Iniwan ako ni Blue pagkatapos ng pagtatalik namin na inabot ng isang oras. Bumalik na siya ng kanyang kwarto para magbihis at pumasok sa trabaho. Ako naman ay naiwang tulala sa kama habang dinadama ang panginginig ng aking binti pagkatapos nang makapigil-hiningang pagtatalik na naganap sa aming dalawa. Gusto kong dagukan ang sarili ko dahil sa pangalawang pagkakataon ay bumigay na naman ako sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagtaksil na naman ako sa asawa ko. Inis na minura ko ang aking sarili habang mahinang tumatangis. Bakit ba iniwan ako ni Azrael dito at mas inuna pa ang business meeting niya sa Singapore. Hindi man lang niya binigyan ng importantansiya ang honeymoon namin. Hindi pa na-co-consummate ang kasal namin sa totoo lang. Iyong pinapaniwalaan niyang kasinungalingan ko