Kabanata 10: Kasal (Blue)

1619 Words
Malungkot na nakamasid ako kina Daddy at Alessandria na nakatayo sa harap ng judge na magkakasal sa kanila. Narito kami sa beach house ko at dito nila napili ang venue para ikasal. Sa dalampasigan ang venue kung saan nagtayo sila ng magarbong pagdadausan ng kasal. Puro nakasuot ng puti at itim ang mga bisita. Hindi naman ganoon karami ang bisita dahil nabilang ko lang na sampu ang mga ito. Halos hindi ko nga kilala ang mga bisita dahil ni isang kamag-anak namin ay walang inimbitahan si Daddy. Nagtataka man ay hindi na ako nag-usisa, marahil, umiiwas lang siyang maging usap-usapan lalo na at batam-bata ang kanyang pakakasalan. Siguro gusto ni Daddy na maging solemn ang kasal nila ni Alessandria kaya hindi siya nag-imbita ng mga kamag-anak namin na imamarites lang kung kanino ang kasal na 'to na gaganapin. Nagsimula ang seremonyas ng kasal. Nagsimula na rin na madurog ang puso ko. Wala na. Wala na talaga akong pag-asa na maging akin ang babaeng aking pinakamamahal. "Kung sino man ang tumututol sa kasal na 'to ay magsalita na bago natin ituloy ang seremonyas," sabi ng judge habang umiikot ang paningin niya sa aming lahat na nakaupo habang nakatingin sa harapan. I would like to raise my hand and tell the judge to stop the wedding. But I can't raise my hand, lalo na nang makita ko si Daddy na lumingon sa gawi ko at ngumiti. I just raised my hand for a thumbs up for him. Nakita ko pa si Alessandria na mukhang kinabahan nang makitang nagtaas ako ng kamay ngunit thumbs up lang para sa aking ama. Nagkatitigan kami ni Alessandria, nakita ko ang pagsusumamo sa mukha niya na parang sinasabi niya na huwag akong gumawa ng eksena sa kasal nila ng Daddy ko. I just smirked at her and looked away before she saw that I would begin to cry. Nalaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang ituloy na ng judge ang seremonya ng kasal. Nagpalitan ng 'I do's' sina Daddy at Alessandria na labis na nagpasakit sa puso ko. "f**k!" I cursed silently as I cried. Gusto kong magluksa. Ipagluluksa ko ang puso kong sawi at nagkapira-piraso na dahil hindi na talaga magiging kami ng babaeng pinakamamahal ko. Ayaw pa niyang maging kabit ko kaya wala akong magagawa kundi isagawa ang isang plano na alam kong pagsisisihan ko pagkatapos. I don't have any options, gusto kong maangkin siya kahit isang gabi lang, kahit iyon lang ay maramdaman kong naging akin siya. Pagkatapos ng gabing 'yon, iiwasan ko na siya. I will try to move on. Pipilitin ko kahit alam kong hindi ko naman ito kaya. "Congratulations Mr. and Mrs. Olivares. You may now kiss the bride, Sir." Nagpunas ako ng luha ko nang marinig ang sinabi ng judge. Inayos ko ang aking sarili kahit na unti-unti na namang nasasaktan ang puso ko. Lumingon muli si Daddy sa gawi ko. I tried to smile at him. Hindi ko pinakita na may something na nangyayari sa akin habang kinakasal sila ng babaeng mahal ko. Masayang ngumiti si Daddy sa akin bago ito humarap kay Alessandria at hahalikan ito sa kanyang labi. "Huwaggggggggg!" Gusto kong isigaw, ngunit hindi ko na nagawa nang makita kong sa noo hinalikan ni Daddy na labis kong ipinagtataka. Napangiti ko sa aking nasaksihan. Akala ko muli na namang mawawasak ang puso ko dahil sa halik na inaasahan kong pagsasaluhan nila sa aking harapan. "Palakpakan natin ang bagong kasal," anang judge nang matapos ang halik na ginawad ni Daddy sa kanyang asawa. Nakipalakpak ako kahit hindi naman ako natutuwa sa nangyayari. Nagsimula ang picture taking, picture taking na hindi na yata matatapos. Tatayo na sana ako para umalis at diretso na sa reception nang biglang tawagin ako ni Daddy para lumapit. "Come on, Azul. Papakuha tayo ng picture nating tatlo," wika niya nang makalapit ako "Alright, Dad. Anyway, congratulations to both of you," kinamayan ko si Daddy ngunit isang sulyap lang ang ibinigay ko kay Alessandria na tahimik lang sa tabi ng ama ko. "Thank you, Azul. Dapat ikaw ang i-congratulate ko," ani Daddy na ipinagtataka ko. "What do you mean, Daddy?" "I- I mean, i-congratulate ka dahil may stepmother ka na." Napangiti ako ng alanganin sa sinabi ni Daddy. Hindi ko ito nagustuhan lalo na nang makita ko si Alessandria na namula at nag-iwas ng tingin sa akin. Stepson na niya ako ngayon, wala na akong mababago sa katotohanang ito kaya wala akong magagawa kundi tanggapin sa buhay ko na stepmother ko na siya. Basta ba mamaya, matuloy ang plano ko na maangkin siya. Sinikap kong ngumiti sa camera habang panay ang flash nito sa mukha namin. Pekeng ngiti na madaling gawin kahit sobra na akong nasasaktan. "Kayo naman ni Alessandria ang mag-picture, Azul." "Huh?" tangi ko lang nasabi. Si Alessandria naman ay nagtataka rin na naiwan sa tabi ko habang nakatingin sa asawa niya na nakatayo na sa tabi cameraman. Binigyan kami ng instructions ng cameraman kahit nagtataka ako kung bakit kailangan pa kaming kuhanan ng litrato na tanging kami lang. Pakiramdam ko tuloy ako ang ikinasal habang sinusunod namin ni Alessandria ang sinasabi ng cameraman. Si Daddy naman ay tuwang-tuwa na nakatingin sa amin na hindi ko maintindihan kung bakit. Pinagtitripan ba niya ang damdamin ko? Nababasa ba niya sa mga galaw ko na may gusto ako sa asawa niya. Pero siguro naman hindi dahil kahit kailan hindi ako umakto sa harapan niya na may something akong nadarama para sa kanyang asawa. Natapos ang picture taking na nangawit ang aking panga. Kaagad na lumayo ako kay Alessandria nang lumapit na si Daddy sa amin. "Azul! Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang picture taking." "Sa reception, Dad. Hindi naman po ako need na riyan. Just enjoy, kita na lang po tayo sa reception." Kinawayan ko si Daddy at hindi na pinansin pa ang pagtawag niya. Fuck! I need a drink, I need it to have the courage to do what I am planning later. Sana magtagumpay ako dahil ito na lang ang naiisip kong paraan kahit papaano ay maging masaya ako. "Goodluck, Blue!" tukso ko sa aking sarili. "Baliw! Stepmother mo siya, huwag mong ituloy ang binabalak mo!" inignora ko ang sigaw ng matinong parte ng utak ko. Saglit lang naman kami sa reception. Kumain lang at walang katapusan na picture taking na karamihan ay kasama ako ng bride. Hindi ko na lang ito masyadong pinagtuunan ng pansin tutal pictures lang naman iyon na wala naman sigurong kahulugan. Dahil kung may alam si Daddy sa nararamdaman ko at sadya niya akong sinasaktan, well, nagawa na niyang saktan ako ng paulit-ulit kanina. Pira-piraso na ang puso ko at hindi ko alam kung maaayos ko pa ba ito. Halos sabay kaming dumating nina Daddy sa mansion ng gabing iyon. Nakasunod lang ako sa kanila habang nakayakap siya sa baywang ni Alessandria. As usual nakasimangot ako sa likuran nila habang masama ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Dad…" tawag ko nang makapasok na kami sa loob ng kabahayan. "Yes, Azul?" "Let's have a drink. Mamaya na kayo mag-honeymoon ng asawa mo." I saw Alessandria frowned. Samantalang si Daddy ay bumitiw sa yakap niya sa kanyang asawa at lumapit sa akin. "Pwede naman, let's celebrate your—ang ibig kong sabihin ay ang kasal namin ni Alessandria." "Tara na sa bar counter, Daddy. Saglit lang naman tayo then you can have your honeymoon with your wife." Nakita kong bumuntonghininga si Alessandria at naiinis sa mga sinasabi ko. Ano 'yon? Atat na siyang makipag-honeymoon sa Daddy ko? Nagtataka na tuloy ako kung bakit parang atat siya at tila may hidden agenda siya? Baka kayamanan lang ni Daddy ang habol niya…sana nga…dahil kung hindi niya mahal si Daddy, narito ako at naghihintay lang sa kanya. Kahit ubusin niya ang lahat ng kayamanan ko, wala akong pakialam basta manatili lang siya sa tabi ko. "Alessandria, hintayin mo na lang ako sa kwarto natin. Saglit lang naman kaming mag-iinuman ni Azul," baling ni Daddy sa asawa nito nang maalala niyang kasama pa namin ito. "Sasamahan ko na lang kayong mag-inom, Azrael." "Huwag na. Hintayin mo na lang ako sa kwarto ko." Hinaplos ni Daddy ang mukha ni Alessandria at ngumiti rito. "Sige, kung iyan ang gusto mo." Sinundan ko ng tingin si Alessandria. Kinagat ko ang aking labi ng maisip kong maya-maya lang ay maaangkin ko na siya. "Alam mo, Azul, kung sana may gusto ka kay Alessandria, kayo na lang sana ang kinasal. Bagay na bagay kayo at alam kong magkakasundo kayo," bulol na sabi ni Daddy sa akin nang makarami na siya ng ininom. Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong alak nang marinig ito kay Daddy. Natuwa ako sa aking narinig ngunit nagpanggap ako na hindi interesado dahil alam kong may tama na siya ng alak kaya kung ano-anong sinasabi niya. "Hindi ko siya type, Dad. Tsaka asawa mo siya bakit ba ganyan ang sinasabi mo sa akin?" "Sinasabi ko lang naman. Wala naman akong nais ipakahulugan doon. Kung lang naman, matutuwa ako kung magkagustuhan kayo." Napailing ako. Lasing na nga yata si Daddy kung ano-ano na ang sinasabi. Well, mabuti para hindi niya mamalayan ang gagawin ko kay Alessandria. Nilasing ko pa si Daddy nang nilasing hanggang sa makatulog na siya sa bar. Saka ako nagpasya na ihatid siya sa kwarto nila at isakatuparan ang nais kong gawin. Masama ang tingin sa akin ni Alessandria nang sumungaw kami ni Daddy sa pintuan. Nakita kasi niyang lasing na lasing si Daddy at halos natutulog na. Kaagad niyang inalalayan si Daddy sa kabilang balikat nito at tinulungan akong maayos itong ihiga sa kanilang kama. Nang matapos naming maihiga si Daddy sa kama niya ay saka ako nagpasyang lapitan siya. "Maligo ka na, babe. Babalik ako mamaya rito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD