Kabanata 5: Kabit (Blue)

1239 Words
"What do you mean nahuli ka na? Committed na siya?" My Dad asked me while raising his left brow. "Yes, Daddy. She is committed, at sobra na akong late para umeksena pa sa buhay niya. " I answered while touching my lips. Pasimple pa akong sumulyap kay Alessandria nang makita kong mawala ang atensyon ni Daddy sa akin. Nginisihan ko siya habang haplos ko pa rin ang hita niya sa ilalim ng lamesa. Saglit din niya akong nilingon habang nanghahaba ang nguso at pagkatapos ay gigil niyang kinurot ang kamay ko na humahaplos sa kanyang hita. "Ouch!" daing ko na walang sounds. Kaagad kong inalis ang paghawak ko sa hita niya at hinaplos ang parteng kinurot niya. Napangiwi ako nang makita ang kuko niyang nagmarka sa palad ko. Sisipatin ko sana itong maigi nang makita kong bumalik ang atensyon ni Daddy sa akin. "Eh di maghanap ka ng iba. Committed na pala siya kaya huwag ka ng umeksena para hindi ka makasira ng relasyon," payo ng ama ko. "No! Ngayon pa na natikman ko na ang labi niya?" Gusto ko sanang sabihin ngunit naisip ko baka makakahalata na si Daddy sa akin kapag sinabi ko pa. I don't want him to notice something in me. Mas safe kung mag-iingat ako dahil ayoko rin namang sumama ang loob niya sa akin kapag nalaman niya ang pagkagusto ko sa babaeng pakakasalan niya. "Ang hirap naman niya kalimutan, Daddy. Na-love at first ako sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay tumibok ang puso ko." Totoo ito, I have never been in love with anyone. Sa dami ng babaeng na-link sa akin at humantong sa kama ko, never pa akong nagmahal ng totoo. Sa babaeng committed pa ako na-in love. I don't know if this is my karma because of breaking so many hearts. But I guess ito nga dahil nasa mahirap akong sitwasyon. Mahalaga sa akin si Daddy. Ayoko siyang saktan pero hindi ko talaga mapigilan ang puso ko na kalimutan ang pagkahumaling ko kay Alessandria. Masyadong mabilis, oo. Ako rin naman nabibilisan sa mga pangyayari. Pero siya ang tinitibok ng puso ko, wala akong magagawa kundi sundin ito. I saw Alessandria bite her lips. Medyo dumistansiya pa siya sa akin at nakita ko ang kanyang pagkatuliro. Natutuliro ba siya dahil sa sinabi ko? Sana, oo dahil matutuwa ako kapag nalaman ko na may katiting siya na pagkagusto sa akin. Magiging masaya na ako kahit kakarampot lang ito. "Malaking problema nga 'yan, Azul. Magiging kabit ka kapag nagkataon. Makakasira ka ng pamilya kaya mag-isip ka, pag-ibig ba o konsensya?" Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Daddy. Kabit? Hindi ko yata pinangarap maging kabit kahit kailan. Pero kung ito lang ang pagkakataon na pwedeng maging akin si Alessandria kahit patago lang, papatusin ko. Pag-ibig o konsensya? Pwedeng pag-ibig na lang? Titiisin ko na lang na usigin ako ng aking konsensya maging akin lang ang kalahati ng puso ng mahal ko. Nagpaalam na si Daddy na aakyat na sila ni Alessadria sa taas. Nagtaka ako nang marinig ko kay Daddy na ihahatid niya sa guest room ang babae bago ito pumunta sa kwarto nito. Nagtataka man kung bakit sila separated ng kwarto kahit malapit na silang ikasal. Hindi na ako nagtanong pa dahil natutuwa akong malaman na hindi sila nagtatabi na matulog sa kwarto ni Daddy. Bakit kaya? Dalagang Filipina, yern? Nagpalipas muna ako ng ilang oras sa veranda bago ako nagpasyang sundan si Alessandria sa guest room. Dinala ko ang susi na kinuha ko sa lalagyan ng mga susi na nasa taas ng bar counter. I'm sure naka-locked ang pinto at ayoko naman bumalik ako rito sa baba para kunin ang susi. Marahan kong pinihit ang seradura ng pintuan at maingat na pumasok sa kwarto. Tanging ang ilaw lang ng lampshade ang nakita kong nakasindi. Nakita ko si Alessandria na nakatalikod sa gawi ko at halatang malalim na ang pagtulog. Pumwesto ako sa harapan niya at lumuhod. