Chapter 1
3rd Person's POV;
Mula sa rooftop na ilang kilometro ang layo sa mall may lalaki doon na nakatayo at may hawak na rifle.
Hawak ang binocular, kasalukuyang sinisilip ng binata ang sunod nitong target na kilalang isang drug lord. Kalalaya lang nito galing sa kulungan matapos patayin ang sariling asawa, ngunit makalipas lang ang ilang linggo ay bumalik na ulit ito sa dating gawain na pati ang child trafficking ay pinagkakakitaan.
"Natutuwa talaga ako 'pag ganitong tao ang target eh, sa sobrang tuwa ko gusto ko muna siyang patamaan sa hita then sa puso at—"
"Putangina mo, Black, 'wag mo nang i-share. Kumakain ako, 'wag kang bastos," asik ng taong nasa kabilang linya.
"Parang hindi mo ito gawain Red ah, may sikmura ka pa pala," banat ng binata bago hawakan ang earpiece na nakasuksok sa tainga.
Habang naghihintay sa paglabas ng target, nagsindi muna ng sigarilyo ang lalaki at inangat ulit ang binocular hanggang sa mapadaan sa mga mata niya ang binatang nagbibigay ng flyer.
"Pwede ba, Black, mamaya kana sumilay kung sino man 'yan, nasa mission tayo tangna ka."
"f**k off! Nagugutom lang ako," palusot ng lalaki na kinatawa ng binata sa kabilang linya.
"Putangna k! Kailan pa nakasama sa menu mo 'yung nagbibigay ng flyer?"
Hindi na nakaimik ang binata nang lumabas na sa mall ang target na maraming tauhan ang nakapalibot.
Mabilis na kinasa ng lalaki ang hawak na rifle at pumuwesto para patayin ang target.
"Be ready Black in a count of 3 … 2 …"
Pagkatapos ng isang putok, nagkagulo na ang lahat nang bumagsak ang target.
"Sabi ko 3 diba?! Wala pang 1."
"Nanghihinayang ako sa minuto ng limang segundo na pananatili niya sa mundong ito," ani ng lalaki bago tinanggal ang earpiece at tingnan ang binatang namimigay ng flyer na napatigil at kasalukuyang tinitingnan ang mga taong nagtatakbuhan paalis.
Wise Visales's POV
"Okay class lunch break na."
Napasubsob ako sa lamesa ng i-announce iyon ng prof namin at lumabas ng classroom. Nakakapagod maging working student pero wala akong choice. Ako na lang nag-iisa sa buhay kaya kailangan kong kumayod para makapag tapos.
"Uy, bud!"
Napaangat ako ng tingin nang may tumapik sa balikat ko at humila ng upuan para umupo sa harapan ko.
"Lunch na tayo ah, ano pang ginagawa mo rito?"
"Busog naman ako," pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay gutom na ako. Next week na kasi ang deadline ng bayaran namin para sa sem na ito. Kailangan kong magbayad regularly kasi hindi naman din ako gaanong matalino.
"Busog ka o ayaw mo lang gumastos," tanong ni Kirby na kinabuga ko ng hangin.
"Look, bud, parehong next week na ang bayaran ng tuition natin, 'di ba?"
"Sabi naman sa 'yo pwede kang umutang sa 'kin. Kahit naman puro pagbubulakbol ako, may ipon din ako," pagmamalaki ni Kirby na kinatawa ko.
"Hindi na. 'Yung last na umutang ako sa 'yo, pinapila mo ako sa cafeteria."
"Aba, eh nilibre naman kita ng lunch at paborito mo 'yung menu sa araw na 'yon, 'di ba?" ani ni Kirby na kinasimangot ko.
"Uy! Si Sebastian."
Napalingon ako sa pintuan nang biglang nagkagulo sa labas at natahimik ang classroom nang pumasok ang lalaking halos nalalapit kay kamatayan ang itsura.
I mean, itim na itim ang buhok nito at parang mata ng isda ang mga mata. Walang kabuhay-buhay. Isama mo pa ang pagka-natural pale skin at red lips nito. '
"Iba din 'yang kaklase mo, may sariling schedule," natatawang bulong ni Kirby.
"Gago! Kumusta naman sa 'yo na pumapasok lang ng school para humanap ng gulo," ani ko bago umayos nang upo at bahagyang hilutin ang batok ko.
"Oy tara na sa cafeteria, libre ko," yaya ni Kirby bago tumayo at akbayan ako.
"Ikaw pipila? Ayoko na talagang tumayo, kahapon puro tayo na lang ginawa ko sa labas ng restaurant."
"Namigay ka ng flyer? Sa dati pa rin ba?" tanong ni Kirby.
"Tatlo lang naman pinagtatrabahuhan ko, 'di ba? Sa store,sa restaurant at sa gabi sa karaoke bar."
"Malapit 'yon sa mall, 'di ba? May pinatay raw kahapon sa mismong labas ng mall," ani ni Kirby.
