"Akala ko si Sky lang ang madalas mawala sa sarili kapag meeting, pero bakit ikaw yata ang sumunod sa kanya Blue?"
Narinig kong tumawa si Devin na katabi ko samantalang si Sky ay sinapak naman si Devin.
Nakanganga na tumingin ako kay Hellione Storm habang siya naman ay tinaasan ako ng kilay. Nagtataka na kumunot ang noo ko dahil wala akong maintindihan sa sinabi niya.
Hindi ma-absorb ng utak ko ang sinabi niya dahil lumilipad talaga ang isip ko kung saan.
Kinakana na kaya ni Daddy si Alessandria ngayon? Nakailang rounds na kaya sila? Lima, sampu, bente?
Ang dami nilang oras para maglampungan sa bahay at parang pinagsisisihan ko na kung bakit pumasok pa ako sa trabaho at makinig sa boring na pagsasalita ni Hellione Storm sa harapan.
Putragis! Pinipilit ko naman na alisin siya sa isip ko pero nagpupumilit na pumasok sa balintataw ko ang magandang mukha ni Alessa at ang makinis niyang katawan.
Mas maganda pa yatang tumambay na lang ako sa bahay habang nakikiramdam kung may kababalaghan ba silang ginagawa o wala. Kaya lang, pagagalitan ako ni Storm kapag hindi ako pumunta sa office niya dahil importante 'tong meeting na 'to. Ako lang ang may expertise sa alak kaya naman talagang need ko um-attend sa boring na meeting na 'to.
"f**k you, Blue! Are you listening?"
Hay! Heto na nga at nagagalit na siya. Siya na kasi ang sumunod na nagsalita sa harap at nahuli yata niya ako na hindi nakikinig. Pagkatapos ko kasing masabi ang plano ko at kung ano-ano pa na makakatulong sa bago naming bubuksan na branch ng negosyo, naglakbay na sa kawalan ang utak ko.
"Pardon, Storm." Napapakamot sa batok na sabi ko. Alanganin akong tumingin sa kanya habang ngumingiwi. Hindi ko talaga naunawaan ang sinabi niya kaya wala akong masabi kundi ang ulitin niya.
"Nevermind, Blue!" Padabog nitong binagsak ang hawak na folder sa ibabaw ng lamesa na ikinagulat naman nina Sky at Devin na nakaupo malapit sa pwesto niya.
I saw Devin smirked at me. Samantalang si Sky naman ay walang pakialam na naka-de kwatro habang walang emosyon na nakatingin kay Storm.
"Anyway, tapos na ang meeting na 'to at pwede na kayong magsibalik sa trabaho. As per you, Blue, we need to talk because I want to clarify something from you.
Kaagad na tumayo sina Devin at Sky at ngising aso na ngumisi sa akin. I just raised my middle finger at them na tinawanan lang ng mga loko bago sila nakalabas ng pinto.
"Yes, what is it?"
"I don't like the name of the cocktail you suggested a while ago. Hindi bagay sa pangalan at tapang ng lasa nito," masungit niyang sabi. Binuksan niya ang wine na sinulatan ko ng pangalan sa bote at nagsalin siya sa kopita. Dinala niya ito sa kanyang ilong at inamoy muna bago sinimsim.
"Bakit naman?"
"Alessa's Kiss? Mas suited pa yata ang Alexa's Kiss," aniya sabay lapag ng kopita. "Subukan mo ulit tikman nang malaman mo ang ibig kong sabihin. Malambot ang pangalang Alessa, mas bagay ang Alexa dahil matapang ang dating."
Umiling ako. "Nope. Suited 'yang Alessa dahil matamis ang lasa ng alak, hindi mo akalain na sobrang nakakalasing pala ito pagkatapos ng ilang shots," paliwanag ko naman."
Parang labi ni Alessandria…malambot, matamis, pero sobrang nakakalasing. Kung hindi siya nagpumiglas kanina, alam kong sa kama patungo ang panghahalik ko sa kanya.