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha na naiilawan lang ng lampshade. "Ang ganda-ganda mo talaga, Alessa. Kaya naman nababaliw na ako ng ganito sa iyo," wika ko sa aking isip. Ilang minuto ko rin siyang tinitigan bago ako nagpasyang yumukod at tikman ang labing nagbibigay ng nakakatulirong pakiramdam sa aking puso. Marahan ang bawat hagod ng mga labi ko. Magaan lang ang halik dahil ayoko siyang magising at maghisterya. Pero isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Tinulak niya ako paalis sa katawan niya at handa na sanang sumigaw nang mabilis akong lumapit sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. "Si Blue 'to. Huwag kang sumigaw kung ayaw mong malaman ng ama ko na narito ako sa kwarto mo." Inis na inalis ni Alessandria ang pagtakip ko sa kanyang bibig at umurong paalis sa tabi ko. "P-Pangalawa na 'to, Blue! Mukhang nasasanay ka na sa paghalik sa akin!" galit niyang sabi habang yakap ang kanyang sarili. Nakasiksik siya sa headboard ng kama at masakit na nakatingin sa akin. "Masama bang halikan kita?" balewala kong sabi habang nakatitig sa kanya. "Oo! In case you forgot, magiging asawa ako ng ama mo!" "So?" Bored na sabi ko. Alam ko naman 'yon, bakit ba niya nire-remind? "Anong so?" "Wala akong pakialam kung mapapangasawa ka man ni Daddy. Iwan mo na lang kaya siya at tayo na lang magpakasal." "Nasisiraan ka na ba ng ulo, Blue?" "Tingin mo, Alessa?" "Oo dahil baliw ka na!" "Yeah, baliw na baliw sa iyo. Ikaw kasi, bakit mo binihag ang puso ko?" Hindi nakaimik si Alessadria sa sinabi ko. Napailing lang siya habang tila ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi nga rin ako makapaniwala na mala-love at first ako sa kanya. Pero ito ang totoo. "Alam mo, hindi mabibigay ni Daddy sa iyo ang hinahangad ng katawan mo. He's old at baka hindi niya pa matapos ang isang round." Tumawa ako pagkatapos kong masabi ito sa kanya. Nanlisik naman ang mga mata niya at binato ako ng unan. "Bastos! Umalis ka na nga rito bago ako sumigaw at ipapaalam ko sa ama mo ang lahat ng kabastusan ng bunganga mo!" "Gawin mo. I don't care." Tuluyan na akong sumampa sa kama at inayos ang kabilang side ng higaan para makahiga na ako. Pumikit ako at pinilit na matulog. I will sleep here with her. Hindi ko naman siya gagalawin. Matutulog lang ako rito para magkaroon ng kapayapaan ang aking isip. "Blue naman. Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? Hindi naman kayamanan ng Daddy mo ang hangad ko kung bakit ako narito. Mahal ko siya at hindi kayamanan niya ang hangad ko. Please, kung ito ang rason kung bakit lumalapit ka sa akin at kung ano-ano ang sinasabi mo. Pakiusap, tumigil ka na dahil mahal ko ang Daddy mo." Napahawak ako sa puso ko at dinama ang invisible na palaso na tumarak sa puso ko. "Ang sakit-sakit naman. Mahal niya si Daddy at mukhang hindi ko siya mahihigitan sa puso niya." "Hindi naman iyan ang rason kung bakit ako lumalapit sa iyo. Mahal na kita, Alessandria noong unang kita ko pa lang sa iyo. Kung hindi mo magawang iwan si Daddy, papayag ako kahit maging kabit mo lang." "H-hindi. Ayoko! Hindi ako papayag sa gusto mo, Blue. Mahal ko si Azrael at hindi ko magagawang pagtaksilan siya." "We'll see. Mahuhulog ka rin sa akin. Kakainin mo rin 'yang sinabi mo." "Hindi, Blue! Hindi mangyayari ang gusto mo dahil hindi kita gusto at wala akong balak na patulan ka." "Aw! Double kill! Savage pa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD