"Kumpadre, kumusta na? Tagal mong hindi dumalaw dito sa amin, mabuti at nakapasyal ka?" Tumawa ako sa sinabi ni Ferdie sa akin habang humahakbang ako ng mabagal palapit sa kanya. Nag-high five kami ng makalapit ako at nagbungguan ng dibdib. Matagal-tagal na talaga iyong huling pagkikita namin dahil halos dalawang buwan na ang nakalipas bago kami muling nagkita. "Alam mong busy ako sa trabaho, Kumpadre," sagot ko habang sumasabay sa kanya sa paglalakad patungo sa veranda. Doon kami madalas magkwentuhan kapag dumadalaw ako rito sa mansion nila. "Naku! Ipaubaya mo na lahat kay Azul, iyan. Hindi ka na bumabata at deserve mo naman magpahinga at i-enjoy ang buhay na walang iniisip na problema." Naupo kami ng magkaharap ni Ferdie at kaagad niyang inutusan ang katulong na lumapit para magpaha