"Alright, sabi mo eh. May tiwala naman ako sa taste mo, Blue. Pero itong isang pangalan ng alak pwede mo bang i-explain dahil medyo alanganin ako sa pangalan. Alam kong malibog tayong magbabarkada pero bakit pati alak dinamay mo?"
Natawa ako sa sinabi ni Storm. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya na alak. Bigla ko na lang naisip ang mga pangalan na nilagay ko sa mga label dahil inspired ako sa soon-to-be stepmother ko.
Ewan ko ba, parang lahat ay gusto kong lagyan ng palatadaan niya. Parang gusto ko kahit saan ako pumunta ay may nakikita akong alaala niya.
"Lust at first sight? Hindi kaya tawanan naman tayo ng mga customer natin niyan?"
Inilingan ko ang sinabi ni Storm. "Nope, maiintriga sila sa lasa ng wine na 'yan. Magiging mabenta 'yan dahil pangalan pa lang catchy na. Hindi lang 'yan, dahil talagang makakaramdam sila ng libog kapag natikman nila 'yan. Try mo maya pag-uwi mo, Storm. Matutuwa si Angelisse sa 'yo kapag kumana ka na sa kanya mamaya."
"Gago! Kaya ayoko tikman kanina dahil ganyan ang naiisip ko na pwedeng mangyari sa akin pag ininom ko 'yan."
Nginisihan ko lang siya. Kunwari pa ang isang 'to, I'm sure titikim ito mamaya.
"Tikman mo pag-uwi mo para mag-enjoy naman sa iyo si Angelisse mamaya."
"Ulol"
Tinawanan ko lang si Storm at sininghot ang amoy ng alak. Pero napabunghalit ako ng tawa nang maalala ko sina Sky at Devin na tumikim kanina ng alak.
"f**k you, Blue! Pinagtatawanan mo ba ako?" inis na tanong ni Storm. Ibinaba niya ang hawak niyang kopita at dinampot naman ang folders na nagkalat sa ibabaw ng lamesa.
"No," tatawa-tawa pa ring sabi ko.
"Oh, eh, bakit biglang tumatawa ka riyan? Nababaliw ka na ba?"
"f**k no!" mura ko sa kanya sabay punas ng luha sa gilid ng aking mga mata.
"Ano nga ang tinatawanan mo?"
"Sina Devin at Sky uminom ng alak kanina na 'lust at first sight' kanina 'di ba?" paputol-putol na sabi ko dahil natatawa pa rin ako.
"Yeah," sagot naman niya na walang kaide-ideya.
"You know the consequences they will face later." Humalakhak muli ako. Si Storm naman ay nanlalaki ang mga mata nang ma-gets ang sinasabi ko.
"Lagot na! Siguradong manre-rape sila ng wala sa oras."
"Tama." Nag-apiran kami ni Storm sabay tawa ng malakas pagkatapos.
Pagkagaling ko sa office ni Storm ay diretso na ako ng bar ko. Naroon na ang manager at ilang trabahador. Nag-instruct ako sa kanila na mag-ready na sila para sa pagbubukas ng bar mamaya at mga pakulo na gagawin nila habang umiinom ang mga parokyano.
Alas-sais pa lang naman ng gabi. Alas-siyete ang opening namin at gusto ko makapag-ayos muna sila ng mabuti at makapaghanda para sa mga darating na parokyano.
Maya-maya lang ay uuwi na rin ako kaya binilinan kong mabuti ang manager na i-manage mabuti ang bar dahil maaga akong magpapahinga dahil pagod ako sa trabaho.
Ang totoo pero nito, uuwi na ako dahil excited ako. Excited ako na makita si Alessandria. Naroon pa kaya siya sa bahay o baka hinatid na pauwi ni Daddy?
Pagkaparada ko ng sasakyan ko sa garahe ay ang sasakyan kaagad ni Daddy ang tiningnan ko. I saw his car in the garage. Nakahinga ako ng maluwag dahil baka hindi pa umuwi ang babae.
Sabik na tinalunton ko ang daan papasok ng bahay. Wala akong nakita kundi ang mayordoma na nag-aayos ng mga kurtina.
"Yaya, nandiyan pa po ba ang bisita ni Daddy?"
