Kabanata 20: Bumigay na naman ako. (Alessandria)

1525 Words

Pabiling-biling ako sa pagkakahiga ko sa kama. Hindi ako makatulog kahit anong pilit ko na matulog. Alas-tres na ng madaling-araw pero mulat pa rin ako at ayaw man lang dalawin ng antok. Nilingon ko si Azrael na payapang natutulog sa tabi ko. Mahina siyang naghihilik habang mariin na nakapikit ang kanyang mga mata. Ang layo ng distansiya namin sa isa't isa. Parang may nakapagitna sa amin na harang na hindi makita. Akala ko pa naman may mangyayari sa amin ngayong gabi pero wala dahil siguro napagod siya sa malayong biyahe. Naiintindihan ko naman siya, pero nakakatampo lang kasi dahil parang hindi kami mag-asawa. Nandito nga siya pero parang ang layo na niya sa akin. Parang wala na iyong sweetness na pinapadama niya sa akin dati noon. Kung sweetness nga na matatawag iyon dahil hindi ko ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD