Chapter 2
3rd Person's POV
Buong byahe halos hindi makahinga ng ayos si Wise dahil nasa likuran niya si Sebastian at ramdam na ramdam niya ang init ng katawan ng binata tuwing nagkakadikit silang dalawa.
Napapasinghap pa ito madalas lalo na tuwing may bababa at magdidikit silang dalawa.
Nang makarating sila sa school naunang bumaba si Wise kasunod si Sebastian na bahagyang inayos ang buhok at ang dala nitong bag.
"S-Salamat," bulong ni Wise na kinatingin ni Sebastian.
Halos umusok ang pisngi at tainga ni Wise nang magtama ang mata nilang dalawa.
"A-Ah, ano u-una na ako," paalam ni Wise bago lakad-takbo siya nang pumasok ng gate na kinatingin ng ilang estudyante.
"Mukhang napapadalas ang pag-commute ko nito ah, thanks to Kreos na ililibre ko na lang ng dinner mamaya," nakataas ang gilid ng labi na sambit ng binata bago humakbang papasok ng gate. naglingunan ang mga babae habang dumadaan ang binata.
--
Dahil sa hiya at hindi mawala sa isipin ni Wise ang nangyari sa bus, nawala na ng tuluyan ang antok nito at talagang gising siya sa buong klase.
Minsan, napapatingin siya sa pwesto ni Sebastian na nanatiling nakatingin sa bintana.
Nang lunchbreak, nilabas ni Wise ang notebook niya para gawin ang dapat assignment niya, para libangin ang sarili since hindi siya inaantok.
"Kyaah, si Kreos!"
"Gosh, anong ginagawa niya rito?"
"Sebby, my friend!"
Napatingin si Wise sa gwapong binata na pumasok sa classroom nila at may bitbit na gitara na nakasukbit sa likuran nito.
Wise Visales's POV
Bahagya akong napatulala sa lalaking pumasok na lang bigla sa classroom nang makitang may maganda rin itong mukha, pero kumpara kay Sebastiann may pagka-masayahin ang mukha nito. Kabaliktaran sa personality ni Sebastian.
"Sino ba siya? Kuya ni Sebastian?"
Hindi, hindi sila magkamukha kahit pa pareho silang pang-out of the world ang itsura.
"Oo nga pala, nakalimutan kong kuhanin 'yung susi sa kwarto mo pero napaandar ko naman 'yung kots—whoa kita pala rito iyong room ko."
Napatingin ako sa pwesto nina Sebastian na dapat hindi na kasi nakita kong nakaupo sa desk ni Sebastian iyong lalaki.
Pilit na lang akong nag-focus sa pagsagot at dinedma ang konting kirot na nararamdaman ko na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Magkasama sila sa bahay? Tapos kaya pala nag-commute si Sebastian dahil hiniram iyong kotse niya.
"Libre pala kita mamaya ng dinner kaya maaga kang umuwi."
Nakagat ko ang gilid ng labi ko nang marinig ko ang boses ni Sebastian na mas kinangitngit ko.
Ano bang nangyayari sa 'yo, Wise?
"Whoa! Bago 'yan, bud ah! Manlilibre ka?" tanong ni Kreos.
"Wise!" sigaw ni Kirby.
Napaangat ako ng tingin at nagulat ako nang sunggaban ako ni Kirby na halos baliktarin ako para i-check.
"Anong ginawa sa 'yo nina Jonas?" seryosong tanong ni Kirby na sa unang pagkakataon ay nakita ko.
"Jonas? Sino 'yon?" takang tanong ko.
"'Yung nasa bus," medyo mataas ang boses na sagot na kinangiwi ko.
Iyong mga nambastos pala sa akin. Tama, narinig ko ang pangalan ni Kirby doon kaya—
"f**k! Bakit mo ako sinuntok? " asik ni Kirby pero hindi pagalit na boses.
"'Wag ka nga pa-victim. Ang hina-hina no'n. Makapilipit ka diyan, wagas," asar na sambit ko na kinatawa niya.
See? Abnormal talaga si Kirby. Hindi ko nga alam kung pano ko naging kaibigan ang basagulero na 'to.