"Oo, Azul. Naroon sila sa veranda at nagkakape ng Daddy mo."
I smiled with what I heard from the maid. Hindi pa nga talaga siya umuwi. Sana patirahin na rito ni Daddy at huwag na siyang pumayag na pauwiin ito sa kanila.
Nagbihis muna ako ng pambahay at saka ako pumunta kung nasaan sila.
Nakita ko nga sila sa may veranda. Nakaupo na magkaharap at parang casual lang na nag-uusap. Hindi sila magkatabi at hindi rin nakahawak sa kanya si Daddy.
Tama 'yan. Ani ko sa isip ko. Tama lang na ganito lang sila. Walang hawakan or kahit ano na pwede ikaselos ng puso ko. Parang hindi ko yata kaya na makita silang malapit sa isa't isa pagkatapos na matikman ko ang labi ni Alessandria.
Nagiging possessive ako sa hindi ko pag-aari. Lalo na at kalaban ko si Daddy sa atensyon niya.
Ayos lang naman siguro makihati. Pero paano ako makikihati kung ayaw naman ng babae.
Alam ko iiwasan na niya ako pagkatapos ng halik na pinalasap ko sa kanya. But I won't allow it for her to do it. Sabi ko nga, makukuha ko siya kahit kalahating pagmamahal lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Kahit patago lang, kahit palihim lang, magiging masaya na ako basta bigyan niya lang ako ng chance na mahalin siya. Hindi man mabuti itong gusto kong mangyari, pero anong magagawa ko kung nabihag niya ang puso ko?
Naglakad ako palapit sa kanila. Si Daddy ang unang nakakita sa akin na kaagad na ngumiti at kinawayan ako na lumapit. Nakita ko si Alessadria na nag-iwas ng tingin sa akin at inabala ang kanyang sarili sa paghigop ng kape.
"Hi, Daddy," bati ko sa aking ama. "Hi, Alessadria," baling ko naman sa babae na saglit lang na nilingon ako bago sumimsim muli sa kanyang kape.
"Kumusta ang trabaho mo, son?"
"Ayos naman po."
"Would you mind joining us? Gusto kong makilala mo ng mabuti itong si Alessandria."
"Sure," mabilis kong sagot at umupo sa tabi ng babae. Pabor ito sa akin dahil marami akong gustong malaman sa babae.
Nagkwento si Daddy ng tungkol sa babae. Nagkakilala pala sila sa school ni Alessandria. Sponsor si Daddy sa scholarship niya. At bilang ganti naman ay pumapasok na janitress ang babae sa kumpanya ni Daddy para bumawi sa pagiging scholar niya. Doon na raw nagsimula ang lahat, nahulog daw ang loob nila sa isa't isa.
Nahuli na nga ako. Ang dami na nilang memories na magkasama. Dapat ako rin, dapat mas marami akong memories na gawin kasama siya.
Kaya lang, paano kaya ako magsisimula. Mukhang iilap na talaga sa akin ang babae dahil sa aking kapusukan.
"Ikaw, Azul, kailan ka ba titigil sa pagiging babaero mo? Magtino ka naman na, son. Humanap ka na rin ng kagaya ni Alessadria. You're not getting any younger. Alam mo, masarap kapag may mag-aalaga na sa iyo."
Tinawanan ko lang ang sinabi ni Daddy. Paano ko sasabihin sa kanya na nahanap ko na rin ang aking "the one", 'yon nga lang pag-aari na niya.
"Nakahanap na ako, Daddy. Pero hindi maaaring maging kami." Tumingin ako kay Alessandria na tahimik na nasa aking tabi. Palihim ko siyang kinindatan at hinaplos ang kanyang hita sa ilalim ng lamesa.
I saw her gulped. Inalis din niya ang kamay ko na nasa hita niya habang nag-aalala na nakatingin kay Daddy.
Damn! Para akong nasaktan sa nakita ko. He really care for my Dad. Ayaw niyang may makita itong mali sa kanya na ikakagalit nito.
"Bakit naman, Azul?"
"Dahil po may nagmamay-ari na sa kanya. Nahuli po ako."