Chapter 3

2184 Words
Chapter 3 3rd Person's POV "Ano?!" Natakpan ni Wise ang bibig ni Kirby nang sabihin nito sa kaibigan ang lahat ng nangyari kagabi. "Wag ka ngang maingay," bulong ni Wise na kinatango-tango ni Kirby. "Bud, malaking gulo 'yan. Anong balak mong gawin?" "Kung hindi ko sasabihin sa mga pulis, kunsensya ko pa," ani ni Wise bago yumuko. "Dapat talaga tumakbo na rin ako eh," ani ni Wise bago sumubsob sa lamesa at naiinis na inuntog ang sarili doon. "Huminahon ka nga, bud, mabuti pa sabihin mo sa mga pulis at humingi ka ng proteksyon para hindi ka mabalikan no'ng hitman," suhestyon ni Kirby matapos iharang ang palad niya sa lamesa kung saan inuuntog ni Wise ang ulo. "Tama! Iyon ang gagawin ko." -- "Pumalpak ka sa misyon mo, Black." "Alam ko 'yon, Red." "May nakakita pa sayong ungas ka," asik ni Red sa kabilang linya. "'Wag ninyong pakikialaman ang taong 'yon, akin siya," ani ng binata bago tinaas ang mask mula sa leeg patakip sa kalahati ng mukha at sinuot ang hood habang nag-aantay sa labas ng isang karaoke bar. "Natapos din ako," inaantok na sambit ni Wise matapos nag uunat na lumabas ng karaoke bar. Habang naglalakad papunta sa sakayan, napatigil si Wise at napatingin sa likuran nang may maramdaman siyang sumusunod. Palihim na nagdasal si Wise nang maaninag niya ang anino ng taong sumusunod sakanya. Mas binilisan niya pa ang paglalakad. Mabilis itong tumakbo papasok sa mga eskinita at pilit tinakasan ang taong sumusunod sa kanya habang nagdadasal na may makita pa din siyang mga tao sa daan. Puno ng takot at pag aalala ang naramdaman ni Wise habang tumatakbo at halos mawalan siya ng kulay nang makarating siya sa dulo ng eskinita na tanging malaking pader na lang ang nakikita at ang anino ng taong nasa likuran niya. Unti-unting humarap si Wise at nang makita niya na ang hitman na mismo 'yon, nanginginig na napaupo sa sahig at napasiksik sa sulok. "Kung mahal mo pa ang buhay mo mas mabuting itikom mo na lang 'yang bibig mo," ani ng lalaki bago humakbang na kinabato ni Wise sa kinauupuan. Pumantay sa kanya ang lalaki at hinawakan ang panga niya. "Dahil sa muling pagkikita natin, ikaw na ang isusunod ko," malamig at puno ng pagbabanta na sambit ng lalaki bago tumayo at humakbang palayo. Ilang minutong natulala si Wise bago nanginginig na kinuha ang phone sa bulsa. Dahil sa kaba, hindi siya maka-type o maka-dial dahil sa panginginig. Gusto niyang tawagan ang kaibigan pero hindi niya iyon mahawakan nang ayos. Pilit niyang pinakalma ang sarili at nang medyo mawala na ang panginginig, mabilis nitong tinawagan ang kaibigan. "K-Kirby t-tulungan mo ako," nanghihinang bulong ni Wise habang pinipigilang maiyak sa takot. Dahil sa pagtawag ni Wise, napabalikwas ng bangon si Kirby at agad nagising ang diwa. "Nasaan ka Wise?! Pupuntahan kita," ani ni Kirby, bago mabilis na kinuha ang jacket at susi ng sasakyan. Ni Hindi na ito nag-abala na ayusin ang sarili niya o magsuot ng pang-itaas. --- "Dude huminahon ka. " ani ni Kirby nang makita ang sobrang panginginig ni Wise habang hawak ang baso. "Wise," tawag ni Kirby bago kinulong ang mga palad ni Wise sa mga kamay niya habang hawak nit ang baso na kinatingin ng binata. "Tayong dalawa lang ang nandito, kung natatakot ka pwede kang umiyak at sabihin sa 'kin lahat ng nangyari," ani ni Kirby and that's the cue. Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Wise at yumuko. "P-Papatayin niya ako, K-Kirby, 'pag sinabi ko," umiiyak na sambit ni Wise. "Babalikan niya ako." "Then 'wag mong sabihin," sagot ni Kirby na kinatahimik ng binata. Hindi maiwasang mag-alala ni Kirby lalo na alam niya kung gaano kabuting tao ang kaibigan at alam n'ya na mas uunahin nito ang iba kaysa sa sarili at gagawin ang tama. "P-Pero 'pag h-hindi ko sinabi, m-marami pa ang m-mamatay, Kirby," ani ng binata matapos ang ilang minuto na pananahimik at alisin ang kamay sa pagkakahawak ng kaibigan. "Magsusumbong pa rin ako at sasabihin ko sa mga pulis ang totoo," ani ni Wise na kinataas ng gilid ng labi ni Kirby dahil sa reality na iba ang nakikita niya sa mata ng kaibigan at sa tapang na pinapakita nito. "Then sasamahan kita para—" "No, ayokong madamay ka pa," putol ni Wise na kinatigil ni Kirby. "Gusot ko ito, bud," ani ni Wise bago huminga nang malalim at pilit na pakalmahin ang sarili. "Bahala na kung anong mangyari basta gagawin ko kung ano ang tama," sabi ni Wise. -- "Hindi siya marunong makinig," bulong ng lalaki na nagtatago sa kadiliman matapos makita si Wise na nakatayo sa labas ng police station. Tinaas nito ang hawak na baril na may silencer at itinutok 'yon sa ulo ng binata. Kakalabitin na nito ang gatilyo nang sa ibang direksyon niya iyon itinutok kung saan hindi nakikita ng mga tao. Pinaputok niya iyon, dahil sa silencer ay walang nakarinig niyon. Ngunit ang daing ng lalaki kasunod ng pagkabagsak ang dahilan kung bakit may mga taong ninais pumunta sa lugar. Matapos pumasok sa police station ni Wise, nagngingitngit na umalis doon ang lalaki, itinago ang sarili sa mga nagtataasan na damo. -- "'Yan ba ang mukha?" "'Yan nga sir," ani ni Wise matapos makita ang ini-sketch, ngunit habang tinititigan iyon, pumasok sa isip niya si Sebastian na kinatigil niya ng ilang minuto. "T-Teka sir, hindi po gaanong makapal ang kilay ng lalaki at medyo singkit ang mata niya," ani ni Wise habang nakatingin sa sketch pad. Nang makalabas siya ng police station, wala sa sariling naglakad paalis doon ang binata habang hawak nang mahigpit ang phone niya. "Imposible. Siguro dahil this past few days siya ang naiisip ko kaya gano'n ang na-describe ko," bulong ni Wise habang dinadama ang lamig ng paligid. "Aantayin ko na lang siguro kung kailan ako mamamatay," dagdag ng binata bago huminto sa paglalakad at pumikit nang mariin. Nang nakarating siya sa harap ng building, nakahinga siya nang maluwang dahil buhay siya na nakarating doon. Matapos siyang batiin ng gwardya, hahakbang na sana siya papasok nang may maisipan itong itanong. "Manong, may nakikita ba kayo rito na lalaking kapareho ko ng uniform, maganda siyang lalaki tapos medyo matangkad at may pagka-creepy ang aura," pag-didiscribe ko kay Manong guard na may sinusulat na kung ano sa log book. "Oo, iho, mayro'n. Kayong dalawa lang naman dito ang college student. Nasa 5th floor yata ang kwarto niya," ani ni matandang gwardya. "Alam niyo po ba 'yung room niya? Kaklase ko po kasi 'yon at may gusto lang ako itanong." "Hay naku