Nakatulog kaagad ako kahit na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang sinabi ni Alessandria. Hindi ko na namalayan kung tumabi ba siya sa akin sa kama o natulog siya sa couch.
Sa sobrang pagod ko sa trabaho at idagdag pa ang sakit na binigay niya sa puso ko dahil sa sinabi niya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
She hurt me big time and I don't know if I can mend my broken heart.
Ang sakit niyang magsalita. Hindi niya ako papatulan at kailanman ay hindi magugustuhan?
Fuck! Double kill siya manakit.
Huwag siyang magsalita ng patapos dahil lahat ng babaeng natipuhan ko ay madali ko lang nakuha. I will use my charm with her. Tingnan lang natin kung hindi rin siya mahulog sa akin kapag naglaon.
Masarap ang naging tulog ko. Siguro dahil sa pagod or dahil sa pananakit niya sa puso ko kaya inumaga na ako ng gising. Masigla akong bumangon at kaagad na kinapa ko ang aking tabi.
This is another day for me, another chance. I won't give up on her because I know she will fall for me too.
Subalit laki ng dismaya ko nang wala akong makapa sa aking tabi.
Pero napangiti ako nang makita ko si Alessandria na nakatalikod sa akin. Malayo ang espasyo sa pagitan namin at wala na sa ayos ang mga unan na nilagay niya sa gitna namin.
Halos mahulog na siya sa kanyang pwesto sa pagpipigil siguro na huwag madikit sa aking katawan. Ngunit mukhang kinaya niya na matulog na ganito ang pwesto niya dahil naririnig ko pa na naghihilik siya.
Medyo inis na bumuntonghininga ako. Ganito ba niya ako kaayaw na parang may sakit akong nakakahawa? Mas gwapo naman ako kay Daddy, matikas, malakas ang dating, mapera, at higit sa lahat batam-bata.
Bakit kung makalayo siya sa akin ay parang diring-diri siya? Gaano ba niya kamahal si Daddy at gusto niyang maging loyal sa matanda.
Banas na tumayo ako at lumabas ng guest room.
Umagang-umaga nakaka-badtrip siya. Alam ko wala akong karapatan na magreklamo. She is not mine and I am so jealous of my father because he has her heart.
Sayang talaga…sana una kaming nagkakilala para hindi ako nakakaramdam ng ganito. Nakakalungkot, parang araw-araw yata akong masasaktan dahil sa rejection na matatamo ko sa kanya.
Hindi ako sanay makatanggap ng rejection. Kaya gagawin ko ang lahat maging akin lang siya.
Nakarating ako sa kwarto ko na walang nakakita na galing ako sa guest room. Mabuti para hindi maging issue at makarating sa aking kama.
Lihim pa rin ang gagawin kong paglapit at pagsuyo kay Alessandria dahil isinasaalang-alang ko pa rin naman ang nararamdaman ni Daddy. Mas nauna siya sa babae at alam kong mag-aaway kami kapag nalaman niya ang ginagawa ko sa fiancee niya.
Dumiretso ako ng ligo sa banyo nang makapasok ako sa aking kwarto. Pinagpantasyahan ko ulit si Alessandria habang nasa ilalim ako ng shower.
Fuck! Mapapadalas yata ang paglalaro ko sa aking sarili. Hindi ko siya pwedeng galawin, saka na siguro kapag kaya na ng konsensya ko na traydurin ang aking ama.
"Hindi pa ba pagtratraydor ang ginagawa mo, Blue? Inaagawan mo ang Daddy mo nang hindi niya namamalayan."
Yeah, right. Trinatraydor ko na nga si Daddy sa ginagawa ko kay Alessandria. Hindi ko naman kayang tikisin ang nadarama ko sa mapapangasawa niya. Titiisin ko na lang ang pang-uusig ng konsensya ko dahil mahal ko si Alessandria.
Dumiretso ako sa opisina ko nang manggaling ako sa bahay. Nagpirma ako ng mga dokumento na kailangan para sa mga kliyente na nag-avail ng investment. Investment company kasi ang negosyo ko, sakop nito ay mutual funds, closed-end funds, at unit investment trusts.
Nang matapos ang trabaho ko nang hapong 'yon ay dumiretso naman ako ng bar ko. Saglit lang naman ako roon dahil dadaanan ko lang ang alak na nire-request ni Vince na dalhin ko sa bahay niya bukas. Stress ang taong 'yon ngayon dahil hindi niya alam kung paano paaamuhin si Charmel. Ilag pa rin ang babae sa kanya kahit ilang ulit na niya itong tinakot at sinasaktan.
Kung bakit naman kasi dinadaan niya sa dahas ang lahat. Pwede naman niyang lambingin at suyuin. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na ang babae ay minamahal at inaalagaan. Hindi sinasaktan physically at emotionally dahil mahirap na silang suyuin kapag nagtanim ka na ng muhi sa puso nila.
