Padabog na binagsak ko ang aking sarili sa kama nang pumasok ako sa aking kwarto. Dito ako dinala ng mga paa ako pagkatapos na kumustahin ko si Daddy tungkol sa business meeting na dinaluhan niya sa Singapore. Dito ako dumiretso imbes na sumalo sa kanila sa hapagkainan. Masyadong masakit sa mata ang pagiging malapit nila ni Alessandria. Hindi ko ito matatagalan lalo na at sobrang selos na selos ako. Ang babae namang iyon ay tila walang pakialam sa nararamdaman ko. She is hurting me big time whenever she holds my father's arm. Lalo na kapag nakayakap siya sa baywang nito na tila sabik na mayakap ang ama ko. Nakakainis! Parang wala kaming pinagsaluhan na dalawa. Parang ang bilis para sa kanya na kalimutan ang mga naganap sa amin. Nakita lang niya ang ama ko, naitsa pwera na naman ako. Ban