"Pwede ba, bawasan mo ang pagiging takaw mo sa gulo. Pati sa ibang school nakakarating ang kamandag mo."
"Ang tawag dopn, charm."
"Gago ka pala eh! Anong charm ang sinasabi mo? 'Yang pasa mo sa pisngi?" banat ko na kinatawa ng gago.
"Tara, libre kita ng lunch," ani niya bago ako hilahin patayo.
"Ayoko, tinatamad ako ngayon," tanggi ko na kinaseryoso ng mukha ni Kirby.
"'Yung totoo, Wise? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sa 'yo?"
'Mas masakit sa akin. Ang puso ko at ang salarin 'yong nasa likuran ko."
"Hindi at wala, 'wag kang paranoid, Kirby, tinatamad lang akong bumaba ngayon," ani ko na kinagusot ng mukha niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko ng tumalikod ito at humakbang palapit sa pinto.
"Hahatid ko sa morgue ang mga putanginang y'on."
Ay tangna.
"Kirby!" tawag ko at agad napatayo para habulin ang gago.
Punyeta, seryoso ba siya do'n?
3rd Person's POV
"Now I know kung bakit pumangalawang araw kang pumasok ngayong week," tatawa-tawang komento ng binatang si Kreos matapos makita ang tingin ng kaibigan.
"Shut up, Kreos. Hindi ko kailangan ng opinyon mo."
"See? Sinita mo ako." Tawa ng binata bago inakbayan ang lalaki at bumulong.
"Oy Wise anong nangyari?"
Parehong napatingin sina Sebastian at Kreos nang bumagsak ang hawak nitong paperbag.
"Ah... n-nadulas lang sa kamay ko," alanganing sagot ng binata matapos kuhanin ang paper bag at pumunta sa upuan.
"Lumayas ka na nga rito, Kreos," pantataboy ni Sebastian sa kaibigan, ilang minuto pa nito kinulit ang kaibigan bago nagpaalam na aalis nang may dalawang lalaki ang kumaladkad kay Kreos palabas.
---
Nang matapos ang klase ni Wise, mabilis nitong kinuha ang mga gamit niya sa upuan at table bago lumabas ng classroom.
"Hindi ako nakatulog kanina no'ng breaktime at lunchtime, patay ako nito mamaya," bulong ng lalaki.
"Mayor?" ulit ng lalaki matapos makuha ang folder na nasa lamesa at buksan para sa susunod n'yang misyon.
"Sa buhay talaga ng tao maging mabuti ka man o masama, may mga tao pa rin na nais kang mawala," bulong ng binata bago sindihan ang sigarilyo na nasa bibig, kasunod noon ang folder na hawak na agad nagliyab at tinapon sa sahig.
Nang maging abo iyon, walang pakialam na tinapakan iyon ng lalaki at naglakad palabas ng pinto.
'Okay this is Red on board we have a special announ—'
"Pwede ba, Red, manahimik ka? Para kang babae, ang dami mong satsat," asar na sambit ng binata bago sumakay sa motor at isuot ang helmet.
"Kindly fasten your seatbelt and keep safe."
Napailing na lang ang binata bago pinaharurot ang motor at hindi na lang pinansin ang binata na nasa kabilang linya.
'Papadala ba ako ng back up diyan, Black? I think kailangan mo 'yon ngayon, short range ang gagawin mo ngayon at maraming nakabantay sa mayor kaya hindi malayong—'
"Hindi na kailangan, ayoko ng sagabal sa mission ko," bored na sambit ng lalaki hanggang sa bahagyang mapalingon ang binata nang may lalaking nakayukong naglalakad papunta sa lugar.
"Oy anong nangyari? " tanong ng lalaki
Inihinto niya ang motor sa gilid ng kalsada at hinawakan ang earpiece. "Pwede ba i-delay ngayon ang mission?"
'Sira na ba ang tuktok mo? Ide-delay mo, para mo lang dinagdagan ng ilang minuto ang life span ng mayor na 'yan. Kung hindi mo 'yan tatapusin ngayon, may ibang gagawa."
Hindi umimik ang binata at mabilis na kinabig ang motor papunta sa kabilang kalsada. "Whatever."
Mas pinabilisan niya ang pagpapatakbo hanggang sa makarating siya sa labas ng isang hotel. Suot ang helmet, tinaas nito ang baril na may silencer.Ikinatigil nito nang makita niya ulit ang binata na nakatingin sa mayor na nakikipag-kamay sa ilang tao na nasa labas.
"Putangina Black 'wag mo nang hintayin na bilangan kitan may mga paparating," sabi ng kausap sa earpiece.
"f**k! " mura ng binata matapos barilin ang gulong ng kotse dahilan para magkagulo ang lahat. Umikot ito ng isang beses sa lugar at nagtakbuhan palayo ang mga tao paalis kasama ang binata. Isa-isang pinatumba ng lalaki ang mga tauhan na sinusubukan siyang barilin.
Hindi makapaniwala si Wise na nakatago sa tagong bahagi ng hotel nang makita kung paano manipulahin ng hinihinalang hitman ng society ang motor nito at nakikipagpalitan ng bala ng baril sa mga tauhan ng mayor.
"Mayor! " sigaw ni Wise nang makitang bumagsak ang mayor kasabay ng pagbagsak ng taong nasa motor at pagkaalis ng suot nitong helmet matapos ma-distract ang hitman sa sigaw ng binata.
Dahil maliwanag ang lugar kitang-kita ni Wise ang kalahati ng mukha ng taong pumatay sa mayor. Hindi nakagalaw si Wise lalo na nang may dumating na itim na kotse. Hindi pa tuluyang humihinto ang kotse ay bumaba na ang lalaking nakasuot ng pulang hood at nakatakip ang kalahati ng mukha.
Tinulungan niyang tumayo ang lalaki at halos manlamig si Wise nang itaas ng nakapulang hood ang hand gun nito at itapat sa kanya. Ngunit bago pa iyon makalabit ng lalaking naka-pulang hood, tinabig iyon ng nakaitim na hood at bumulong bago tiningnan si Wise na kasalukuyang hindi makagalaw dahil sa takot.
Wise Visales's POV
Dugo, sobrang dami ng dugo at sa gitna noon ang lalaking nakatakip ang kalahati ng mukha.
Nakatalikod ito sa akin hanggang sa unti-unti itong humarap at ng tinutukan niya ako ng baril, kakaalabitin niya ang gatilyo nang—
"Wag! " sigaw ko.
Halos umakyat lahat ng dugo ko sa mukha nang makitang nasa loob ako ng bus at lahat sila'y nakatingin sa akin, pati si Sebastian na nandito din pala at nakatayo sa hindi kalayuan sa pwesto ko. Nakagat ko bahagya ang labi ko dahil sa sobrang kahihiyan at sa ingay ng puso ko na hindi ko alam kung dahil sa panaginip ko kanina o dahil kay Sebastian.
"Ayan patulog-tulog ka kasi," ani ko sa sarili bago nahihiyang yumuko.
"May bababa!"
Nang huminto ang bus, bumaba ang katabi ko na kinakabog ng dibdib ko dahil si Sebastian ang tumabi sa akin.
Para na naman akong kakapusin ng hininga dahil sa amoy ni Sebastian na mas nagpapabulabog ng buong sistema ko.
Habang nakayuko pasimple kong tinitingnan si Sebastian na palihim palang kinukuhanan ng litrato ng mga babaeng nasa loob ng bus.
Ito iyong pangalawang araw na nakasabay ko siya sa bus ibig sabihin—
"S-Sebastian," bulong ko habang nakatingin sa kanya.
"Hmm?"
Ayos ah, tipid. Hindi man lang ako tiningnan, pero mas mabuti na 'yon. Baka mas lalo lang ako hindi makapagsalita.
"Y-Yung bahay n'yo malapit lang ba rito? Imean ah—" Great! hindi mo makuha 'yung tamang word, Tagalog na Tagalog—
"Nakatira ako sa building kung nasaan ang unit mo, ibang floor."
"Ano? Seryoso? Bakit hindi kita napapansin do'n?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Siguro lagi kang nakapikit habang naglakakad," sagot niya na kinakamot ko sa pisngi.
"Bihira lang din naman ako mag-stay sa unit ko since sa bahay ng kaibigan ko ako madalas nagi-stay 'pag walang pasok," bored na sagot ni Sebastian na kinasimangot ko.