Kaya si Alessandria, susuyuin ko siya nang susuyuin hanggang sa mahulog ang loob niya sa akin. Pero kung hindi kaya sa mabuting usapan, daanin ko na lang din sa dahas gaya ng ginawa ni Sky, Hellione at Vincent. Pero siyempre I won't do it, iginagalang ko ang mga babae at hindi ko sila kayang saktan physically, siguro emotionally oo. Normal na 'yon dahil kahit hindi mo sila gustong saktan emotionally, masasaktan at masasaktan pa rin sila lalo na kapag hindi mo na sila mahal.
"Salamat dito, Blue." Itinaas ni Vincent ang hawak niyang alak at malungkot na ngumiti sa akin. He looks so haggard. Parang malapit na niyang maging kamukha iyong bida sa isang movie na mukhang ermitanyo dahil nanatili sa isla ng ilang taon.
"Kailangan ko 'to ngayon, nasaktan ko si Charmel at hindi ako makatulog ng maayos." Narinig ko ang sakit sa tono, nakokonsensya na siya ngayon? Ngayon na huli na ang lahat para gawin niya 'to.
"Ayaw mo kasing pakinggan ang payo ko sa iyo. Ang hihilig ninyong manakit! Sa tingin mo mahuhulog ang loob sa iyo ni Charmel kapag ganyang sinasaktan mo siya?"
Natahimik si Vincent sa sinabi ko. Narito kami sa labas ng gate ng bahay niya at dito nag-uusap. Dito ko na lang siya in-meet dahil hindi rin naman ako magtatagal. Uuwi na rin ako kaagad pagkatapos kong maabot ng personal sa kanya ang alak. Talagang pinatawag ko siya sa guard na lumabas dito dahil gusto ko rin siyang sermunan at payuhan ng gagawin niya. Baka makinig sa akin at maging maayos na sila ng babaeng mahal niya. Pareho lang sila ni Charmel na masasaktan sa ginagawa niya kapag pinagpatuloy niya ito.
"Ito lang ang naisip ko paraan Blue para matakot siyang iwan ako," maliit ang boses na ani ni Vincent. Mukha siyang maamong tupa na nakaharap sa kanyang malupit na amo.
"Sa tingin mo mabuti ang ginagawa mo, Vince? She will hate you more lalo na at magkadugo kayo!"
"f**k! What should I do? Nababaliw na ako kakaisip ng solusyon sa problema ko, Blue. Mahal na mahal ko siya pero hindi pwedeng maging kami! Hindi pwedeng maging legal kami dahil pamangkin ko siya!"
"Yon naman pala, eh! Alam mo naman pala, bakit mo siya ginalaw?"
"D-Dahil—-"
"Dahil mahal mo? Dahil 'yan lang ang nakikita mong paraan para hindi ka niya iwan. Sige, sabihin na nating 'di ka niya iiwan kapag nabuntis mo siya. Pero matatanggap ba naman niya na ipagbuntis niya ang anak mo? Ikaw na ang nagsabi, Vince, pamangkin mo si Charmel at bawal iyang pinipilit mong relasyon sa kanya."
"Lalayo kami, Blue. Lalayo sa mga taong nakakakilala sa amin."
"Sa tingin mo magiging masaya siya?"
Muling natahimik si Vincent sa sinabi ko. Marahil naisip niya ang point ko sa sinabi ko. Ginawa ko naman itong dahilan para makaalis na at makauwi na. Gumagabi na at baka hindi ko na madatnan si Alessadria na gising. Gusto ko pa naman siyang makausap saglit at makasama kahit saglit lang. Sa kwarto ako matutulog mamaya at bukas na lang sa guest room para hindi makahalata si Daddy.
"Sige uuwi na ako. Pahinga ka na, Vince. Huwag mo na munang masyadong stress-in ang sarili mo. Matulog ka na at hayaan mo muna si Charmel."
"Okay, pare. Ingat ka sa pag-uwi."
Tinapik ko muna siya sa kanyang balikat bago ako nagtungo sa aking sasakyan at pinaharurot ito palayo.
Habang nasa daan ako ay iniisip ko ang mga sinabi ko kay Vincent. Puro tama naman 'yon at bahala na siya kung nakinig siya o hindi. Basta ako, iyon lang ang opinyon na masasabi ko sa kanya. Bahala na siya, malaki naman na siya.
"Putcha!" bulalas ko sabay hampas sa manila ng sasakyan ko. "Ang galing mong magsalita, Blue! Pero sarili mo nga hindi mo mapagsabihan! Alam mong mali ang nais mo pero sige ka pa rin!"
Hinagod ko ang aking buhok at marahas na nagpakawala ng mura.
"f**k! What should I do, too?" Ginaya ko ang linya ni Vincent. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Nasa alanganin din akong sitwasyon.
Bumuntonghininga ako ng dalawang beses bago ko pinatulin ang pagtakbo ng aking sasakyan.
Bahala na!