"Good morning, Babe." Isang matamis na halik ang iginawad ko kay Alessandria matapos ko siyang hilahin papasok sa kwarto ko at isinandal sa likod ng pintuan. Kanina ko pa hinihintay ang paglabas niya mula sa kwarto nila ni Daddy. Pupuntahan ko sana siya sa kwarto nila ngunit naisip kong mas mabuti kung dito ko na lang siya sa kwarto ko dalhin para mas safe. "Blue! Ano ka ba naman?! Baka bumalik ang Daddy mo at hanapin ako," ani ni Alessandria sa akin sa matigas na tono pagkatapos ng isang makapigil-hiningang halik na pinalasap ko sa kanya. Tinulak niya ako paalis sa katawan niya at mukhang na-badtrip siya sa kapangahasan ko. "Don't worry, babe. Pumasok na si Daddy sa opisina at malabong bumalik iyon dito kapag may nakalimutan siya. May meeting siya today at hindi siya pwedeng ma-late,