Ako nga ang kasama ni Alessandria na magpapa-check up ngayong araw. Tinawagan ko na kagabi si Justin at sinabi niyang may mairerekomenda nga siyang magaling na OB-gyne roon sa ospital nila. Sinabi niya na pumunta lang ako ngayong araw at sasamahan niya ako sa nirerekomenda niyang doktor. Mga alas-nuebe ang dating ng doktor at nagpareserba na si Justin ng numero namin para mauna sa pila. Naligo ako ng mabilisan nang makita kong alas-siyete 'y media na ang oras sa wristwatch ko. Maaaring nasa baba na sina Daddy at Alessandria at kumakain na ng almusal. Eighty-thirty ang pasok ni Daddy sa office. At ako naman ay mga alas-onse pa mamaya ang pasok ko dahil wala naman akong importane na gagawin ngayong umaga. Tinawagan ko na ang assistant ko na kapag may importanteng sasabihin ay tawagan lang