Isang araw na lang ang natitira sa palugit ni Alessandria sa akin. Nakapagdesisyon naman na ako kahapon pa. Pipiliin ko siya kaysa kay Daddy dahil mahalaga sila sa akin ng mga anak ko. Mahal ko si Daddy pero mas mahal ko si Alessandria. Siguro naman maiintindihan niya ako kung bakit nagawa kong mahulog sa asawa niya. I am madly in love with his wife. Sa sobrang pagmamahal na nadarama ko para kay Alessandria nagawa ko siyang traydurin habang nakatalikod sya. Tatanggapin ko ang lahat ng galit ni Daddy sa akin mamaya kapag nagkaharap kami. Kung gusto niya akong bugbugin, sige lang. Titiisin ko ang sakit hanggang sa humupa ang galit niya. Kung gusto niya akong itakwil, sige lang din. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko kaya tatanggapin ko ang lahat ng walang reklamo. Pero ang hiling