Tahimik kong pinagmamasdan sina Daddy at Alessandria rito sa pwesto ko. Nakasimangot ako habang pinaglalaruan ng daliri ko ang yelo sa tangan kong alak. Umagang-umaga ito ang iniinom ko, ang sakit, 'di ko kayang tiisin ang sakit kaya naisipan kong uminom ng alak. Hindi naman ako maglalasing, I just want to relax myself.
Sumimangot ako nang makita kong niyakap ni Daddy si Alessandria sa baywang nito habang kausap ang tatahi ng kanilang gown. Iyong nguso ko ay pwede ng umabot sa sahig dahil sa sobrang simangot ko.
Kinukuhanan na ng sukat ng kanilang katawan sina Daddy at Alessandria para sa isusuot nila sa kanilang kasal. Si Alessandria ay para sa kanyang gown at si Daddy naman ay para sa kanyang three-piece suit.
Sa huwes lang naman sila ikakasal pero parang bongga yata ang susuotin ni Alessandria dahil kumuha pa talaga si Daddy ng gagawa ng kanilang susuotin. Pwede naman silang tumingin sa mall o kaya ay mag-order na lang sa ibang bansa.
I sighed when I saw the happiness in their eyes. Nagtatawanan sila habang hindi ko alam kung anong nakakatawang usapan ang pinagtatawanan nila. Samantalang ako ay mamatay-matay na rito sa selos at inggit dahil sa nalalapit nilang kasal. Two weeks na lang ikakasal na sila. Akala ko matatagalan pa lalo na at dalawang linggo pa lang naman nananatili rito si Alessandria.
Pero gaya nga ng sabi ni Daddy, gusto na niyang pakasalan ang babae sa lalong madaling panahon dahil gusto na niyang makasama ito sa bahay namin.
Sa dalawang linggo na pananatili niya rito ay sinuyo ko siya. Sinabi ko sa kanya na iwan na niya si Daddy at ako ang pakasalan niya. Pero hindi ko nagawa dahil si Daddy talaga ang sinisigaw ng puso niya.
Magtataka pa ba ako kung matagal na silang nag-iibigan, samantalang ako, kailan lang niya nakilala at nang-aagaw lang ng eksena sa buhay nila.
"Tayo na lang ang magpakasal, please…" ani ko isang hapon sa kanya nang matiyempuhan ko siyang nag-iisa. Mahirap na siyang lapitan ngayon dahil talagang iniiwasan niya ako.
Nakailang halik na ako sa kanya at nasasanay na ang sarili ko sa labi niya. Gusto ko na nga siyang makasiping sa kama ko para magkaroon siya ng choice na piliin akong pakasalan pero hindi ko naman magawa. Kinakain ako ng konsensya lalo na kapag umiiyak siya na nakikiusap sa akin na tigilan ko na siya.
Paano ko naman iyon gagawin kung ayaw sumunod ng puso ko? Bawat araw ma dumadaan ay palalim nang palalim ang nadarama ko para sa kanya.
Minsan naisip ko na kausapin ko na lang si Daddy. Sasabihin ko sa kanya kung pwedeng ako na lang ang pakasalan ng babaeng mahal niya. Kaya lang, umuurong ang pwet ko dahil alam kong kapag ginawa ko 'yon ay magkakagulo kami.
"B-bakit ko gagawin 'yan, Blue? Sino ka para sabihan ako ng mga dapat kong gawin?" pigil ang galit na bulyaw sa akin ni Alessandria.
"Sa akin ka na nga magpakasal, Alessa. Iwan mo na si Daddy at tayo ang magsama," sinabi ko 'to sa kanya na hindi nag-iisip. Desperado na ako na makuha siya pero matigas siya dahil nakikita ko sa kanya na hindi niya kayang iwan si Daddy.
"Mahuhulog ka rin sa akin, Alessa. Makakalimutan mo rin si Daddy, paliligayahin kita, pangako 'yan."
"Nababaliw ka na talaga, Blue! Ilang ulit ko ng sinabi sa iyo na tigilan mo na ako! Tigilan mo na 'to! Maawa ka naman sa Daddy mo dahil sa pinaggagawa mo sa akin. First kiss, second kiss, third kiss at fourth kiss ko na para sa kanya ay ninakaw mo! Tapos ngayon, gusto mo pa na ikaw na lang ang pakakasalan ko? Anong klase kang anak, Blue? Aagawan mo pa ng kaligayahan ang Daddy mo para sa pansarili mong kaligayahan?"
Hinagod ko ang buhok ko dahil sa inis na nararamdaman ko sa sinabi niya.
"Mahal na mahal kita eh, masisi mo ba ako kung ganito ang mga tumatakbo sa isip ko. Nababaliw na ako, Alessa…mahal kita pero hindi ka pwedeng maging akin."
I am so desperate to have her. Hindi ko na iniisip kung masasaktan ko pa ba si Daddy or what. I just want to have her. Ayaw ko siyang maikasal kay Daddy dahil mawawalan na talaga ako ng chance to have her.
Pero tama siya, aagawan ko ba ng kaligayahan ang Daddy ko? Handa ba akong magkaroon kami ng alitan lalo na at ngayon na lang ulit siya sumigla at sumaya.
Maaatim ko ba na makita siyang malungkot habang ako ay nagpapakasaya sa kandungan ng kanyang mahal?