Araw-araw may pasok ikaw lang ito na may schedule na once a week kung pumasok.
"'Yong Kreos ba iyong tinutukoy mo na kaibigan mo?" tanong ko.
"Paano mo siya nakilala?"
'Yung totoo? Sila lang naman ang binansagang campus king ng buong University dahil sa mukha nila at araw-araw pinagpapanstasyahan ng mga babae sa campus, isama mo pa si Kirby na lagi rin nasa classroom.
"Sino naman kasi hindi nakakakilala sa inyo, araw-araw yata kayong topic ng mga babae sa University," sagot ko.
Pareho na kaming natahimik dahil hindi na nagsalita noon si Sebastian. Hanggang sa huminto ulit ang bus at may sumakay na estudyante na galing sa ibang school. Halos sundan siya ng tingin ng mga lalaki na nasa loob dahil sa hinaharap nito at parang kinulang sa tela ang palda. Haist kaya maraming babae ang nababastos.
Nakita kong napatingin siya sa pwesto namin o tamang sabihin kay Sebastian na mukhang walang pakialam dahil nakatingin lang ito kung saan.
Napailing na lang ako nang bahagya bago tumingin sa labas ng bintana nang makita kong makikisiksik pa iyong babae.
Naramdaman ko na umandar na 'yung bus pero si Sebastian parang hindi mapakali at sinisiksik ako. Kaya paglingon ko ay kusang gumusot ang mukha ko nang makitang nasa gilid niya na iyong babae at dumidikit sa hita niya ang braso ni Sebastian.
"Miss, dito ka na lang sa inuupuan ko," ani ko bago tumayo at kinuha ang gamit ko.
Naramdaman ko ang tingin ni Sebastian pero binigyan niya naman ako ng daan.
"Salamat," malambing na sambit ng babae bago sumiksik na kinangiwi ko dahil muntikan na akong matumba nang sumiksik na lang siya bigla at dumikit sa akin ang dapat hindi dumikit.
Nang makaupo iyong babae, ako ang tumayo sa gilid ni Sebastian. Mukhang ako naman ang nagkaproblema dahil tuwing may dadaan ay napapadikit ako kay Sebastian na mukhang walang balak umisod dahil sa babae.
No issue, Wise, pareho kayong lalaki. Tama pareho kami at straigh—
Tangna. Napamura ako sa isipan nang muntikan na akong madala at masubsob sa unahan nang huminto ang bus kung hindi nahawakan ni Sebastian ang bag ko at nahila. Bakit ba ang malas ko at napapadalas yata ang muntikan kong pagsemplang sa sahig.
"Hindi ko alam kung malas ka o lampa ka lang talaga. Kung lagi pala akong wala sa likod mo, papasok ka laging may bangas," sambit ni Sebastian.
Napangiwi ako nang tumayo na siya at hinila ako na mukhang papunta na kami sa unahan. Nang nasa gitna na kami, huminto na kami doon at binitiwan ang kamay ko.
"S-salamat," alanganing bulong ko habang nasa likuran ko siya. Kapag nasa bus naman kasi ako, hindi ganoon palagi ang nangyayari sa akin. Kapag talagang andiyan lang siya saka ako nagiging lampa.
"Critical pa din daw ang condition ni Mayor sa ospital."
"Nakakaawa naman si Mayor. napakabait niya pa naman."
"Sino naman kaya gustong pumatay kay Mayor?"
"Sabi ng mga pulis, mga professional hitman daw ang mga 'yon at mukhang siya rin daw 'yung may gawa sa insidente na nangyari sa mall."
"Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon, dapat talaga mahuli na ang hitman na 'yon."
Ito ang usapan ng mga tao sa bus.
'Yong kagabi, nando'n ako sa nangyari sa insidente. Nakita ko 'yung kalahati ng mukha no'ng hitman. Kung sasabihin ko 'yon sa mga pulis, sigurado na mabilis nilang mahuhuli 'yung hitman. Bulong ko sa sarili. Pero kung sasabihin ko y'on baka ako naman yung balikan ng hitman. "Ano ng gagawin ko? "