Sinikap ko na maging magana sa pagkain kaharap si Daddy. Nasa magkabilang ibayo niya kami samantalang siya ay nasa master's chair. Wala naman siyang binanggit na kung ano sa amin ni Alessandria nang magkasunod kaming bumaba para makisalo sa kanya sa hapunan. Doble pa naman ang kaba ko sa aking dibdib kanina dahil akala ko mag-uusisa siya dahil hindi niya nakita si Alessandria sa kwarto nila ngunit naisip ko, baka hindi pa siya umaakyat sa taas kaya hindi niya nakita na wala sa kwarto ang kanyang asawa. Iyon pa rin kasi ang suot niyang damit at mukhang hindi pa nga siya umakyat kaya nakahinga ako ng maluwag. Maging si Alessandria siguro ay nakahinga din ng maluwag. Nakita ko kasing relax na ang kanyang reaksyon samantalang kanina ay para siyang naiihi na ewan dahil sa kaba. Tahimik lan