux sa kanila. "Alam niyo mga anak, may takot ako na baka maulit muli ang nangyari sa amin ng Daddy niyo. Either maging kabit o lolokohin lang kayo ng maging asawa nyo. Natatakot ako baka maging kabayaran kayo sa ginawa ng ama niyo sa akin," Naluluha na din si Margaux kaya niyakap nila ito ng mahigpit hanggang lumapit si Kuya Raffy na nagtataka kung bakit kami umiiyak. "Naku! Mukhang madrama yata