Medyo nahimasmasan ako nang maubos ko ang beef noodles na hinanda ni Manang sa akin. Nawala kahit konti ang kalasingan ko kaya naman medyo tuwid na ang lakad ko nang umakyat na ako sa hagdanan at nagmamadaling tinungo ang kwarto ni Daddy. Sa akin ba talaga niya binilin ang asawa niya? Bakit sa akin? Pwede naman kay Manang o sa iba pang katulong. Sabagay, stepmother ko na nga pala siya. Marahil, nasa isip ni Daddy na dapat sa akin niya ihabilin dahil parte na siya ng pamilya namin. Mabuti nga at naisip niya na sa akin ihabilin. Hindi na ako makikiusap sa sino mang inutusan niya na bantayan si Alessandria para ako ang pumalit sa pwesto niya. Pero bakit nagawa niyang iwan si Alessandria na masama ang pakiramdam niya? Ang akala ba ni Daddy, may nangyari sa kanila kagabi kaya nilalagnat ang