Kabanata 9: Itutuloy ko pa rin. (Blue)

1616 Words
Masakit ang ulo ko nang magising ako kinaumagahan. Hindi ko alam kung anong oras ako nakauwi dahil halos lupaypay na ako nang iuwi ng mga bodyguard ko. Kung hindi pa ako inawat nina Devin at Sky sa pag-inom, alam kong hindi ako titigil hanggang hindi ako natutumba. Umikot ang paningin ko nang tangkain kong bumangon. Halos matumba ako dahil sa bigla kong pagbangon para sana gumamit ng banyo. Nagtatakbo ako sa banyo kahit nahihilo ako nang makaramdam ako na nasusuka ang aking bibig. Lahat halos ng kinain ko kagabi at ininom ay inilabas ko sa sink habang nagmumura ako ng paulit-ulit. Halos manghina na ako nang matapos akong magsuka. Pagapang na nang lumabas ako ng banyo. Hindi ko alam kung paano ako nakaakyat sa aking kama at muling itinulog ang masama kong pakiramdam. Hindi na ako iinom kapag ganitong halos mamatay na ako sa kasusuka. Hindi na talaga dahil ayoko ng maglasing nang bongga. Ilang oras na rin ang itinulog kong muli nang makarinig ako ng pagtawag sa labas ng kwarto ko. Hindi ko pinansin ang tumatawag dahil masyado pa akong hinihila ng antok para tanungin kung bakit ako tinatawag. Akala ko umalis na ang tao mula sa labas ng kwarto ngunit bumukas ang pintuan at nakita ko na si Alessandria pala ito. Natuwa ako na makita siya, ngunit nalungkot ako bigla nang sumagi sa isipan ko na ilang linggo na lang ay ikakasal na sila ng ama ko. "Alessa…" nanghihinang bigkas ko sa pangalan niya habang mapungay ang aking mga mata na nakatingin sa marahan niyang paglapit. Antok na antok pa ako at hinang-hina rin dahil sa dami ng isinuka ko sa banyo kanina. Gusto ko mang tumayo at salubungin siya ng yakap ay hindi ko naman magawa dahil mabigat ang aking pakiramdam. Pagkakataon ko na sana ito na muli siyang mahawakan pero wala akong lakas para tumayo. "B-Blue…gising ka na pala, bakit hindi ka sumasagot?" aniya sa akin nang makalapit na siya. Salubong ang kanyang kilay at habang naglalakbay ang kanyang mga mata sa aking mukha. Hindi naman ako makapagsalita dahil pati ang boses ko ay hindi ko matagpuan. Nagasgas ata ang lalamunan ko dahil sa walang tigil kong pagsusuka kanina. "Pasensya na kung pumasok na ako rito sa kwarto mo, ah. Hindi ka kasi sumasagot at kanina pa ako sa labas. Pinapatawag ka kasi ng Daddy mo sa study room niya at may importante raw kayong pag-uusapan," ani ni Alessandria sa medyo nahihiya ng tono. Inalis na niya ang tingin sa akin habang hindi alam kung saan siya titingin. Siguro nag-aalangan siya na makita akong boxer lang ang suot habang nakatihaya na nakahiga sa kama. Lantad ang abs ko at syempre nakapagpatayo na agad ng tent ang alaga ko sa loob ng boxers ko. Normal lang kasi ito sa umaga. Talagang tatayuan kaming lalaki lalo na kapag nakadama kami ng ginaw. Nakatodo pa naman ang aircon dito sa kwarto ko at dahil sa kalasingan ko ay hindi ko na ito nagawang i-off kaya sobrang lamig na. "Okay lang, babe. Pakisabi kay Daddy mamaya na kami mag-usap, masama ang pakiramdam ko at gusto ko pang matulog." Pinilit kong ngumiti sa kanya ngunit ngiwi yaya ang kinalabasan dahil sumirit ang sakit sa ulo ko. Punyetang alak 'yon! Ang sama ng tama sa akin! I heard Alessa sighed. Siguro dahil sa pagtawag ko sa kanya ng babe kaya ganito ang reaksyon niya. Hindi na lang niya ako hayaan sa gusto ko. Dito ako masaya, wala naman sigurong masama kung tawagin ko siyang babe kapag kaming dalawa lang ang magkausap. Hinila ko ang kumot at tinakpan ang katawan ko. Gusto ko mang samantalahin ang pagkakataon na makausap pa si Alessandria, hindi ko naman kaya dahil masama talaga ang tama ng alak sa akin. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kasamang hangover iyong halos biyakin na nito ang ulo ko sa sakit. "S-sige, Blue. Lalabas na ako para masabi sa Daddy mo ang sinabi mo." Hindi ako umimik. Kinuha ko lang ang unan na nasa kabila ko at ipinantakip sa mukha ko. Pero hindi maibsan ang sakit kaya napasigaw ako. "Arghhhh!" I screamed in so much pain. Ilang beses kong minura ang alak sa isip ko at pinangako sa sarili ko na hindi na ako iinom. "A-ayos ka lang, Blue?" natataranta na ani ni Alessandria na narito pa pala sa kwarto ko at hindi pa nakakalabas. Naramdaman kong sumampa siya sa kama ko at mabilis na inalis ang unan ko sa mukha ko at tiningnan kung napaano ako. "M-may sakit ka ba? May masakit ba sa iyo?" Sinalat niya ang ulo ko at leeg. Hindi naman ako makasagot dahil masakit talaga ang ulo ko. Idagdag pa na natutuwa ako ng sobra dahill concern siya sa kalagayan ko. Sana alagaan naman niya ako kahit sandali lang. Hindi naman siguro magagalit si Daddy kung alagaan ako saglit ng soon to be stepmother ko. "B-Blue? Ayos ka lang ba?" Tinapik ni Alessandria ang mukha ko ngunit isang iling lang sinagot ko sa kanya. Hindi ako nagdadrama or what, timing na masama ang pakiramdam ko. Nagagalak naman ako dahil kusa siyang lumapit at hindi nangingilag sa akin. Parang gusto ko na lang maglasing ulit at magkaroon ng hangover kung ganitong siya na ang kusa na naglalapit ng kanyang sarili sa akin. "M-masakit ang ulo ko…" Inilapit ni Alessandria ang mukha niya sa akin at inamoy siguro ako para kumpirmahin kung bakit masakit ang ulo ko. "Lasing ka naman pala eh. May hangover ka siguro kaya sumasakit 'yang ulo mo ng matindi," aniya na nakasimangot. Binitiwan niya ako at lumayo sa akin. Nadismaya naman ako dahil gusto kong hawakan pa niya ako. "Naglasing ako dahil sa iyo…ikakasal na kay Daddy at mawawalan na talaga ako ng pag-asa na mapasaakin ka…" malungkot kong saad habang nakatitig sa maamo at maganda niyang mukha. I saw her frowning. Bumuntonghininga hininga siya at saka malungkot na tumingin sa akin. "B-Blue…ilang beses ko ng sinabi sa iyo na kalimutan mo na kung ano man ang nadarama mo para sa akin. Ibaling mo na 'to sa iba dahil hindi ako ang babae na para sa iyo. Mahal ko ang Daddy mo, ilang beses ko na 'tong sinabi sa iyo. Paulit-ulit na lang tayo at sana tigilan mo na ako." Marahas akong bumuntonghininga dahil sa aking narinig. Pinilit ko na umupo para makausap ko siya ng maayos. "Mahal na mahal kita, Alessa. Hindi ako makapag-isip ng tama, halos nababaliw na ako kakaisip dahil sa nalalapit ninyong kasal ni Daddy. Kapag ikinasal ka na sa kanya, mawawalan na talaga ako ng pag-asa na mapasaakin ka…" "Dahil hindi ako magiging iyo kahit kailan. Kaya nga ang pakiusap ko sa iyo kalimutan mo na kung ano man ang nadarama mo sa akin. Ibaling mo na 'to sa iba para mabilis kang mag-move on." Umiling ako, sinubukan ko siyang hawakan pero mabilis siyang nakalayo sa akin na tila takot na mahawakan ko. Masisi ko ba siya? Ilang beses ko na siyang nahalikan at malamang natatakot siya na mahawakan ko dahil narito siya sa loob ng kwarto ko at pwede kong gawin sa kanya ang gusto ko. "I can't, babe…bakit ba ipinamimigay mo ako sa iba?" buong hinanakit na sumbat ko sa kanya. "Ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko. Please, Alessa, pumayag ka na sa gusto ko, sa akin ka na magpakasal at iwan mo na ang Daddy ko." Matigas na umiling si Alessandria. "Hindi pwede, Blue. Mahal ko ang Daddy mo at sa kanya lang ako magpapakasal." Nainis naman ako sa aking narinig. "Sige, magpakasal ka sa kanya! Pero sana pumayag kang maging kabit ako. Makikihati ako sa pagmamahal mo kahit maging kabit mo lang ako." Napanganga si Alessandria sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala na ito pa rin ang maririnig niya sa akin kahit ilang beses na akong nakarinig ng rejection sa kanya. "Blue…huwag mong ibaba ang sarili mo dahil sa pagmamahal na nadarama mo para sa akin. You deserve better than that. Hindi rin ako papayag sa gusto mo dahil ayokong magkasala kay Azrael. Ilang beses ko ng sinabi sa iyo at paulit-ulit kong sasabihin na ayaw ko. Sige maiwan na kita. Matulog ka na riyan at magpapahatid na lang ako ng soup at gamot mo para mawala ang hangover mo." "Alessandria…please stay, mag-usap muna tayo!" "Ayaw ko, Blue. Hindi ka rin naman makikinig sa mga sinasabi ko. Sana, pakinggan mo ang mga sinabi ko sa iyo. Last na 'to, kapag hindi mo pa talaga ako tinigilan, sasabihin ko na kay Azrael ang mga ginagawa mo sa akin. Bahala na kung magkasira kayong mag-ama basta huwag lang kaming masira bilang mag-asawa." Hindi ako nakahuma sa sinabi niya. Nanghihinang sumandal ako sa headboard ng aking kama habang pinapanood ang paglabas niya sa kwarto ko. Ang sakit-sakit naman. Bakit ba hindi niya ako magustuhan kahit anong pilit ko na ilapit ang sarili ko sa kanya? Wagas na pag-ibig ba ang nadarama niya kay Daddy para ayawan niya ako ng ganito? Kung una ba kaming nagkakilala magkakagusto ba siya sa akin? Mamahalin ba niya ako tulad ng pagmamahal na binibigay niya sa ama ko? "f**k! I don't know!" Banas na humiga akong muli at pinilit na matulog para mawala ang hangover ko. Pero hindi ko magawa dahil paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang masasakit na salitang binitiwan ni Alessandria sa akin. "Sige…iyan pala ang gusto mo. Gusto mo talagang maging marahas ako sa iyo. Tingnan natin kung hindi ka bibigay sa gagawin ko sa iyo, Alessandria. Just wait and see, magiging akin ka kahit gumamit pa ako ng dahas." Gagawin ko na ang last option ko. May binabalak na ako at sana magtagumpay ako. Patawarin ako ni Daddy sa gagawin ko sa asawa niya pero itutuloy ko pa rin ang gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD