Nawala sa isip ko ang dokumento na pinapirmahan sa akin ni Daddy nang bumalik ako sa aking kwarto. Dumapa ako sa kama at muling nagpasya na matulog na lang muna. Wala akong gana makisabay sa kanila ni Alessandria na kumain dahil masakit ang puso ko.
Ilang linggo na lang ay ikakasal na sila. Ilang linggo na lang ay magiging stepmother ko na siya. Wala na talagang pag-asa na kami ang magkakatuluyan. Ayos na 'yon, makikihati na lang ako sa pagmamahal niya. Kung papayag siyang maging kabit niya ako, i-grab ko na agad. Ito lang ang naiisip kong paraan para kahit papaano ay mapasaakin siya.
Ang problema, papayag ba siya? Mahal niya si Daddy at nakikita ko iyon sa mga galaw niya at pinapakita niya kay Daddy.
Kahit ilang beses ko na siyang sinuyo at pinalasap sa kanya ang langit sa labi ko. Umaayaw pa rin siya at nakikiusap na tigilan ko na siya.
But I can't...hindi ko siya kayang kalimutan. Hindi ko siya kayang iwasan. Ako lang din ang nahihirapan kapag pilit ko 'tong ginagawa.
Masyado na akong nahumaling sa kanya, alam kong hindi ko siya kayang iwasan at kalimutan na lang.
Mabilis akong ginupo ng antok dahil siguro gusto ko munang kalimutan ang lahat ng nangyayari sa kasalukuyan. Kahit saglit lang ay kakalimutan ko na malapit ng ikasal sina Daddy at Alessandria.
Hapon na nang magising ako at nagpasya akong magtungo kina Vincent para makipag-inuman. Sabi niya pupunta sina Devin at Sky, ayos 'yon para makapagkwentuhan naman kami.
Nag-ayos ako ng mabilis, casual lang ang sinuot ko, walking shorts at fitted gray sando. Bakat ang matipuno kong katawan na alam kong kinahuhumalingan ng maraming kababaihan. Nakakalungkot lang dahil hindi kasali si Alessandria sa mga babaeng 'yon.
Hindi na ako nagpaalam kay Daddy, ayaw kong maistorbo siya sa kanyang pamamahinga dahil natutulog daw ito ayon sa katulong. Nagbilin na lang ako sa katulong na aalis ako at mamayang gabi na babalik kapag tinanong ako ni Daddy.
Si Alessandria naman ay hindi ko nakita. Malamang nasa guest room ito at natutulog din. O baka naman nasa kwarto siya ni Daddy at magkatabi sila sa kama niya.
"Damn!" Nagmura ako ng mahina.
Bakit ba ang hirap tanggapin kapag sumasagi sa isip ko na nasa iisa silang kwarto? Lalo na siguro pagkatapos nilang ikasal, alam kong sa iisang kwarto na sila matutulog kapag natapos ang kanilang kasal.
Banas na ginulo ko ang aking buhok. Gusto kong sumigaw sa matinding inis ngunit nagpigil ako. Anong magagawa ko kung iyon nga ang mangyayari. Mag-asawa sila at natural lang na magsama sila sa iisang kwarto.
Dumiretso ako ng garahe nang makalabas ako ng bahay. Alas singko na pala ng hapon nang tingnan ko ang oras sa aking suot na relo. Hindi na ako nakakain ng tanghalian at naisip ko na isasabay na lang 'to mamaya sa early dinner na pinahanda ni Vincent sa bahay niya.
Nagpaihaw siya ng isda, pusit, at kung ano-ano pang lamang-dagat na gustong-gusto ko sa kusinera niya. Tapos nagpaluto rin daw siya ng mga pika-pika na siyang pwede naming pulutan mamaya.
Magpapakalasing ako ngayong gabi. Iyong halos hindi na ako makalakad ng maayos dahil sa sobrang kalasingan. May dala naman akong driver at dalawang bodyguard na aalalay sa akin kaya hindi ko prinoproblema ang pag-uwi.
"What's up, pare?" bating pambungad ko nang makalabas ako ng aking sasakyan. Nakaabang na kasi si Vincent sa akin at mukhang kanina pa niya ako hinihintay.
"Heto, wala pa ring improvement ang relasyon namin ni Charmel. Ako pa rin ang nagmamahal sa kanya, hindi pa rin niya ako magawang mahalin," ani na nagsesenti.