"Iyon siguro 'yung reason bakit maraming police kahapon at bakit nagkakagulo 'yung mga tao," ani ko bago tumayo at kuhanin iyong phone ko sa ilalim ng desk ko.
"Professional Hitman daw siguro tumira do'n eh. Wala daw na kahit anong lead o sign kung saan nanggaling 'yung bala."
"Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon," ani ko habang palabas kami ng classroom pero bago pa ako makalabas ng pinto, hindi sinasadyang mapalingon ako sa loob at nagtama ang mata naming dalawa ni Sebastian Griffin na kinahinto ng paghinga ko.
Mabilis akong napaiwas ng tingin at sinabayan si Kirby sa paglalakad, once a week lang pumapasok si Sebastian sa university. Sa hindi alam na kadahilanan, hindi ito napapatalsik sa campus na hindi rin nalapagtataka dahil nagagawa pa rin nitong manguna sa klase kahit pumapasok lang ito pag trip niya.
Pero 'yung kanina, nakakapagtakang nakatingin siya sa akin, aminado akong lagi ko siyang tinitingnan. Parang habit ko na hindi ko maintindihan, pero siya ni minsan hindi siya tumingin sa akin o wala naman talaga siyang tinitingnan. Kahit kasi nagdi-discuss, nakatingin lang ito sa labas ng bintana.
"Bakit siya sa 'kin nakatingin kanina?"
"Uy, bud."
"Ha?" ani ko na kinakunot ng noo niya bago dinutdot ang noo ko. Ikinagusot ng mukha ko iyon.
"Tinatanong kita kung anong gusto mong kainin ngayon?" tanong niya, at dahil din sa mukhang wala talaga ako sa wisyo.
"Ikaw," sagot ko na kinatakip ng katawan niya.
"Pre, alam kong gwapo ako, hot at mukhang masarap pero bud hindi tayo tal—"
"Tangna mo talaga, ikaw na bahala. Hindi ko sinabing ikaw ang kakainin ko," singhal ko na kinatakbo niya habang natatawa nang habulin ko siya ng hawak kong librong isasauli ko din sa library mamaya.
3rd Person's POV
"Uy, bud, una na ako. Simula na yata ng klase namin," paalam ni Kirby nang nasa harap na sila ng library.
"Simula your ass, dude, sino na naman ba pagtitripan mo?" ani ni Wise na kinatawan nang mahina ng lalaki.
"Una na ako. Study well na lang. Bye! Allergic ako sa libro," paalam ng binata bago nakapamulsahang tumalikod at naglakad palayo.
"Salamat pala sa lunch ah," ani ni Wise na kinailing ng binata nang hindi siya lingunin ng kaibigan. Winagayway nito ang kanang kamay habang naglalakad paalis at sinusundan ng tingin ng mga kababaihan.
"Gwapo talaga ni Kirby, basagulero lang," bulungan ng mga kababaihan.
Napabuga na lang ng hangin si Wise dahil sa mga naririnig niyang rumors tungkol sa kaibigan. Wala naman siyang pakialam dahil alam niya kung gaano kabuti ang kaibigan sa kanya.
Matapos ibigay ang I.D sa librarian, pumasok na ang binata dala ang libro na hiniram para ibalik sa bookshelves kung saan niya iyon kinuha.
"Teka nandito lang 'yon," ani ng binata habang tinitingnan ang mga libro at hanapin ang librong sunod naman niyang gusto hiramin.
"Paano naman 'yon napunta sa itaas?" asar na sambit ng binata bago iyon piliting abutin.
Dahil sa wala naman siyang matuntungan, todo liyad siya para abutin iyon, hanggang sa may mga kamay na kumuha niyon galing sa likuran niya. Halos umakyat lahat ng dugo sa mukha ni Wise nang pagharap niya ay sobrang lapit ng mukha nila ng binata, to the point na nararamdaman niya ang paghinga ni Sebastian sa ilong niya, kasabay ng panunuyo ng lalamunan ang pag-sink in na sobrang lapit ng labi nilang dalawa.
Ilang segundo ang lumipas bago parang wala lang na lumayo si Sebastian at iniabot kay Wise ang libro na nanginginig pang kinuha iyon sa lalaki.
Dahil sa hiya at sa pag-react ng katawan niya sa presensya ng lalaki, na hindi alam kung takot o ano, hindi na nagawang makapagsalita ni Wise. Nang magkaroon ito ng lakas, naglakad na si Sebastian paalis at sinuot ang malaking headset sa tainga na ikinalumo ng binata dahil hindi man lang ito nakapagpasalamat.
"Darn, ano ba itong nararamdaman ko? Inggit ba dahil sa good looking siya o—" napatigil si Wise. "No! hindi... hindi ang word na 'yon. Imposible! Hindi ako naa-attract sa lalaki!"
Umiling-iling muna ang binata bago humakbang paalis doon at para hiramin ang librong napili.
