Wilma "Pinakasalan ko noon si Nicole dahil iyon ang napagkasunduan ng mga magulang namin noon," aniya habang pareho kaming nakatulala sa madilim na paligid at kalangitan dito pa rin sa roof deck. Nakaupo kami sa isang mahabang silya ngunit nakaposisyon sa magkabilaang dulo. Parang may isang mataas na pader ang namamagitan sa aming dalawa ngayon. "I accidentally used her when I was drunk because of my broken heart." Tss. Natawa ako ng mapakla sa sinabi niyang 'yon. Accident. Pero marahil, ginawa talaga ni Nicole noon ang lahat upang maakit siya. Hindi ko nga rin akalain na magagawa niya sa akin ang ganoon ka-itim na plano at ipinakalat pa nila sa buong University ang kahihiyan ko. Wala siyang kunsensiya, sila ni Hudson. Napaka-itim ng budhi nila kaya naman maagang siningil ng kapala