Fuck! Ang hirap naman ng ganito! Mali na tumibok ang puso ko sa maling tao! Madaya si Lord, ito na ba ang karma na madalas sabihin sa akin ng mga babaeng pinaluha ko pagkatapos ko silang pagsawaan?
Damn! Ang hirap pala! Mas mahirap pa sa accounting exam na ang hirap kong ipinasa.
Nakikita ko na mahal na mahal ni Alessandria si Daddy. Nakakainis pero ito ang totoo!
Hahayaan ko na nga lang silang ikasal. I will try to move on kahit masakit at mahirap sa akin. Siguro, someday, makakahanap din ako ng magpapasaya sa akin.
Sinusuko ko na ang pagmamahal ko sa kanya. Bahala na muna…ayaw ko na munang paulit-ulit na makaranas ng rejection.
Hindi ako madaling sumuko, pero si Daddy na ang pinag-uusapan dito. Mas mahalaga ang nadarama niya kaysa sa nadarama.
I sipped on my wine glass. Nakatingin pa rin ako kina Daddy at Alessandria na sinusukatan pa rin para sa mga susuotin nila. Panay pa rin ang tawanan nila at maririndi na ang tainga ko sa kanila.
Ang saya-saya nila, ako dapat ang nasa tabi ni Alessandria. Hanggang pangarap na lang 'yon dahil hindi na matutupad ang nais ko.
They are getting married two weeks from now. It's killing me, I need to go somewhere on that day. But I can't, my father is expecting me to celebrate this special day of his lives.
Pareho pa nga kami ng suit na isusuot sa kasal niya. Pinapili niya ako ng mga disenyo na ewan ko kung bakit need pa ng approval ko. Hindi naman ako ang ikakasal pero ako ang pinagdedesisyon niya sa suit na isusuot niya sa araw ng kasal niya.
Iniwan ko sila roon at nagtungo sa kwarto ko. Matutulog na muna ako tutal wala naman akong pasok sa trabaho. Nag-aaya si Vincent na mag-inuman sa bahay nila mamaya, umoo ako dahil gusto ko rin naman magpakalasing at makalimot sa sakit na narito sa puso ko.
Nakaidlip na ako nang maalimpungatan ako sa tatlong magkakasunod na katok. Pupungas-pungas na bumangon ako habang naghihikab.
"Ano 'yon, Manang?" tanong ko sa katulong na siyang nabungaran ko sa labas ng pintuan.
"Pinapatawag ka ng Daddy mo sa study room niya, Sir Blue," anang katulong.
"Susunod na po ako pakisabi sa kanyang, Manang."
"Sige masusunod."
Sinarado ko muli ang kwarto ko nang umalis ang katulong. Nagsuot ako ng t-shirt at patamad na tinungo ang kinaroroonan ni Daddy.
Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin at pinatawag niya ako?
Bakit hindi pa niya sinabi kanina nang nasa baba pa ako? Antok na antok pa ako at gusto ko pang matulog.
Nakarating ako ng study room niya na medyo nakasimangot. Umayos lang ako ng reaksyon ng mukha nang papasukin na niya ako sa loob pagkatapos kong kumatok.
"What's up, Dad?" bati ko kay Daddy at pinilit na ngumiti.
"Come here, son. May ipapapirma lang akong dokumento sa iyo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Daddy. Ano na naman kayang mga dokumento 'to? Last week ay may pinapirmahan ulit siya sa akin na hindi ko na pinasadahan ng basa. Tapos, heto ulit may pinapapirmahan na naman siya.
"Para saan po 'yan, Daddy?" Hindi na nakatiis na tanong ko. Naupo ako sa upuan at tinitigan ang folder na kinaroroonan marahil ng mga dokumento.
"P-para roon sa funds na ilalabas ko sana, Azul…" ani ni Daddy na hindi makatingin ng diretso sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit.
Funds? Para saan?
"Anong funds po? Para roon sa charity natin?"
"Y-yes, son. Magre-release na ako ng funds ngayon dahil magiging busy na ako next week dahil sa kasal." Pinunasan ni Daddy ang pawis niya sa noo na labis kong ipinagtataka. Nakasindi naman ang aircon bakit kaya siya pinagpapawisan?
"Kailangan na ng mga beneficiary ang funds kaya gusto ko sana maasikaso na 'to this week." Pagpapatuloy pa niya at pagkatapos ay binuklat na niya ang folder at nilabas ang mga dokumento.
"Bakit hindi niyo po sinabi agad? Saan po ang mga pipirmahan ko?"
"Nawala rin sa isip ko, mabuti na lang at tumawag sila sa akin kanina."
"Akin na po, Dad. Pipirmahan ko na po para ma-process na agad ang funds."
Itinuro ni Daddy kung saan ako pipirma. Pumirma naman agad ako na hindi na nagbabasa. Hindi ko naman na need na basahin dahil may tiwala naman ako kay Daddy. Sa charity naman mapupunta ang pera at alam kong safe na mapupunta roon ang pera.
"Done."
"Thank you, son." Kaagad na binalik ni Daddy sa folder ang dokumento saka mabilis na itinago ito sa loob ng drawer niya.
Huminga siya ng malalim saka muling pinunasan ang pawis sa kanyang noo.
Weird…naibulong ko sa aking sarili.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ito at saka na nagpaalam para umalis. Nakasalubong ko pa si Alessandria na hindi ko na nakuha pang pansinin dahil sa mga tanong na tumatakbo sa isipan ko.
Parang may mali?