kang bata ka. Dahil mukha ka naman na mabait, sige, sandali lang at hahanapin ko rito." "Thank you manong! " natutuwang sambit ng binata nang kahit sandali ay mawala ang iniisip nito sa killer. "Room 267." "Salamat manong! " natutuwang sambit ng binata bago pumasok ng building. "Wala naman akong balak puntahan siya in case na maisipan ko lang at... kung magiging close pa kami bago ako maisipang ipatumba ng killer na 'yon." Nang makapasok siya sa elevator pinindot niya na ang pindutan pataas sa 6th floor. Tumunog ito nang magsara ang pinto. Huminto ang elevator sa 3rd floor at pagbukas niyon ay halos mawalan ng hininga si Wise nang makita ang pamilyar na postura ng lalaki at ang tingin nito sa kanya. Humakbang ang lalaki papasok na kinalamig ng todo ni Wise bago mapahakbang paatras. "Ang tigas ng ulo mo. Sabi ko 'di ba, 'wag mo akong isusumbong sa pulis," may diin na sambit ng binata na kinalamig ng sobra ng lalaki nang makita niya ulit ang taong nakita niyang pumatay sa mayor nila. "B-Bakit h-hindi kita i-isusumbong? kitang-kita ko na pinatay mo si Mayor," puno ng takot na sambit ni Wise bago mapasandal sa kabilang sulok ng elevator dahil sa pag-atras niya. "Sa ginawa mong 'yon para ka na rin humukay ng sarili mong paglilibingan." "B-Bakit p-papatayin mo rin ba ako? " nanlalamig na tanong ng binata nang magkalapit ang katawan nila at yumuko ang binata matapos itungkod ang isang kamay sa gilid ng ulo ng lalaki. "Hindi ako magsasayang ng bala para sa isang tulad mo, hindi ko rin kailangan mag-effort dahil may ibang gagawa no'n para sa 'kin." Nakatakip ang kalahating mukha ng lalaki pero base sa paggalaw ng mata ng lalaki, ngumisi ito na mas kinawala ng kulay ng mukha ng binata dahil sa takot. "Masyado ka kasing pakialamero," malamig na sambit ng lalaki bago sinuot ang hood nang bumukas ang elevator at lumabas habang ang binatang si Wise Visales ay napaupo na lang sa sahig ng elevator dahil sa panlalambot at takot. Dahil sa takot hindi na nakalabas si Wise sa elevator hanggang sa makarating siya sa rooftop at nang medyo kumalma na siya, dahan-dahan itong tumayo at pinindot ang button papuntang 5th floor. Nakaupo lang sa sulok ang binata habang nakayuko at yakap ang mga tuhod. Bumukas ang elevator ngunit katulad kanina, hindi pa rin nagawang makalabas ni Wise ngunit sa pagkakataon 'yon ay may taong humakbang palapit sa binata na kinaangat ng tingin ni Wise. "Hindi laruan ang elevator," ani ni Sebastian bago ito umupo at pantayan si Wise na nakatingin sa kanya hanggang sa— "Hindi ka na bat—" naputol ang sasabihin ni Sebastian nang mapaupo siya sa sahig nang sunggaban siya ni Wise ng yakap at nanginginig na hinawakan ang lalaki. "A-Ayaw ko pang m-mamatay Sebastian, a-ayoko pa," umiiyak na sambit ni Wise na kinawala ng expression ng lalaki. Ngunit hindi ito nagsalita at iniangat nito ang isang kamay. Hinaplos ang buhok ni Wise habang ang kaliwang kamay nito ay nasa baywang ng lalaki. "Kumalma ka nga, ang bata mo pa masyado para mamatay," ani ni Sebastian na kinalayo nang bahagya ni Wise. Parang batang tinitigan ang mukha ng binata. "N-Natatakot ako," nanginginig na sambit ni Wise. "Nasa floor na ito ang room ko, tara na," aya ni Sebastian sa binata