Wilma "Leonardo?" Biglang lumawak ang pagkakangiti niya nang bigkasin ko na ang pangalan niya. "What does that mean? You remember me already." Tuluyan na rin akong napangiti kasabay nang pagtanggap ko sa kamay niya. "How could I forget you? Isa ka yata sa mga mahinhin at torpe kong kaibigan noon," biro ko sa kanya na siyang ikinanganga niya. Pansin ko ang pamumulang bigla ng pisngi niya at saglit niyang pag-iwas ng tingin sa akin. Ngunit hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko at nararamdaman ko pa ang marahan niyang pagpisil dito. "Oh, my God! At ikaw pa rin ang pilya at sutil ko ring naging kaibigan noon." Mas lalo naman akong natawa sa sinabi niyang 'yon. "But you don't seem to be getting older. Mas lalo ka pang gumanda ngayon," he added and I shook my head. He was still hol