Napapailing na tinapik ko ang balikat ni Vincent at pagkatapos ay inakbayan siya.
"Ang ganda ng bungad mo sa akin, ah? Wala man lang bang good news? Umay na ako sa drama mo, pare," pabirong sabi ko habang nakangisi.
"Wala akong good news na makukwento sa iyo. Pwera na lang kung buntis na si Charmel."
Natawa ako sa sinabi niya. Good news ba iyon sa kanya? Baka nakakalimutan niya na pamangkin niya si Charmel at hindi niya pwedeng ipagbuntis ang anak niya. Magiging kawawa silang dalawa kapag may nabuong sanggol sa sinapupunan ni Charmel. Hindi malabong maging abnormal ito lalo na at dumadaloy sa dugo nila ang iisang dugo.
"Ulol! Hindi ka na naman nag-isip! Pamangkin mo si Charmel in case nakalimutan mo na naman. Gusto mong magbuntis siya at magkaroon kayo ng anak na abnormal? Malaking kasalanan 'yang gusto mong relasyon, Vincent. Huwag mong buntisin si Charmel dahil kawawa lang ang magiging anak ninyo."
"Hindi ako naniniwalang pamangkin ko siya Blue. Hahanap ako ng katibayan na hindi kami magkaano-ano."
Naupo si Vincent sa sun lounger. Narito na kami sa garden ng bahay niya at mukhang dito niya balak na mag-bonding kami ng inuman. Napansin ko na nakalatag na ang mga pagkain sa lamesa. Naaamoy ko ang mabangong aroma ng mga putaheng pinaluto niya.
Pucha! Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nakakapaglaway ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa.
"Pero paano kung pamangkin mo nga siya?" Naupo ako sa ibayo ni Vincent at pinagmasdan ang reaksyon niya.
"Ayaw ko na munang isipin 'yan sa ngayon. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay sana mabuntis na siya para wala na siyang dahilan para ayawan ako."
"Baliw!" bulyaw ko sa kanya. "Mas lalo ka niyang aayawan kapag nangyari 'yan. Lalo na siguro kapag lumabas na abnormal ang anak ninyo."
Napalatak si Vincent sa sinabi ko.Hindi niya ito nagustuhan dahil nakita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"s**t! Huwag kang magsalita ng ganyan, Blue. Baka nakakalimutan mo na malapit na tayong maging pareho ang sitwasyon. Malapit ng ikasal ang babaeng mahal mo sa Daddy mo kaya wala na tayong ipinagkaiba kapag nagkataon."
"At least kami, hindi magkadugo," pagtatanggol ko sa aking sarili. "Kayo? Wala ka pang nahahanap na patunay na hindi kayo magkadugo kaya hindi pwedeng maging kayo kahit gustuhin mo. Unang magagalit sa inyo ang Diyos, pangalawa ang mga taong nakapaligid sa inyo ay lilibakin kayo."
"Bakit ikaw, Blue? Masisikmura mo bang patuloy na traydurin ang ama mo?"
Medyo natahimik ako saglit sa sinabi ni Vincent. Tinamaan ako, sapul na sapul.
"Iyan nga rin ang tanong na nasa isip ko kaya gusto ko ng kalimutan ang nadarama ko sa kanya. Pero hindi ko kaya, Vince, mahal na mahal ko na siya eh."
"Same as me, Blue. Kaya huwag mo akong tuturuan ng mga dapat kong gawin dahil pareho lang tayo ng sitwasyon."
Na-late na dumating sina Sky at Devin, lasing na kami ni Vincent nang dumating sila. Kaya naman medyo nagiging makulit na kami ni Vincent at mas ipinipilit ang gusto namin.
Pinayuhan ako ni Sky ng dapat kong gawin para hindi maging magulo ang relasyon namin ni Daddy. Pero mas iginiit ko pa rin ang gusto ko kahit na maging kabit na lang ang papel ko sa buhay ni Alessandria.
"Susuportahan ka namin, Blue, kung iyan ang magpapasaya, go. Maging kabit ka, iyan ang magpapasaya sa iyo 'di ba? Basta 'yang puso mo ingatan mo, sinasabi ko na sa iyo, paulit-ulit kang masasaktan. Tapos, iyang konsensya mo pa ang makakalaban mo pa palagi lalo na kapag naglunoy na kayong dalawa ni Alessandria sa kamunduhan."
"Salamat, Sky. Alam kong mali itong gusto kong gawin, pero ang sakit kapag pinipilit ko na kalimutan siya. Ang hirap talagang balikan ng karma, alam ko, karma ko 'to dahil sa mga babaeng pinaiyak at pinaasa ko noon."
"Kung gusto mo kakayanin mo, Blue. Mabilis lang naman mag-move on kung gugustuhin mo lalo na at ama mo ang trinatraydor mo."
"Madaling sabihin, Sky. Pero ang hirap gawin. I tried to avoid her, but my heart can't. Ganito yata talaga kapag tunay na pag-ibig ang tumama sa puso. Mahirap nang tikisin lalo na at sobrang mahal na mahal ko na 'yong tao."
"Naiintindihan kita, Blue. Ganyan ang nangyari sa amin ni Farah," singit naman ni Devin. Si Vincent ay nakikinig lang habang sumusubo ng pagkain. Hindi na siya nakikisali sa usapan dahil pinayuhan na rin siya nina Sky at Devin.
"Ayaw ng mga magulang ko sa kanya dahil anak siya ng katulong namin. Pero walang nagawa ang mga magulang ko ng ipaglaban ko ang pagmamahalan naming dalawa."
"Ang kaso naman kasi sa iyo, Devin, magulang mo ang kalaban mo at walang third party na involve. Itong kaso ng kay Vincent, incest samantalang kay Blue, kabit ang labas niya kapag nagkataon."
"Eh 'di pigilan niya ang kasal. Kausapin mo ang Daddy mo na ikaw na lang ang pakasalan ni Alessandria," suhestiyon ni Devin.
Kung kaya ko lang, 'di ginawa ko na sana.
"Ang tanong, kaya ba ng konsensya ni Blue? Mahal ni Alessandria ang Daddy niya, hindi gusto ni Alessandria si Blue. Si Blue ang panggulo sa relasyon ng Daddy niya at magiging asawa nito."
Ouch! Ang sakit ng mga salitang binitiwan ni Sky, pero ito ang katotohanan. Masakit lang talagang tanggapin ang katotohanan.
"Oh, eh, paano ka magiging kabit niyan kung ayaw naman pala sa iyo ni Alessandria? Kahit pilitin mo siya na makikabit sa iyo, alam mo na hindi siya papayag sa gusto mo. Hindi pa nga sila ikinakasal, inaayawan ka na. Paano kung kinasal na sila? Mas lalo ka niyang aayawan dahil alam mo Blue na hindi magagawang pagtaksilan ni Alessandria si Tito Azrael kung mahal niya talaga ito. Pwera na lang kung pera ang habol niya dahil alam nating lahat na pwede ka niyang magustuhan kung itsura lang ang pinag-uusapan dito. Pero kung tunay na pag-ibig ang nadarama niya sa ama mo, mark my word Blue, hindi ka niya papatulan para maging kabit niya."
Naisip ko naman na 'to noon, sinabi ko nga kay Alessandria na payag ako makihati sa ama ko, maging kabit niya. Pero ayaw niya, sabi niya mahal niya si Daddy at hindi niya ito magagawang pagtaksilan.
"Kung ako sa iyo, Blue. Huwag mong gayahin ang sitwasyon ni Vincent at Charmel. Umiwas ka na habang kaya pa ng puso mo, lumayo ka na habang hindi pa gaanong malalim ang pagmamahal mo sa kanya. Sabi ko sa iyo, matutuwa ka sa magiging resulta, hindi ka pa magkakasala at hindi kayo masisira ng ama mo."
"I can't, Sky…hindi ko kayang mawalay sa kanya."
Napalatak sina Devin at Sky sa sinabi ko, samatalang si Vincent ay tumungga lang ng alak habang sari-sari ang emosyon na nakatingin sa akin.
I saw the sadness in his eyes, same as mine. Hindi ko talaga kayang bitiwan si Alessandria.
"Malala ka na…bahala ka na nga. Support ka na lang namin kung 'yan ang gusto mo. Basta ako, sinabihan na kita, Blue."
Ngumiti lang ako kay Sky, ito ang gusto ko sa barkada namin. Full support sila kahit alam nilang nasa maling landas ako.
"Sige suportahan ka namin, Blue. Pero sinasabi ko na sa iyo, mahirap ang laban mo. Ikaw ang masasaktan sa bandang huli."
Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Devin. Naka-ready na ako, bahala na kung hanggang saan ako aabutin ng pagmamahal ko sa kanya.