ngunit hindi tumayo si Wise, hanggang ngayon kasi ay nanlalambot pa rin ang tuhod niya at hindi na nakayanan pang tumayo. "T-Teka." Halos umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ni Wise nang buhatin siya ng lalaki pa-bridal style at ilabas sa elevator. Napakapit bahagya si Wise sa batok ng lalaki sa takot na mahulog sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya na halos hindi na siya makahinga. Habang naglalakad, hindi maiwasan ni Wise na mas titigan pa ang mukha ni Sebastian hanggang sa makarating sila sa unit nito at ibaba siya mismo sa kama. Wise Visales's POV Hindi ko maiwasang humanga sa buong paligid kahit pareho lang ang kulay at theme ng room namin ni Sebastian, napaka-manly kasi ng amoy rito at sobrang linis. Tamang-tama din 'yung kulay ng furniture sa kwarto. Walang salitang lumabas si Sebastian ng silid at pagbalik nito ay may dala na itong tray na mukha tea ang laman. "Here inumin mo yan," ani ni Sebastian matapos maglapag ng baso sa lamesa at lagyan ng tea ang baso. "S-Sebastian pasensya n-na kanina," bulong ko bago nakayukong kuhanin ang baso at ininom. Ang sarap, refressing sa lalamunan. "Ano bang ginawa mo?" tanong ni Sebastian na kinatingin ko. May hawak itong beer at parang balewala lang iyon na binuksan at ininom. "N-Niyakap kita." kusang uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang pagyakap ko sa kanya at pagbuhat niya sa 'kin. "It's okay," maiksing sagot ni Sebastian. "Ano pala ang nangyari sa 'yo kanina? Umiiyak ka." Napahawak ako nang mahigpit sa baso nang maalala ko 'yung sa elevator, nakagat ko ang labi ko bago yumuko. Ayokong madamay si Sebastian sa problema ko o may malaman. Hindi pwedeng pati siya ay pag-interesan ng killer. Kung nasa elevator siya kanina, ibig sabihin nasa building pa siya na ito o sinusundan niya ako. Napatayo ako at nag-sink-in sa akin ang maaring mangyari, baka idamay niya si Sebastian. "A-Aalis na ako," paalam ko bago binaba 'yung baso at bahagyang yumuko. "S-Salamat pero kailangan ko nang u-umalis at k-kung maari iwasan mo na rin ako. H-huwag mo na akong lalapitan kahit 'pag nasa bus tayo," nahihirapang sambit ko dahil sa pakiramdam na may malaking bato sa lalamunan at dibdib ko. Alam ng killer ang ginagawa ko, kahit ang tirahan ko, kaya dapat mag-ingat ako sa maaring gawin ko. Baka pati sina Kirby ay madamay. Aalis na ako para buksan ang pinto nang— "Anong sabi mo?" ulit ni Sebastian matapos niyang hawakan ang kamay ko at iharap sa kanya. Hindi niya ba ako narinig? "Sabi ko 'wag mo na ako lalapit—" parang may kung anong sumabog sa dibdib ko nang siilin ako ni Sebastian ng halik. Halik na nakapagpablangko sa utak ko at nagpatigil sa pag-function ng tama ng puso ko. "Ulitin mo nga ulit 'yung sinasabi mo?" nakataas ang gilid ng labing sambit ni Sebastian matapos maghiwalay ang labi namin na kinakurap ng mata ko. "May sinasabi ka ba kanina?" ulit niya na kinatiklop ng labi ko. "S-Sabi ko an—uuwi na ako! " sigaw ko bago binuksan ang pinto at tumakbo palabas nang tangkain niya na naman akong halikan. Nakakahiya! Bakit niya ginawa 'yun? Nakidagdag pa siya sa gugulo sa isip ko! Paano ko siya haharapin bukas?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD