Walang pagsidlan ng galak ang puso ko dahil sa nalaman naming kambal ang anak namin ni Alessandria. Ang saya-saya ko! Gusto kong sumigaw sa tuwa at maglulundag ngunit nagpipigil lang ako ng aking sarili dahil nakakahiya kay Doktora. Nahihiya na nga ako dahil nag-iiyakan kami ni Alessandria rito sa tanggapan niya habang nakatingin kami sa mga fetus na nasa screen. This are tears of joy. Hindi ako iyaking tao pero kapag may kinalaman kay Alessandria ay umiiyak ako ng walang alinlangan. Lalo na ngayon na nalaman naming kambal ang aming anak. Ang gara naman! Isa lang ang hiniling ko ngunit doble ang ibinigay niya sa akin. Dapat itong i-celebrate! Magiging Daddy na ako at gusto kong ipagsigawan ito sa mundo. Pero paano? Nawala ang saya na aking nadarama nang maalala ko si Daddy. Bakit ko