Kakaiba ang saya na nadarama ko habang pinagsisilbihan ko si Alessandria. Ako ang naghiwa ng steak niya dahil mukhang ngayon lang yata siya makakatikim ng ganito. Tama ako sa in-order ko, ang pinakamasarap na steak ang in-order ko para sa aming dalawa. I know she'll enjoy these foods. My Dad and I love eating here. Dinadayo namin itong lugar na 'to dahil sa steak na sobrang napakalinamnam. Bakit kaya hindi pa niya dinadala si Alessandria rito? Favorite place ito ni Daddy dahil dito kami madalas kumain noong nabubuhay pa si Mommy. Maybe, special lang kina Daddy at Mommy ang lugar na 'to kaya kahit asawa na nito si Alessandria, ayaw niyang palitan ng bagong alaala ang mga alaala nila rito. 'Di bale, ako ang gagawa ng mga memories namin ni Alessandria rito. Sasamantalahin ko na wala si Da