--
Tunog ng mga yabag, echo at pag-iyak galing sa taas ang naririnig mula sa hagdan na mas kinakaba ng lalaki. Tumatakbo pataas ang binatang nasa 16 years old at nang makarating ito sa taas, binuksan nito ang pinto ng rooftop at nakita niya ang lalaki na kapareho niya ng mukha at postura.
"Bumaba ka riyan! " sigaw ng binata na kinangiti ng lalaking nakatayo sa railing.
"Pagod na ako Sebastian… Pagod na pagod na akong maging ikaw."
"'Wag!"
Nahila ng binata ang hininga at pawisang napahawak sa dibdib nang manikip na naman iyon. Habang hinahabol ang hininga, nanginginig na naglagay ito ng tubig sa baso at agad na ininom.
"Nightmare again?"
Napatingin ang binata sa lalaking nakatayo sa gilid ng pinto at binuksan iyon.
"Ano na naman ang kailangan mo?" walang emosyong tanong ng binata matapos sapuhin ang noo at kuhanin ang phone nito para tingnan ang oras.
"Pahiram ng sasakyan, wala nang gas ang motor ko," ani ng binata na kinagusot ng mukha ng lalaki.
"Paglalakarin mo ako papuntang school? " asar na tanong ng binata.
"Eh kung kaya mong lumipad, bakit hindi ka lumipad? " banat ng binata na agad nakalabas at naisara ang pinto nang may lumipad na lamp shade papunta sa kanya.
---
Habang nakasakay sa bus, antok na antok si Wise kaya madalas nauuntog pa ito dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng driver ng bus at ang biglang pagpreno nito.
"Girl kilala mo ba yang guy?"
"Si Sebastian Griffin 'yan ng Farell University."
"Ang gwapo."
Bulungan ng mga estudyanteng babae na nasa bus nang pumasok ang binata sa bus. Tumayo ito hindi kalayuan sa pwesto ni Wise na nakasandal ang ulo sa bintana.
Mayamaya, huminto ulit ang sasakyan at may matandang pumasok. Ikinagising na naman ni Wise ang biglang preno dahil nauntog ito sa unahan na upuan.
Binigyan ng daan ni Sebastian ang matanda na todo sabi ng excuse me.
"Teka! 'Wag n'yo munang paandarin ang bus," sigaw ni Sebastian na kinagising ng diwa ni Wise, lalo na nang makita ang gwapong lalaki.
"Lola," tawag ni Wise bago tumayo at pilit na lumapit sa matanda. Bahagyang napasinghap si Wise nang mabangga siya kay Sebastian.
"Do'n na po kayo sa upuan ko," ani ni Wise nangg walang tao sa loob ang gustong magbigay ng upuan sa matanda.
"Salamat iho." Inalalayan ni Wise ang matanda hanggang sa makaupo.
Ngunit hindi pa ito nakakabuwelo para kumapit sa bakal ng umandar na ang sasakyan.
"Aah! " sigaw niya. Matutumba sana ito nang ipulupot ni Sebastian ang braso nito sa baywang ni Wise na muntikan nang matumba.
"S-Salamat," nauutal na sambit ni Wise matapos siyang alalayan ng lalaki. Agad siyang kumapit sa bakal.
Patuloy ang byahe at nanatili si Sebastian at Wise na magkatabi. Minsan, napapadikit si Wise sa braso ni Sebastian tuwing tumitigil ang bus na agad kinalalayo niya dahil para siyang napapaso at nakakaramdam ng pagka-ilang.
Mayamaya, may pumasok na galing sa ibang school na agad pumuwesto sa likuran nina Wise.
"'Yan 'yung tropa ni Castillo, 'di ba?"
"'Yung sa Farell University?"
"Mukhang lamyain, bakla yata."
Palihim na nagtawanan ang mga lalaki na nasa likuran pero dinedma 'yon ni Wise, hanggang sa may lalaking pasimpleng humahawak sa pang upo niya at sa pag-iwas niya'y napadikit siya kay Sebastian.
Nang huminto ulit ang sasakyan, napahiyaw ang lalaking nasa likuran ni Wise na kinatingin ng mga pasahero.
"Mamili ka, kanan o kaliwa?" walang emosyong tanong ni Sebastian na kinalaki ng mata ni Wise nang makita nito kung pano pilipitin nito iyong braso ng lalaking nanghipo sa kaniya kanina.
"Tama na aray! Ahhh!"
"Bitaw—"
"f**k!"
"Masyadong masikip dito kaya paliliparin ko na lang ang mangialam sa inyo palabas."
"Baliw kana, f**k! Bitiwan mo ko," daing ng lalaki habang hawak ang paa niya nang tapakan iyon ni Sebastian.
"Okay," saad ni Sebastian.
"Ahhh!"
Rinig na rinig ang tunog ng pagkabali mula sa braso ng bumabastos kay Wise nang pilipitin iyon ng binata, na kinaiyak ng kawawang lalaki at mapaluhod sa sakit.
"Pinapipili kita kanina, 'di ba? Hindi ka pumili kaya pareho ko na lang binali."