Wilma "Why? What happened?" tanong ko kay Darren nang sumunod na araw ay tumawag siya para ipaalam na hindi makaka-attend sa klase namin si Rain. "Ahm, she's feeling bad right now. Heto nga at hindi siya makabangon." "Just take her to the clinic then." "That's what I'm gonna do. I'll just call you when she's fine." "Alright. Pagaling kamo siya." "Yeah. Thanks, Wilma." Kaagad na ring naputol ang linya. Napahinga ako ng malalim habang nakatanaw sa bakuran ko sa ibaba. I'm currently here on the balcony of my room sipping hot coffee. Napakunot ang noo ko nang matanaw ko sa labas ng gate ang kotse ni David. Sigurado akong pag-aari niya ang mercedes-benz na iyon. What the hell is he doing here at this early hour? Is he planning to court my children this early? Naisip ko lang, sa hina